Kabanata 62—Ang Pagpapahid kay David
.
Ilang milya ang layo sa timog ng Jerusalem, “ang lungsod ng dakilang Hari,” ay naroon ang Bethlehem, kung saan si David, na anak ni Isai, ay ipinanganak mahigit na isang libong taon bago ang sanggol na si Jesus ay isinilang sa isang sabsaban at sinamba ng mga pantas na lalaki mula sa Silangan. Daan-daang mga taon bago dumating ang Tagapagligtas, si David, sa kasariwaan ng pagkabata, ay nagbabantay sa kanyang mga tupa samantalang sila'y nanginginain sa mga burol na nakapaligid sa Bethlehem. Ang ordinaryong pastol na bata ay umaawit ng mga himig na kanyang kinatha, at ang musiko ng kanyang alpa ay lumilikha ng matamis na pagsabay sa himig na kanyang sariwa at batang tinig. Pinili ng Panginoon si David, at siya'y inihahanda, sa kanyang tahimik na buhay na kasama ng kanyang mga tupa, para sa gawain na Kanyang pinanukalang ipagkati- wala sa kanya sa darating na mga taon.MPMP 755.1
Samantalang si David ay gano'ng namumuhay sa pahingahan ng kanyang abang buhay ng isang pastol, ang Panginoong Dios ay nag- sasalita ng tungkol sa kanya kay propetang Samuel. “At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang Aking itinakwil siya na maging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Bethlehemita: sapagkat Ako'y naglaan sa kanyang mga anak ng isang hari.... Magdala ka ng isang dumalagang baka, at iyong sabihin, Ako'y naparito upang maghain sa Panginoon. At tawagin mo si Isai sa paghahain at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; at iyong papahiran sa Akin yaong sa iyo'y Aking sabihin. At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem. At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, Naparito ka bang may kapayapaan? At kanyang sinabi, May kapayapaan.” Tinanggap ng mga matanda ang paanyaya para sa paghahain at tinawag din ni Samuel si Isai at ang kanyang mga anak na lalaki. Ang dambana ay itinayo at ang hain ay handa na. Ang buong sambahayan ni Isai ay naroroon, liban lamang kay David, ang bunsong anak, na naiwan upang magbantay sa mga tupa, sapagkat hindi ligtas noon ang mga kawan na iwan na walang nagbabantay.MPMP 755.2
Nang matapos ang paghahain, at bago dumulog sa piging ukol sa handog, sinimulan ni Samuel ang pagsisiyasat sa marangal ang mga hitsura na mga anak ni Isai. Si Eliab ang panganay, at higit na katulad ni Saul sa tindig at sa pagiging kaakit-akit kay sa iba. Ang kanyang mga nakakaakit na katangian at mahusay ang pagkakahugis na anyo ay nakaakit sa pansin ng propeta. Samantalang si Samuel ay nakatingin sa kanyang makaharing tindig, inisip niya, “Tunay na ito ang lalaking pinili ng Dios na hahalili kay Saul,” at siya ay naghintay sa pagsang-ayon ng Dios upang kanyang mapahiran siya. Subalit si Jehova ay hindi tumitingin sa panglabas na anyo. Si Eliab ay walang pagkatakot sa Panginoon. Kung siya ay tawagan sa trono, siya ay magiging mapagmalaki, at malupit na pinuno. Ang sinabi ng Panginoon kay Samuel ay, “Huwag mong tingnan ang kanyang muk- ha, o ang taas ng kanyang kataasan; sapagkat aking itinakwil siya: sapagkat hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagkat ang tao ay tumitingin sa mukha, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso.” Walang panglabas na kagandahan ang maka- pagrerekomenda ng kaluluwa sa Dios. Ang karunungan at kahusayan na nahahayag sa pagkatao at sa kilos, ay naghahayag ng tunay na kagandahan ng tao; at iyon ang panloob na katangian, ang kahusayan ng puso, ang pinagbabatayan ng ating pagiging katanggap-tang- gap sa Panginoon ng mga hukbo. Kay lalim ng kinakailangang maging pagkadama sa katotohanang ito sa paghatol sa ating sarili at sa iba. Maaaring matutunan natin mula sa pagkakamali ni Samuel kung paanong walang kabuluhan ang pagkilala na nakasalalay sa kagandahan ng mukha o sa karilagan ng tindig. Maaari nating makita kung paanong hindi makakayanan ng karunungan ng tao na maunawaan ang mga lihim ng puso o maunawaan ang mga payo ng Dios na walang espesyal na kaliwanagan mula sa langit. Ang mga pag-iisip at mga paraan ng Dios sa pakikiugnay sa Kanyang mga nilikha ay higit sa naaabot ng ating may hangganang mga pag-iisip; subalit tayo ay maaaring makatiyak na ang Kanyang mga anak ay dadalhin upang punuan ang lugar na kung saan sila ay handa, at maaaring mabigyan ng kakayanan upang magampanan ang gawaing ipinagkatiwala sa kanilang mga kamay kung sila'y magpapasakop sa kalooban ng Dios, upang ang Kanyang mga mapagpalang mga panukala ay huwag mabigo dahil sa kalikuan ng tao.MPMP 756.1
Natapos ang pagsusuri ni Samuel kay Eliab, at anim na mga kapa- tid na naroroon sa serbisyo ay sunod-sunod na inobserbahan ng propeta; subalit hindi nagpahayag ang Panginoon ng Kanyang pinili sa sinuman sa kanila. May masakit na pagkabalisa na si Samuel ay tumingin sa kahulihang lalaki; ang propeta ay nag-aalinlangan at naguguluhan. Nagtanong siya kay Isai, “Narito ba ang iyong lahat na anak?” Ang ama ay sumagot, “natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa.” Ipinag-utos ni Samuel na siya ay tawagin, na sinabi, “hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.”MPMP 759.1
Ang nag-iisang pastol ay nagulat sa hindi inaasahang pagtawag ng sugo, na nagsabing ang propeta ay dumating sa Bethlehem at siya ay ipinatatawag. May pagtataka niyang itinanong kung bakit ang propeta at hukom ng Israel ay magnanais na makita siya; subalit walang pag- aatubiling siya ay sumunod sa tawag. “Siya nga'y may mapulang pisngi, may magandang bikas, at mabuting anyo.” Samantalang si Samuel ay tumitingin na may kaluguran ang magandang lalaki at matipuno, na pangkaraniwang batang pastol, ang tinig ng Panginoon ay nagsalita sa propeta na nagsasabi, “Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagkat ito nga.” Si David ay naging matapang at tapat sa kanyang mababang tungkulin ng isang pastol, at ngayon siya ay pinili ng Panginoon upang maging prinsipe ng Kanyang bayan. “Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya mula sa gitna ng kanyang mga kapatid: at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin.” Nagampanan na ng propeta ang ga- waing itinakda sa kanya, at may isang naginhawahang puso siya ay bumalik sa Rama.MPMP 759.2
Hindi ni Samuel ipinaalam ang kanyang layunin maging sa sam- bahayan ni Isai, at ang seremonya ng pagpapahid kay David ay isinagawa ng lihim. Iyon ay isang pahiwatig sa kabataan tungkol sa mataas na kahihinatnang naghihintay sa kanya, upang sa kalagitnaan ng lahat ng iba't ibang mga karanasan at panganib sa darating niyang mga taon, ang kaalamang ito ay maaring magpasigla sa kanya upang maging tapat sa layunin ng Dios na matupad sa pamamagitan ng kanyang buhay.MPMP 759.3
Ang malaking karangalan na ipinagkaloob kay David ay hindi nag- palaki sa kanyang ulo. Sa kabila ng mataas na tungkulin na kanyang gaganapin, matahimik niyang ipinagpatuloy ang kanyang gawain, nasisiyahang maghintay sa pagsulong ng mga panukala ng Panginoon sa Kanyang sariling panahon at kaparaanan. Mapagpakumbaba at kaakit-akit pa ring tulad ng dati, ang batang pastol ay bumalik sa mga burol at nagmasid at nag-ingat sa kanyang kawan na sing bait pa rin ng dati. Subalit may bagong inspirasyon siyang kumatha ng kanyang mga himig at tumugtog ng kanyang alpa. Sa harap niya ay nakalatag ang isang tanawin ng mayaman at iba't ibang kagandahan. Ang mga baging ng ubas, at ang kanilang kumpul-kumpol na mga bunga, na naliliwanagan ng sikat ng araw. Ang mga kakahuyan sa gubat, at ang kanilang luntiang mga dahon, na kumakaway sa hihip ng hangin. Pinagmasdan niya ang araw na nagpapabaha ng liwanag sa kalangitan, na lumalabas na parang lalaking nagagayakan sa kasal na lumalabas mula sa kanyang silid at nagagalak na parang isang malakas na lalaki na tatakbo sa isang takbuhin. Naroon ang mata- tapang na mga tuktok ng mga burol na umaabot hanggang sa kalawakan; sa malayong dako ay nagtataasan ang mga hubad na mga bangin sa mga gilid ng bundok ng Moab; higit sa lahat ay nakalatag ang nananariwang asul na kalangitang nakabalantok. At sa ibayo ay ang Dios. Hindi niya Siya nakikita, subalit ang kanyang mga gawa ay puno ng papuri sa kanya. Ang liwanag ng araw, na naglalagay ng manipis na kulay ginto sa mga kakahuyan at bundok, pastulan at batis, dinadala ang pag-iisip upang makita ang Ama ng mga liwanag, ang May Akda ng bawat mabuti at sakdal na kaloob. Araw-araw na pagpapahayag ng likas at karilagan ng kanyang Manlalalang ay pu- muno sa puso ng batang makata ng pagsamba at kagalakan. Sa pagmumuni-muni sa Dios at sa kanyang mga gawa ang mga kapangyarihan ng pag-iisip at puso ni David ay lumalago at lumalakas para sa kanyang gawain sa buhay sa hinaharap. Araw-araw siya ay sumasapit sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Dios. Ang kanyang isip ay patuloy na pumapasok sa mga bagong kalaliman para sa mga sariwang paksa na makapagpapasigla sa kanyang awit at pumukaw sa tunog ng kanyang alpa. Ang mayamang himig ng kanyang tinig na ibinubuhos sa hangin, at umaalingawngaw sa mga burol na tila tumutugon sa masayang mga awit ng mga anghel sa langit.MPMP 760.1
Sino ang makasusukat sa bunga ng mga taon ng pagpapagal at paglalagalag sa malungkot na mga burol? Ang pakikipag-ugnayan sa kalikasan at sa Dios, ang pangangalaga sa kanyang mga kawan, ang mga panganib at ang mga pagkakaligtas, at mga kagalakan at kalung- kutan, ng kanyang abang kalagayan, ay hindi lamang huhubog sa likas ni David at makakaimpluwensya sa buhay niya sa hinaharap, kundi sa pamamagitan ng mga awit ng matamis na mang-aawit ang mga iyon ay sa lahat ng darating na mga kapanahunan ay pupukaw ng pag-ibig at pananampalataya sa puso ng bayan ng Dios, na inilalapit sila sa patuloy na nagmamahal na puso Niya na sa Kanya ang lahat ng Kanyang mga nilikha ay nabubuhay.MPMP 761.1
Si David, sa ganda at lakas ng kanyang batang pagkalalaki, ay naghahanda upang humawak ng isang mataas na tungkulin na kabi- lang sa pinakamarangal sa lupa. Ang kanyang mga talento, bilang mahahalagang mga kaloob mula sa Dios, ay ginamit upang papuri- han ang kaluwalhatian ng banal na tagapagbigay. Ang kanyang mga pagkakataon upang magmuni-muni at manalangin ay nagsilbi upang palaguin siya sa karunungan at kabanalan kung kaya't siya'y naging kaibig-ibig sa Dios at sa mga anghel. Samantalang kanyang minumuni- muni ang mga kasakdalan ng kanyang Manlalalang, higit na malinaw na mga pananaw sa Dios ang nabuksan sa kanyang kaluluwa. Ang hindi malinaw na mga paksa ay naliwanagan, ang mga suliranin ay naging payak, ang mga kaguluhan ay naiwasto, at bawat sinag ng bagong liwanag ay nanawagan sa sariwang pagbulwak ng masidhing kagalakan, at higit na matamis na mga awit ng pagsamba, para sa ikaluluwalhati ng Dios at ng Manunubos. Ang pag-ibig na kumilos sa kanya, ang mga kalungkutang nakapalibot sa kanya, ang mga pagtatagumpay na sumasapit sa kanya, lahat ay naging mga paksa ng aktibong pag-iisip; at samantalang minamasdan niya ang pag-ibig ng Dios sa lahat ng habag at tulong ng Dios sa kanyang buhay, ang kanyang puso ay tumibok na may higit na maalab na pagsamba at pagpapasalamat, ang kanyang tinig ay pumailanglang sa isang higit na mayamang himig, ang kanyang alpa ay tinangay ng may higit na masayang kagalakan; at ang batang pastol ay lumakas ng lumakas, at dumunong ng dumunong; sapagkat ang Espiritu ng Panginoon ay sumasa kanya.MPMP 761.2