Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 57—Ang Kaban ay Nakuha ng mga Filisteo

    Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Samuel 3 hanggang 7.

    Isa pang babala ang ibibigay sa sambahayan ni Eli. Ang Dios ay hindi maaaring makipag-ugnayan sa punong saserdote at sa kanyang mga anak; ang kanilang mga kasalanan, tulad sa isang makapal na ulap, ay humahadlang sa pakikiharap ng Kanyang Banal na Espiritu. Subalit sa kalagitnaan ng kasamaan ang batang si Samuel ay nanatiling tapat sa Langit, ang mensahe tungkol sa parusa sa sambahayan ni Eli ay iniatas kay Samuel bilang isang propeta ng Kataas-taasan.MPMP 687.1

    “Ang salita ng Panginoon ay mahalaga noong mga araw na yaon; walang hayag na pangitain. At nangyari nang panahon na yaon, nang si Eli ay mahiga sa kanyang dako, ang kanya ngang mata'y nagpasimulang lumabo, na siya'y hindi nakakita, at ang ilawan ng Dios ay hindi pa namamatay, at si Samuel ay nakahiga upang matulog, sa templo ng Panginoon na kinaroroonan ng kaban ng Dios; na tinawag ng Panginoon si Samuel.” Inaakalang ang tinig ay kay Eli, ang bata ay nagmadaling nagtungo sa tabi ng higaan ng saserdote, na nagsasabi, “Narito ako; sapagkat tinawag mo ako.” Ang sagot ay, “Hindi ako tumawag, mahiga ka uli.” Tatlong ulit na tinawag si Samuel, at tatlong ulit siyang sumagot sa ganong paraan. At si Eli ay nakabatid na ang mahiwagang tumatawag ay ang tinig ng Dios. Nilampasan ng Panginoon ang Kanyang piniling lingkod, ang lalaking maputi na ang buhok, upang makipag-ugnay sa isang bata. Ito ay isang mapait ngunit nararapat na sumbat kay Eli at sa kanyang sambahayan.MPMP 687.2

    Walang napukaw sa puso ni Eli na pagkadama ng inggit o paninibugho. Tinuruan niya si Samuel na tumugon, kung tatawaging muli, “Magsalita ka Panginoon; sapagkat dinirinig ng Iyong lingkod.” Minsan pang narinig ang tinig, at ang bata ay tumugon, “Magsalita ka; sapagkat dinirinig ng Iyong lingkod.” Gano'n na lamang ang kanyang pagkamangha sa kaisipan na ang dakilang Dios ay magsasalita sa kanya, na hindi niya natandaan ang lahat ng mga salitang ipinasasabi sa kanya ni Eli.MPMP 687.3

    “At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Narito, gagawa Ako ng isang bagay sa Israel, na ang dalawang tainga ng bawat isa na nakikinig ay magpapanting. Sa araw na yaon ay Aking tutuparin kay Eli ang lahat na Aking sinalita tungkol sa kanyang sangbahayan, mula sa pasimula hanggang sa wakas. Sapagkat Aking isinaysay sa kanya na Aking huhukuman ang kanyang sambahayan magpakailan man, dahil sa kasamaan na kanyang nalalaman, sapagkat ang kanyang mga anak ay nagdala ng sumpa sa kanilang sarili, at hindi niya sinangsala sila. At kaya't Ako'y sumumpa sa sambahayan ni Eli, na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay hindi mapapawi ng hain, o handog man, magpakailan man.”MPMP 688.1

    Bago natanggap ang mensaheng ito mula sa Dios, “Hindi pa nga nakikilala ni Samuel ang Panginoon, o ang salita man ng Panginoon ay nahahayag pa sa kanya,” ibig sabihin, hindi pa niya alam ang ganong tuwirang pagpapahayag ng pakikiharap ng Dios tulad ng ipinagkaloob sa mga propeta. Layunin ng Panginoong ipahayag ang Kanyang sarili sa gano'ng hindi inaasahang paraan, upang iyon ay marinig ni Eli sa pamamagitan ng pagtataka at pagtatanong ng bata.MPMP 688.2

    Si Samuel ay napuno ng takot at pagkamangha sa pag-iisip sa pagkakaroon ng gano'ng kakila-kilabot na mensaheng ipinagkatiwala sa kanya. Kinaumagahan ay ginawa niya ang kanyang mga tungkulin na gaya rin ng dati, subalit mayroong mabigat na pasanin sa kanyang batang puso. Hindi ng Panginoon ipinag-utos sa kanya na ihayag ang kilabot na magaganap, kaya't siya ay nanatiling tahimik, umiiwas, hangga't maaari, sa presensya ni Eli. Siya'y kinakabahan baka siya'y tanungin at mapilitang ipahayag ang hatol ng Dios laban sa isa na kanyang minamahal at iginagalang. Si Eli ay nakatitiyak na ang men- sahe ay nagpapahayag ng malaking sakuna sa kanya at sa kanyang sambahayan. Tinawag niya si Samuel, at ipinag-utos sa kanyang isaysay ng tapat kung ano ang ipinahayag ng Panginoon. Ang bata'y sumunod, at ang matandang lalaki ay yumuko sa mapagpakumbabang pagpa- pasakop sa nakapanghihilakbot na hatol. “Panginoon nga,” wika niya: “gawin Niya ang inaakala niyang mabuti.”MPMP 688.3

    Gano'n pa man si Eli ay hindi nagpahayag ng bunga ng tunay na pagsisisi. Kanyang ipinagtapat ang kanyang kasalanan, subalit hindi niya tinalikuran ang kasalanan. Ang mga taon ay lumilipas at ipinag- paliban ng Panginoon ang bantang hatol. Marami sanang nagawa sa loob ng mga taong iyon upang matubos ang mga nakalipas na mga pagkakamali, subalit ang matandang saserdote ay hindi nagsagawa ng mahusay na mga hakbang upang maituwid ang mga kasamaan na nagpaparumi sa santuwaryo ng Panginoon, at umaakay sa libu-libong Israel tungo sa kapahamakan. Ang pagpipigil ng Dios ay naging sanhi upang patigasin ni Ophni at Phinees ang kanilang mga puso, at upang lalo pang maging matapang sa pagsalangsang. Ang mga babala at sumbat sa kanyang sambahayan ay ipinahayag ni Eli sa buong bayan. Sa pamamagitan nito ay umaasa siyang masasalungat, sa ilang paraan, ang masamang impluwensya ng kanyang nakalipas na pagpa- pabaya. Subalit ang babala ay hindi pinansin ng mga tao, tulad rin ng mga saserdote. Gano'n din ang mga tao sa nakapalibot na mga bayan, na nakakabatid sa mga kasamaang hayagang isinasagawa sa Israel, lalo pang tumapang sa kanilang pagsamba sa diyus-diyusan at labis na kasamaan. Wala silang nadamang pagkakasala sa kanilang mga kasalanan, na dapat sana ay kanilang nadama kung iniingatan lamang ng mga Israelita ang kanilang pagkamatapat. Subalit isang araw ng pagsusulit ay dumarating. Ang awtoridad ng Dios ay napasa isang tabi, at ang pagsamba sa Kanya ay kinaligtaan at kinamuhian, at kinailangang Siya ay mamagitan, upang ang karangalan ng Kanyang pangalan ay mapanatili.MPMP 688.4

    “Ngayo'y lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang maki- pagbaka, at humantong sa Ebenezer: at ang mga Filisteo ay human- tong sa Aphec.” Ang ekspidisyong ito ay isinagawa ng mga Israelita na walang payo mula sa Dios, walang pagsang-ayon ng punong saserdote o ng propeta. “At ang mga Filisteo ay humanay laban sa Israel; at kanilang pinatay sa hukbo sa parang, ay may apat na libong lalaki,” Nang umuwi ang nagulo at nasiraan ng loob na puwersa sa kanilang kampamento, “ay sinabi ng mga matanda sa Israel, Bakit sinaktan tayo ngayon ng Panginoon sa harap ng mga Filisteo?” Ang bansa ay binog na para sa mga hatol ng Dios, gano'n pa man hindi nila nakikita na ang sarili nilang mga kasalanan ang sanhi ng malaking pagkatalong iyon. At kanilang sinabi, “Ating dalhin sa atin ang kaban ng Panginoon mula sa Silo, upang mapasa gitna natin yaon, at iligtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway.” Ang Panginoon ay hindi nag- bigay ng utos o ng pahintulot na ang kaban ay mapasa hukbo; gano'n pa man ang mga Israelita ay nakadama ng katiyakan na sila ay magta- tagumpay, at nagsigawan ng malakas nang iyon ay dalhin ng mga anak ni Eli sa kampamento.MPMP 689.1

    Ang mga Filisteo ay tumingin sa kaban bilang siyang diyos ng Israel. Lahat ng makapangyarihang mga gawa na ginawa ni Jehova ay ipinalagay na bunga ng kapangyarihan noon. Samantalang kanilang naririnig ang mga sigaw ng kagalakan sa pagdating noon, ay kanilang sinabi, “Ano ang kahulugan ng ingay nitong malakas na hiyaw sa kampamento ng mga Hebreo? At kanilang natalastas na ang kaban ng Panginoon ay ipinasok sa kampamento. At ang mga Filisteo ay nangatakot, sapagkat kanilang sinabi, Sa aba natin! sino ang magliligtas sa atin sa kamay ng makapangyarihang mga diyos na Ito? Ito ang mga Dios na nanakit sa mga taga Ehipto ng sari-saring salot sa ilang. Kayo'y magpakalakas at magpakalalaki, Oh kayong mga Filisteo, upang kayo'y huwag maging mga alipin ng mga Hebreo, na gaya ng naging lagay nila sa inyo: kayo'y magpakalalaki, at magsilaban.”MPMP 690.1

    Ang mga Filisteo ay nagsagawa ng isang matinding pagsalakay, na humantong sa pagkatalo ng Israel, na maraming napatay. Tatlumpung libong mga lalaki ang napatay sa parang, at ang kaban ng Dios ay nakuha, at ang dalawang anak ni Eli ay napatay samantalang ipinag- tatanggol iyon. Kaya't sa muli sa naiwan na dahon ng kasaysayan ang isang patotoo para sa lahat ng panahon sa hinaharap, na ang kasalanan ng mga nag-aangking bayan ng Dios ay hindi maaaring hindi mapa- rusahan. Sa higit na malaking pagkaalam sa kalooban ng Dios higit na malaki ang kasalanan noong susuway doon.MPMP 690.2

    Ang pinaka nakakatakot na sakuna na maaaring mangyari ay nangyari sa Israel. Ang kaban ng Dios ay nakuha, at napasa kamay ng kaaway. Tunay na ang kaluwalhatian ay nawalay mula sa Israel nang ang simbolo ng nananahang presensya at kapangyarihan ni Jehova ay naalis mula sa kanilang kalagitnaan. Kaugnay ng banal na kabang iyon ang pinaka kahanga-hangang pagpapahayag ng katotohanan at kapangyarihan ng Dios. Noong nakalipas na mga araw, kahima- himalang mga tagumpay ang natamo sa tuwing iyon ay mahahayag. Iyon ay nalililiman ng mga pakpak ng mga gintong kerubin, at ng di mabigkas na kaluwalhatian ng presensya ng Dios, ang nakikitang simbolo ng kataas-taasang Dios, ay nananahan sa ibabaw noon sa kabanal-banalang dako. Subalit ngayon ay hindi iyon naghatid ng tagumpay. Hindi iyon naging isang pananggalang sa pagkakataong ito, at nagkaroon ng pagluluksa sa buong Israel.MPMP 690.3

    Hindi nila nabatid na ang kanilang pananampalataya ay pananam- palatayang pang-ibabaw lamang. Ang kautusan ng Dios, na nakalagay sa kaban, ay isa ring simbolo ng Kanyang presensya; subalit sila ay naghasik ng paghamak sa mga kautusan, binaliwala ang mga ipinag- uutos noon at dinalamhati ang Banal na Espiritu sa kalagitnaan nila. Kapag ang mga tao ay sumusunod sa mga banal na kautusan, ang Panginoon ay sumasa kanila at gumagawa para sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang kapangyarihan; subalit kung sila'y tumidngin sa kaban, na hiwalay sa Dios, ni hindi pinaparangalan ang Kanyang hayag na kalooban sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang utos, hindi iyon makagagawa para sa kanila ng hihigit sa magagawa ng isang pangkaraniwang kahon. Tumingin sila sa kaban kung paanong yaong mga bansang mapagsamba sa mga diyus-diyusan ay tumitingin sa kanilang mga diyos, na tila iyon ay may taglay na mga elemento ng kapangyarihan at kaligtasan. Ang kanilang kasalanan ang nagpawalay sa kanila sa Dios, at hindi Niya sila mabibigyan ng tagumpay hanggang hindi pinagsisisihan at tinatalikuran ang kanilang kasalanan.MPMP 690.4

    Hindi sapat ang mapasa kalagitnaan ng Israel ang kaban at ang santuwaryo. Hindi sapat maghandog ang mga saserdote ng mga hain, at ang bayan ay tawaging mga anak ng Dios. Hindi pinapansin ng Dios ang kahilingan noong umiibig sa kasalanan sa puso; nasusulat, “Siyang naglalayo ng kanyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kanyang dalangin ay karumaldumal.” Kawikaan 28:9.MPMP 691.1

    Nang ang hukbo ay lumabas upang makipagdigma, si Eli, na bulag at matanda, ay nanatili sa Silo. Lubhang nangangamba niyang hinintay ang resulta ng labanan; “sapagkat ang kanyang puso'y nanginginig dahil sa kaban ng Dios.” Sa labas ng pintuang daan ng tabernakulo, siya ay nauupo sa araw-araw, at sabik na umaasang may darating na tagapaghatid ng balita mula sa lugar ng digmaan.MPMP 691.2

    Sa katagalan ay may isang lalaki ng Benjamin mula sa hukbo, “na may barong hapak at may lupa sa kanyang ulo,” ang dumating na nagmamadaling pumapanhik sa daan patungo sa lungsod. Walang pasingtabi na nilampasan ang matandang lalaki sa tabi ng daan, siya ay nagtuloy sa bayan, at binanggit sa mga nasasabik na mga tao ang mga balita ng pagkatalo at pagkapahamak.MPMP 691.3

    Ang ugong ng mga iyak at mga panaghoy ay nakarating sa nagbabantay sa tabi ng tabernakulo. Ang tagapaghatid ng balita ay dinala sa kanya. At sinabi ng lalaki kay Eli, “Ang Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo, at nagkaroon din naman ng isang malaking patayan sa gitna ng bayan, at pati ng iyong dalawang anak, si Ophni at si Phinees ay patay na.” Matitiis ni Eli ang lahat ng ito, gaano man ito kakilabot, sapagkat inasahan niyang magaganap. Subalit nang idagdag ng tagapaghatid ng balita, “at ang kaban ng Dios ay kinuha,” isang mukhang hindi mabigkas na kalungkutan ang sumapit sa buo niyang anyo. Ang kaisipan na gano'n na lamang nalapastangan ng kanyang kasalanan ang Dios, at Kanyang inalis ang Kanyang paki- kiharap mula sa Israel, ay higit sa kanyang makakayanan; ang kanyang lakas ay nawala, at siya ay nabuwal, “at nabalian siya sa leeg, at siya'y namatay.”MPMP 691.4

    Ang asawa ni Phinees, sa kabila ng kawalang galang sa Dios ng kanyang asawa, ay isang babaeng may pagkatakot sa Panginoon. Ang pagkamatay ng kanyang biyanang lalaki at ng kanyang asawa, at higit sa lahat, ang kakilakilabot na balita na ang kaban ng Dios ay kinuha, ay naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Kanyang nadama na ang huling pag-asa ng Israel ay nawala; at pinangalanan niya ang sanggol na isinilang sa panahong ito ng sakuna, na Ichabod, o “walang kaluwalhatian;” at sa kanyang pag-aagaw buhay ay humihibik na binabanggit ang mga salitang, “Ang kaluwalhatian ay nahiwalay sa Israel; sapagkat ang kaban ng Dios ay kinuha.”MPMP 692.1

    Subalit hindi lubos na itinakwil ng Dios ang Kanyang bayan, ni hindi Niya titiisin ng matagal ang malaking pagsasaya ng mga hindi kumikilala sa Dios. Ginamit niya ang mga Filisteo bilang mga kasang- kapan upang maparusahan ang Israel, at ginamit Niya ang kaban upang parusahan ang mga Filisteo. Noong nakalipas na mga panahon iyon ay kinaroonan ng pakikiharap ng Dios, upang siyang maging lakas at kaluwalhatian ng Kanyang masunuring bayan. Iyon ay karo- roonan pa rin ng hindi nakikitang presensyang iyon, upang maghatid ng takot at pagkawasak sa mga sumasalangsang sa Kanyang Banal na Kautusan. Malimit ginagamit ng Panginoon ang pinakamahigpit Niyang mga kaaway upang parusahan ang hindi pagtatapat ng nag- aangkin na Kanyang bayan. Ang masama ay maaaring magalak sa tagumpay sumandali samantalang nakikita nilang naghihirap ang Israel sa parusa, subalit ang panahon ay dumarating na sila rin ay kinakailangang humarap sa hatol ng isang Dios na banal, at galit sa kasalanan. Kung saan ang kasalanan ay iniibig, doon, mabilis at tiyak, ang mga hatol ng Dios ay darating.MPMP 692.2

    Sa kagalakan sa pagtatagumpay dinala ng mga Filisteo ang kaban sa Asdod, isa sa kanilang limang pangunahing mga lungsod, at iyon ay inilagay sa bahay ng kanilang diyos na si Dagon. Kanilang inisip na ang kapangyarihang nasa kaban ay magiging kanila, at kung idadagdag sa kapangyarihan ni Dagon, gagawin noon na wala nang makadadaig sa kanila. Subalit nang sila ay pumasok sa templo nang sumunod na araw, nakita nila ang isang tanawing naghatid sa kanila ng pangingilabot. Si Dagon ay nabuwal at napasubsob sa harap ng kaban ni Jehova. Magalang na itinaas ng mga saserdote ang diyus- diyusan, at iyon ay ibinalik sa kanyang lugar. Subalit nang sunod na umaga nakita nila iyon, na kakatwa ang pagkasira, muling nakasubsob sa lupa sa harap ng kaban. Ang itaas na bahagi ng diyus-diyusang iyon ay tulad sa isang lalaki, at ang ibabang bahagi ay tulad sa isang isda. Ngayon ang bawat bahagi na tulad sa anyo ng lalaki ay naputol, at ang bahaging tulad lamang sa isda ang nanatili. Ang mga saserdote at ang mga tao ay nangatakot; tiningnan nila ang mahiwagang pangyayaring ito bilang isang masamang badya, nagpapahayag ng darating na sakuna sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga diyus- diyusan sa harapan ng Dios ng mga Hebreo. Inalis nila ngayon ang kaban mula sa kanilang templo, at iyon ay inilagay sa isang gusali na ukol lamang doon.MPMP 692.3

    Ang mga naninirahan sa Asdod ay dinatnan ng isang nakasasaldt at nakamamatay na karamdaman. Naalaala ang mga salot na pinarating ng Dios ng Israel sa Ehipto, ipinalagay ng mga tao na ang kanilang kapighatian ay hatid ng presensya ng kaban sa kanila. Ipinagpasyang iyon ay dalhin sa Gath. Subalit ang salot ay sumunod doon, at iyon ay dinala ng mga lalaki ng bayang iyon tungo sa Ecron. Dito ay tinanggap iyon ng mga tao na may malaking katakutan, na iniiyak, “kanilang dinala sa atin ang kaban ng Dios ng Israel, upang patayin tayo at ang ating bayan.” Sila'y humarap sa kanilang mga diyos para sa pananggalang, tulad sa ginawa ng mga tao sa Gath at sa Asdod; subalit ang gawain ng mananalanta ay nagpatuloy, hanggang sa kanilang kawalan ng pag-asa, “ang daing ng bayan ay umabot sa langit.” Pinangangambahan ang matagal na pagpapanatili ng kaban sa mga tahanan ng mga lalaki, iyon ay dinala ng mga tao sa parang. Doon ay sumunod ang isang salot ng mga daga, na sumalanta sa lupain, sinira ang mga ibinubunga ng lupa, kapwa sa mga nasa kamalig at sa nasa bukid. Lubhang pagkawasak, sa pamamagitan ng sakit o taggutom, ang ngayon ay nagbabala sa bansa.MPMP 693.1

    Sa loob ng pitong buwan ang kaban ay nanatili sa mga Filisteo, at sa buong panahong ito ang mga Israelita ay hindi gumawa ng anuman upang iyon ay maibalik. Subalit ang mga Filisteo ngayon ay nananabik nang mapalaya ang kanilang mga sarili mula sa presensya noon kung paanong ninasa nilang makuha iyon. Sa halip na maging isang mapagkukunan ng lakas para sa kanila, iyon ay naging isang malaking pasanin at mabigat na sumpa. Gano'n pa man hindi nila alam kung ano ang dapat gawin; sapagkat saan man iyon mapunta, ang kahatulan ng Dios ay sumusunod. Ang mga tao ay nanawagan sa mga prinsipe ng bansa, kabilang ang mga saserdote at ang mga manghuhula, at nananabik na nagtanong, “Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kanyang dako.” Sila ay pinayuhang ibalik iyon na may kasamang mamahaling mga handog dahil sa pagkakasala. “Kung magkagayo'y,” wika ng mga saserdote, “gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang Kanyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo.”MPMP 694.1

    Upang mapatigil o maalis ang isang salot, kinaugalian noong mga unang panahon ng mga hindi kumikilala sa Dios, ang gumawa ng inanyuang ginto, o pilak, o iba pang mga bagay, ng anyo ng naging sanhi ng pananalanta o ng bagay o bahagi ng katawan na bukod tanging naapektuhan. Ito ay inilalagay sa isang haligi o sa isang dakong kitang-kita, at ipinapalagay na isang mabisang pananggalang sa masamang espiritung kinakatawanan noon. Ang katulad rin noon ay ginagawa pa rin ng ilang mga taong hindi kumikilala sa Dios. Kapag ang isang tao na may karamdaman ay nagpunta upang mag- pagaling sa templo ng kanyang diyus-diyusan, siya ay nagdadala ng anyo ng bahaging naapektuhan, na kanyang iniaalay bilang handog sa kanyang diyos.MPMP 694.2

    Ayon sa isinasakatuparan na mga pamahiing ito na ipinag-utos ng mga pangulo sa Filisteo sa mga tao na gumawa ng mga anyo ng mga salot na sumapit sa kanila—“limang gintong bukol, at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagkat,” wika nila, “iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.”MPMP 694.3

    Batid ng mga pantas na mga lalaking ito ang isang mahiwagang kapangyarihan ang sumasama sa kaban—isang kapangyarihan na walang kaalaman upang iyon ay maabot. Gano'n pa man hindi nila pinayuhan ang mga tao na iwan ang kanilang pagsamba sa diyus- diyusan upang maglingkod sa Panginoon. Galit pa rin sila sa Dios ng Israel, bagaman napilitan dahil sa lubhang nakasisindak na mga hatol upang sumuko sa Kanyang kapangyarihan. Sa gano'ng paraan ang mga makasalanan ay maaaring makumbinsi sa pamamagitan ng mga hatol ng Dios na walang saysay ang makipaglaban sa Kanya. Maaaring mapilitan silang sumuko sa Kanyang kapangyarihan, bagamat sa puso sila ay naghihimagsik sa Kanyang pamumuno. Ang gano'ng pagsuko ay hindi makapagliligtas sa makasalanan. Ang puso ay kinakailangang maisuko sa Dios—kinakailangang masakop ng biyaya ng Dios bago maging katanggap-tanggap ang nagsisising tao.MPMP 694.4

    Kay laki ng pagiging matiisin ng Dios sa mga masama! Ang mga Filisteo na mapagsamba sa mga diyus-diyusan at ang mapagtalikod na Israel ay kapwa nagalak sa mga kaloob ng Kanyang awa at tulong. Sampung libong hindi napapansing mga tulong ang nahuhulog sa landas ng hindi mapagpasalamat, at mapanghimagsik na mga tao. Ang bawat pagpapala ay nagsasalita sa kanila tungkol sa Tagapagbigay, subalit hindi nila pinapansin ang Kanyang pag-ibig. Ang pagiging mapagpigil ng Dios sa mga anak ng tao ay lubhang napakalaki; subalit kung may katigasan ang ulo na kanilang ipagpilitan ang manatili sa hindi pagsisisi, inaalis Niya mula sa kanila ang Kanyang nag-iingat na kamay. Tumanggi silang makinig sa tinig ng Dios sa pamamagitan ng mga gawang nilalang at sa mga babala, mga payo, at pagsaway ng Kanyang salita, kaya't Siya ay napilitang magsalita sa kanila sa pamamagitan ng mga kahatulan.MPMP 695.1

    May ilan sa mga Filisteo na handang humadlang sa pagpapabalik ng kaban sa sarili noong dako. Ang gano'ng pagkilala sa kapangyarihan ng Dios ay magiging kahiya-hiya sa kapurihan ng Filistia. Subalit ang “mga saserdote at ang mga manghuhula” ay nangusap sa mga tao na huwag tularan ang katigasan ng puso ni Faraon at ng mga Ehipcio, at sa gano'n ay maghatid sa kanilang mga sarili ng higit pang mga kahirapan. Isang panukala na ngayon ay sinang-ayunan ng lahat ang iminungkahi, at kaagad isinakatuparan. Ang kaban kasama ang mga gintong handog dahil sa pagkakasala, ay inilagay sa isang bagong karo, upang maiwasan ang lahat ng panganib na iyon ay marumihan; sa karong ito, o sasakyan, ay ikinabit ang dalawang baka, na kailan man ay hindi pa nalagyan ng pamatok ang mga leeg. Ang kanilang mga guya ay ikinulong sa bahay, at ang mga baka ay hinayaang magtungo kung saan nila naisin. Kung ang kaban sa ay hindi nawalan ng mabuting mga bunga. Matapos magdusa sa pang-aapi ng kanilang mga kaaway sa loob ng dalawampung taon, ang mga Israelita ay “tumaghoy sa Panginoon.” Sila ay pinayuhan ni Samuel, “kung kayo'y babalik sa Panginoon ng buo ninyong puso ay inyo ngang alisin sa inyo ang mga diyos na iba, at ang mga Astaroth, at ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon, at sa Kanya lamang kayo maglingkod.” Dito ay nakikita natin na ang kabanalang naisasakabuhayan, ang relihiyon ng puso ay itinuturo na noong mga panahon ni Samuel tulad ng itinuro ni Kristo noong siya ay nasa lupa. Kung wala ang biyaya ni Kristo, ang panlabas na anyo ng relihiyon ay walang saysay sa sinaunang Israel. Iyon ay ganon din sa makabagong Israel.MPMP 695.2

    Mayroong pangangailangan ngayon ng gano'ng pagpapanibagong sigla ng relihiyon ng puso tulad sa naranasan ng sinaunang Israel. Ang pagsisisi ang unang hakbang na kailangang isagawa ng lahat ng nagnanais manumbalik sa Dios. Walang sinumang makagagawa ng gawaing ito para sa iba. Ang bawat isa sa atin ay kinakailangang magpakumbaba ang kaluluwa sa harap ng Dios, at mag-alis sa ating mga diyus-diyusan. Kapag nagawa na natin ang lahat na dapat nating gawin, ay ipapahayag sa atin ng Dios ang Kanyang pagliligtas.MPMP 698.1

    Sa pakikiisa ng mga pangulo ng mga lipi, isang malaking kapulungan ang natipon sa Mizpa. Dito ay nagsagawa ng isang banal na pag- aayuno. May malalim na pagpapakumbabang ang mga tao ay nagpahayag ng kanilang mga kasalanan; at bilang katibayan ng kanilang kapasyahang sumunod sa mga ipinag-utos na kanilang narinig, ibinigay nila kay Samuel ang kapangyarihan bilang isang hukom.MPMP 698.2

    Ang pagtitipong ito ay inakala ng mga Filisteo na isang konsilyo ng pakikipagdigmaan, at sa pamamagitan ng isang malakas na puwersa ay gumayak upang pangalatin ang mga Israelita bago pa mabuo ang kanilang mga panukala. Ang mga balita tungkol sa kanilang pagdating ay naging sanhi ng malaking takot sa Israel. Ang mga tao ay nakiusap kay Samuel, “Huwag kang tumigil ng kadadalangin sa Panginoon nating Dios, ng dahil sa atin, upang iligtas Niya tayo sa kamay ng mga Filisteo.”MPMP 698.3

    Samantalang si Samuel ay nag-aalay ng isang tupa bilang handog na susunugin, ang mga Filisteo ay lumapit upang makipagdigma. Nang magkagayon ang Isang Makapangyarihan na bumaba sa Sinai sa kalagitnaan ng apoy at usok at kulog, na nagpahiwalay sa Dagat na Pula, at gumawa ng daan tungo sa kabila ng Jordan para sa anak ni Israel, ay muling nagpahayag ng Kanyang kapangyarihan. Isang malakas na bagyo ang sumambulat sa sumasalakay na hukbo. At nangalat sa lupa ang mga bangkay ng makapangyarihang mga mandirigma.MPMP 698.4

    Ang mga Israelita ay tumindig sa matahimik na pagkamangha, nanginginig na may pag-asa at takot. Nang kanilang makita ang pagkamatay ng kanilang mga kaaway, kanilang nabatid na tinanggap ng Dios ang kanilang pagsisisi. Bagaman hindi handa sa pakikipagdigma, kanilang kinuha ang mga sandata ng mga nangamatay na mga Filisteo, at hinabol ang tumatakas na hukbo hanggang Beth-car. Ang malaking pagtatagumpay na ito ay naganap doon sa parang, kung saan dalawampung taon na ang nakalipas, ang Israel ay sinaktan ng mga Filisteo, ang mga saserdote ay napatay, at ang kaban ng Dios ay nakuha. Para sa mga bansa gano'n din sa bawat isa, ang landas ng pagiging masunurin sa Dios ang landas ng kaligtasan at kaligayahan, samantalang ang pagsalangsang ay humahantong lamang sa sakuna at pagkatalo. Ang mga Filisteo ngayon ay lubos nang nalupig kung kaya't kanilang isinuko ang matitibay na mga tanggulan na nakuha mula sa Israel, at umiwas na sa mga gawang pang-aapi sa loob ng maraming mga taon. Ang ibang mga bansa ay sumunod rin sa halimbawang ito, at ang mga Israelita ay nagkaroon ng kapayapaan hanggang sa magtapos ang nag-iisang pamumuno ni Samuel.MPMP 699.1

    Upang ang pangyayaring iyon ay huwag makalimutan kailanman, si Samuel ay nagtayo, sa pagitan ng Mizpa at ng Sen, na isang malaking bato bilang isang alaala. Tinawag niya iyong Ebenezer, “ang bato ng pagtulong,” na sinasabi sa mga tao, “Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon.”MPMP 699.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents