Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 71—Ang Kasalanan at Pagsisisi ni David

    Ang kabanatang ito ay batay sa 2 Samuel 11; 12.

    Ang Biblia ay may kaunting papuri lamang na sinasabi tungkol sa mga tao. Kaunting lugar lamang ang inilaan sa pagsasalaysay ng kabutihan maging ng pinakamabuting mga lalaki na nabuhay. Ang katahimikang ito ay may layunin; ito ay may liksyon. Ang lahat ng mabubuting katangian na mayroon ang tao ay mga kaloob ng Dios; ang kanilang mabubuting mga gawa ay isinagawa sa pamamagitan ng biyaya ng Dios sa pamamagitan ni Kristo. Sapagkat utang nila ang lahat sa Dios ang kaluwalhatian ng anumang kanilang gagawin ay nauukol lamang sa Kanya; sila ay pawang mga kasangkapan sa Kanyang mga kamay. Higit pa dito—gaya ng itinuturo ng lahat ng mga salaysay sa Biblia—isang mapanganib na bagay ang papurihan o itaas ang mga tao; sapagkat kung mawala sa paningin ng isa ang lubos na pangangailangan niya ng tulong ng Dios, at magtiwala sa sarili niyang lakas, siya ay tiyak na mahuhulog. Ang tao ay naki- lapagbaka sa kaaway na higit na makapangyarihan kaysa kanya. “Ang ating pakikipagbaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga nama- mahala ng kadilimang ito sa sanlibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” Efeso 6:12. Imposible para sa atin sa pamamagitan ng sarili nating lakas ang manatili sa pakikipagbaka; at anuman ang makapag-aalis ng isip mula sa Dios, anuman ang makapaghahatid sa pagpaparangal sa sarili o sa pag-titiwala sa sarili, ay tiyak na naghahanda ng daan para sa ating ikababagsak. Ang diwa ng Biblia ay upang magkaroon ng hindi pagtitiwala sa kapangyarihan ng tao at pasiglahin ang pagtitiwala sa kapangyarihan ng Dios.MPMP 853.1

    Ang espiritu ng pagtitiwala sa sarili at pagpaparangal sa sarili ang naghanda ng daan para sa pagkahulog ni David. Ang labis na papuri at ang tusong mga pang-akit ng kapangyarihan at kaluhuan ay nagkaroon ng epekto sa kanya. Ang pakikisalamuha sa mga kalapit na mga bansa ay naghatid rin sa kanya ng impluwensya para sa kasamaan. Sang-ayon sa mga kaugaliang laganap sa mga hari sa si- langan, ang mga krimen na hindi pinapalampas sa mga nasasakupan ay hindi kinukundena sa hari; ang hari ay wala sa ilalim ng obligasyon na magkaroon ng pagpipigil sa sarili ng gaya ng mga nasasakupan. Ang lahat ng ito ay nagpahina sa pagkadama ni David sa lubhang pagkamakasalanan ng kasalanan. At sa halip na may pagpapakum- babang magtiwala sa kapangyarihan ni Jehova, siya ay nagsimulang magtiwala sa sarili niyang karunungan at kapangyarihan. Sa sandaling maihiwalay na ni Satanas ang kaluluwa mula sa Dios, na tanging Pinagmumulan ng lakas, sisikapin niyang pukawin ang mga hindi banal na pagnanasang laman ng likas ng tao. Ang paggawa ng kaaway ay hindi biglaan; hindi iyon, sa pagbungad pa lamang, biglaan at nakakagulat; iyon ay isang lihim na pagpapahina sa mga matibay na tanggulan ng prinsipyo. Iyon ay nagsisimula sa tila maliliit na mga bagay—ang pagpapabaya sa pagiging tapat sa Dios at sa pagtitiwala ng lubos na sa Kanya lamang, at ang disposisyon na sumunod sa mga kaugalian at gawain ng sanlibutan.MPMP 853.2

    Bago matapos ang pakikipaglaban sa mga Ammonita, si David, nang iwan ang pangangasiwa ng hukbo kay Joab, ay bumalik sa Jerusalem. Ang mga taga Siria ay sumuko na sa Israel, at ang ganap na pagpapabagsak sa mga Ammonita ay mukhang tiyak na. Si David ay napapalibutan ng mga bunga ng pagtatagumpay at ng karangalan ng kanyang talino ay may kakayahang maghari. Ngayon, samantalang siya ay nasa kaginhawahan at hindi nababantayan, sinamantala ng manunukso ang pagkakataon upang sakupin ang kanyang pag-iisip. Ang katotohanan na kinuha ng Dios si David tungo sa gano'n ka- lapit sa pakikipag-ugnayan sa kanya at nagpahayag ng dakilang mga pagkalugod sa kanya ang dapat sana ay nagsilbing pinakamalakas na panghimok sa kanya upang ingatang hindi nadudungisan ang kanyang pagkatao. Subalit nang nasa kaginhawahan at kasiguruhan sa sarili ay bumitaw siya sa pagkakahawak sa Dios, si David ay sumang-ayon kay Satanas at naghatid sa kanyang kaluluwa ng bahid ng kasalanan. Siya na pinili ng Langit upang maging pinuno ng bayan, pinili ng Dios upang isakatuparan ang Kanyang kautusan, siya pa ang sumalangsang sa ipinag-uutos noon. Siya na dapat sana ay naging isang katatakutan ng mga gumagawa ng kasamaan, sa pamamagitan ng sarili niyang ginawa ay nagpalakas sa kanilang mga kamay.MPMP 854.1

    Sa kalagitnaan ng mga panganib noong mga unang bahagi ng kanyang buhay si David sa nababatid na pagtatapat ay nagagawang ipagtiwala ang kanyang kalagayan sa Dios. Ang kamay ng Dios ay ligtas na pumatnubay sa kanya upang makalampas sa di mabilang na mga silo na inilatag para sa kanyang mga paa. Subalit ngayon, nag- kasala at hindi nagsisisi, hindi siya humingi ng tulong at pagpatnubay mula sa Langit, sa halip ay sinikap na maialis ang kanyang sarili mula sa mga panganib na kung saan siya ay isinangkot ng kasalanan. Si Bathsheba, na ang nakamamatay na kagandahan ay naging isang silo sa hari, ay asawa ni Uria na Hetheo, isa sa pinakamatapang at pina- katapat sa mga opisyal. Walang maaaring makaalam kung ano ang mangyayari kung ang kasalanan ay mahahayag. Ang kautusan ng Dios ay humahatol ng kamatayan sa nagkasala ng pangangalunya, at ang sundalong may mapagmalaking espiritu, na nagawan ng gano'ng kahiya-hiyang kasamaan ay maaaring maghiganti sa pamamagitan ng pagpatay sa hari o sa pamamagitan ng pagkilos sa bayan upang mag- himagsik.MPMP 854.2

    Ang bawat pagsisikap ni David upang maikubli ang kanyang kasalanan ay nasumpungang walang saysay. Kanya nang ipinagkanulo ang kanyang sarili sa kapangyarihan ni Satanas; ang panganib ay nakapalibot sa kanya, paglapastangan na higit na mapait sa kamatayan ay nasa harap niya. May nahahayag na isa na lamang paraan upang makalaya, at sa kanyang kawalan ng pag-asa siya ay nagmadali upang idagdag ang kasalanan ng pagpatay sa pangangalunya. Siya na gumawa ng paraan upang si Saul ay mamatay ay gumagawa ng paraan upang maihatid si David sa kapahamakan. Bagaman ang mga pang-akit ay magkaiba, ang mga iyon ay pawang naghahatid tungo sa paglabag sa kautusan ng Dios. Inisip ni David na kung si Uria ay mapapatay sa pamamagitan ng kamay ng mga kaaway sa pakikipagdigma, ang kasalanan sa kanyang pagkamatay ay hindi na masususon sa hari na nasa bahay. Si Bathsheba ay magiging malaya upang maging asawa ni David, ang paghihinala ay mailalayo, at ang karangalan ng hari ay mapananatili.MPMP 855.1

    Si Uria ay ginawang tagapagdala ng kasulatan ng sarili niyang kamatayan. Isang sulat na dinala sa pamamagitan ng kanyang kamay para kay Joab mula sa hari ay nag-uutos “Ilagay mo si Uria sa pinaka- unahan ng mahigpit na pagbabaka, at kayo'y magsiurong mula sa kanya, upang siya'y masaktan at mamatay.” Si Joab, na may bahid na ng kasalanan ng walang pakundangang pagpatay, ay hindi nag- atubiling sumunod sa ipinag-utos ng hari, at si Uria ay namatay sa pamamagitan ng tabak ng mga anak ni Ammon.MPMP 855.2

    Dati-rati ang tala ni David bilang isang hari ay naging isa na kaunting hari lamang ang makakapantay. Nasulat tungkol sa kanya na kanyang “iginawad...ang kahatulan at ang katuwiran sa kanyang buong bayan.” 2 Samuel 8:15. Ang kanyang kalinisan ng budhi ay nagtamo ng pagtitiwala at katapatan ng bayan. Subalit sa kanyang paghiwalay sa Dios at pagsang-ayon kay Satanas, sa pagkakataong iyon siya ay naging kasangkapan ni Satanas; gano'n pa man hawak pa rin niya ang tungkulin at kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya ng Dios, at dahil dito, ay nag-aangkin ng pagkamasunurin na mag- papahamak sa kaluluwa na lilihis doon. At si Joab, na ang pagka- matapat ay ipinagkaloob sa hari sa halip na sa Dios, ay sumalansang sa kautusan ng Dios sapagkat iyon ay ipinag-utos ng hari.MPMP 856.1

    Ang kapangyarihan ni David, ay ibinigay sa kanya ng Dios, subalit upang magamit lamang na kasang-ayon ng banal na kautusan. Noong kanyang ipag-utos ang labag sa kautusan ng Dios, naging kasalanan ang sumunod sa kanya. “Ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios” (Roma 13:1), subalit hindi natin dapat sundin ang mga iyong labag sa kalooban ng Dios. Si apostol Pablo, sa sulat sa mga Taga Corinto, ay naghayag ng mga prinsipyo na kinakailangang manguna sa atin. Wika niya, “Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Kristo.” 1 Corinto 11:1.MPMP 856.2

    Isang sulat tungkol sa pagsasakatuparan ng kanyang iniutos ay ipinadala kay David, subalit maingat na ginamitan ng pananalita upang si Joab o ang hari ay huwag masangkot. “Ibinilin” ni Joab “sa sugo, na sinasabi, Pagka ikaw ay nakatapos na magsaysay sa hari ng lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka, mangyari na kung ang galit ng hari ay mag-init,...saka mo sasabihin, ang Iyong lingkod na si Uria na Hetheo ay namatay rin. Sa gayo'y yumaon ang sugo, at naparoon at isinaysay kay David ang lahat na iniutos sa kanya ni Joab.”MPMP 856.3

    Ang sagot ng hari ay, “Ganito ang sasabihin mo kay Joab, Huwag mong masamain ang bagay na ito, sapagkat nilalamon ng tabak ina- ging ito gaya ng iba: iyong palakasin pa ang iyong pagbabaka laban sa bayan, at iwasak: at iyong palakasin ang loob niya.”MPMP 856.4

    Isinagawa ni Bathsheba ang kaugaliang mga araw ng pagtangis para sa kanyang asawa; at nang iyon ay matapos “nagsugo si David at kinuha siya sa kanyang bahay, at siya'y naging kanyang asawa.” Siya na ang maibiging konsensya at mataas na pagtingin sa karangalan ay hindi nagpapahintulot na kanyang itaas ang kanyang kamay, kahit na nasa panganib ang kanyang buhay, laban sa pinahiran ng Panginoon, ay nahulog ng gano'n na lamang na magagawan niya ng kasamaan at mapapatay ang isa sa kanyang pinakamatapat at pinakamatapang na mga kawal, at aasang masisiyahan na hindi nagagambala sa bunga ng kanyang kasalanan. Sayang! paanong ang napakainam na ginto ay lumabo! paanong ang pinakamainam na ginto ay nabago!MPMP 856.5

    Mula pa sa pasimula iniharap na ni Satanas sa mga tao ang mga pakinabang na makakamtan sa pamamagitan ng pagsalangsang. Sa gano'ng paraan ay inakit niya ang mga anghel. Gano'n niya tinukso si Adan at si Eva upang magkasala. At gano'n pa rin niya inaakay ang marami upang lumayo mula sa pagiging masunurin sa Dios. Ang landas ng pagsalangsang ay ginagawang maghitsurang kanais-nais; “ngunit ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.” Kawikaan 14:12. Masaya yaong, nang mapunta sa landas na ito, ay nalaman kung gaano kapait ang mga bunga ng kasalanan, at kaagad tumalikod mula doon. Sa kanyang kahabagan hindi iniwan ng Dios si David upang maakit tungo sa lubos na pagkapahamak sa pamamagitan ng mapanlinlang na mga gantimpala ng kasalanan.MPMP 857.1

    Alang-alang din sa Israel ay kinakailangang mamagitan ang Dios. Sa paglakad ng panahon, ang kasalanan ni David kay Bathsheba ay nahayag, at nagkaroon ng paghihinala na kanyang panukala ang pagkamatay ni Uria. Ang Panginoon ay nalapastangan. Kinaluguran at itinaas si David, at ang kasalanan ni David ay nagbigay ng maling pahayag tungkol sa likas ng Dios at nagbahid ng kahihiyan sa Kanyang pangalan. Iyon ay nakakiling sa pagbababa ng pamantayan ng kabanalan sa Israel, sa pagbawas sa maraming mga isip sa pagkamuhi sa kasalanan; samantalang iyong hindi umiibig at natatakot sa Dios sa pamamagitan noon ay napapatapang sa pagsalangsang.MPMP 857.2

    Si Nathan na propeta ay inutusang maghatid ng mensahe ng pagsansala kay David. Iyon ay isang mensahe na kakilakilabot sa kabagsikan. Sa kakaunting mga hari lamang maaaring maibigay ang gano'ng pagsansala kung hindi kapalit ang tiyak na kamatayan ng nagsasansala. Inihatid ni Nathan ang hatol ng Dios na walang katinagtinag, gano'n pa man ay may mula sa langit na karunungan upang maisangkot ang mga kahabagan ng hari, upang mapukaw ang kanyang konsensya, at upang magmula sa kanyang mga labi ang hatol na kamatayan sa kanyang sarili. Namanhik kay David bilang pinili ng Dios upang maging tagapag-ingat ng mga karapatan ng kanyang bayan, ang propeta ay nagsalaysay ng tungkol sa kasamaan at pang-aapi na nangangailangan ng pagtutuwid.MPMP 857.3

    “May dalawang lalaki sa isang bayan,” wika niya, “ang isa ay mayaman at ang isa ay mahirap. Ang mayaman ay mayroong totoong maraming kawan at bakahan: ngunit ang mahirap ay walang anomang bagay, liban sa isang munting korderong babae, na kanyang binili at inalagaan: at lumaki sa kanya, at sa kanyang mga anak; kumain ng kanyang sariling pagkain at uminom ng kanyang sariling inumin, at humihiga sa kanyang sinapupunan, at sa kanya'y parang isang anak. At naparoon ang isang manlalakbay na mayaman, at ipinagkait niya ang kanyang sariling kawan at ang kanyang sariling bakahan, na ihanda sa naglalakbay na dumating sa kanya, kundi kinuha ang kordero ng mahirap na lalaki, at inihanda sa lalaki na dumating sa kanya.”MPMP 858.1

    Ang galit ng hari ay napukaw, at kanyang sinabi, “Buhay ang Panginoon, ang lalaki na gumawa nito ay karapatdapat na mamatay; at isauli ang kordero na may dagdag na apat, sapagkat kanyang ginawa ang bagay na ito, at sapagkat siya'y hindi naawa.” 2 Samuel 12:5, 6.MPMP 858.2

    Itinitig ni Nathan ang kanyang mga mata sa hari; at, samantalang ang kanang kamay ay itinataas sa langit, solemne niyang ipinahayag, “Ikaw ang lalaking iyon.” “Bakit nga,” siya ay nagpatuloy, “iyong niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon, na iyong ginawa ang masama sa Kanyang paningin?” Ang nagkasala ay maaaring magtangka, tulad ng ginawa ni David, na ikubli ang kanilang krimen sa tao; maaaring pagsikapan nilang ilibing ang masamang ginawa magpakailan pa man mula sa paningin o kaalaman ng tao; subalit “ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata Niyaong ating pagsusulitan.” Hebreo 4:13. “Walang bagay na nata- takpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.” Mateo 10:26.MPMP 858.3

    Pahayag ni Nathan: “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Pinahiran lata ng langis na maging hari sa Israel, at Aking iniligtas ka sa kamay ni Saul.... Bakit nga iyong niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon, na iyong ginawa ang masama sa Kanyang paningin? iyong sinugatan ng tabak si Uria na Hetheo, at iyong kinuha ang kanyang asawa upang maging iyong asawa, at iyong pinatay siya ng tabak ng mga anak ni Ammon. Ngayon nga'y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sambahayan.... Narito, Ako'y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sambahayan, at Aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata, at Aking ipagbibigay sa iyong kapwa.... Sapagkat iyong ginawa na lihim: ngunit Aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel, at sa harap ng araw.”MPMP 858.4

    Ang panunumbat ng propeta ay kumilos sa puso ni David; ang konsensya ay napukaw; ang kanyang kasalanan ay nahayag sa lahat ng kasamaan noon. Ang kanyang kaluluwa ay yumuko sa pagsisisi sa harap ng Dios. Nanginginig ang mga labi na kanyang sinabi, “Ako'y nagkasala laban sa Panginoon.” Ang lahat ng kasamaan na ginawa sa iba ay bumabalik na umaabot mula sa nasaktan tungo sa Dios. Si David ay nakagawa ng isang malaking kasalanan, kapwa kay Uria at kay Bathsheba, at matalas na nadama niya ito. Subalit higit at hindi masusukat ang kanyang kasalanan laban sa Dios.MPMP 859.1

    Bagaman walang masusumpungan sa Israel na magsasakatuparan ng hatol na kamatayan sa pinahiran ng Panginoon, si David ay kinilabutan, baka, magkasala at hindi napapatawad, siya ay mamatay sa pamamagitan ng mabilis na paghatol ng Dios. Subalit ang mensahe ay pinarating sa kanya ng propeta, “Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamatay.” Gano'n pa man ang katarungan ay kinakailangang mapanatili. Ang hatol na kasalanan ay inilipat mula kay David tungo sa anak ng kanyang pagkakasala. Sa gano'ng paraan ang hari ay nabigyan ng pagkakataon upang magsisisi; samantalang para sa kanya ang paghihirap at pagkamatay ng bata, bilang bahagi ng parusa sa kanya, ay higit na mapait kaysa sarili niyang kamatayan. Wika ng propeta, “Sapagkat sa gawang ito'y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon upang magsi- panungayaw, ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay walang pag- salang mamamatay.”MPMP 859.2

    Noong ang kanyang anak ay nagkasakit, si David, sa pag-aayuno at malalim na pagpapakumbaba, ay nakiusap para sa buhay noon. Hinubad niya ang kanyang mga kasuutang panghari, itinabi niya ang kanyang korona, at gabi-gabi siya ay nahihiga sa lupa, nagdadalamhati sa kalungkutan na namamagitan para sa isang walang kasalanan na nagdurusa para sa kanyang kasalanan. “At bumabangon ang mga matanda sa kanyang bahay, at tumatayo sa siping niya, upang itindig siya sa lupa; ngunit siya'y ayaw.” Malimit kapag ang hatol ay ipinataw sa mga tao o sa mga bayan, ang pagpapakumbaba at pagsisisi ay nag- aalis sa parusa, at ang laging Mahabagin, na mabilis sa pagpapatawad, ay nagsusugo ng mga tagapagbalita ng kapayapaan. Pinasigla ng kaisipang ito, si David ay nagtiyaga sa kanyang pananalangin maligtas lamang ang kanyang anak. Nang malaman na iyon ay patay na, matahimik siyang sumang-ayon sa itinakda ng Dios. Ang unang palo ay nahulog sa parusang iyon na kanyang sinabi na matuwid; subalit si David, sa pagtitiwala sa kahabagan ng Dios, ay hindi nawalan ng aliw.MPMP 859.3

    Lubhang marami, na bumabasa ng salaysay na ito ng pagkahulog ni David, ang nagtanong, “Bakit ginawang pangmadla ang talang ito? Bakit nakita ng Dios na angkop na buksan sa sanlibutan ang madilim na bahaging ito sa buhay ng isa na lubhang pinarangalan ng Langit?” Ang propeta, sa kanyang pagsansala kay David, ay nagpahayag tungkol sa kanyang kasalanan, “sa gawang ito'y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon upang magsipanungayaw.” Sa mga sumunod na mga henerasyon ang mga hindi sumasampalataya sa Dios ay tumutukoy sa likas na ito ni David, na may maitim na bahid na ito, at ipinapahayag sa kagalakan at panglilibak, “Ito ang lalaking ayon sa sariling puso ng Dios!” Kaya't isang kahihiyan ang naihatid sa relihiyon, ang Dios at ang Kanyang salita ay natutungayaw, ang mga kaluluwa ay napatibay sa hindi pananampalataya, at marami, na nakadamit ng kabanalan, ang naging matapang sa paggawa ng kasalanan.MPMP 860.1

    Subalit ang kasaysayan ni David ay hindi nagbibigay ng pagsang- ayon sa kasalanan. Tinawag siyang isang lalaking ayon sa sariling puso ng Dios nang siya ay lumalakad ayon sa payo ng Dios. Sjoong siya ay magkasala, iyon ay naging hindi na totoo sa kanya hanggang sa pamamagitan ng pagsisisi siya ay nanumbalik sa Panginoon. Malinaw na ipinapahayag ng salita ng Dios, “Ang bagay na ginawa ni David ay minasama ng Panginoon.” 2 Samuel 11:27. At sinabi ng Panginoon kay David sa pamamagitan ng propeta, “Bakit nga iyong niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon, na iyong ginawa ang masama sa Kanyang paningin?...Ngayon nga'y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong samhabayan; sapagkat iyong niwalan ng kabuluhan Ako.” Bagaman pinagsisihan ni David ang kanyang kasalanan at napatawad at tinanggap ng Panginoon, inani niya ang masasamang bunga ng binhi na kanyang inihasik. Ang mga parusa sa kanya at sa kanyang sambahayan ay nagpapatotoo sa pagkasuklam ng Dios sa kasalanan.MPMP 860.2

    Dati-rati ang awa at tulong ng Dios ay nagligtas kay David sa lahat ng pagpapanukala ng kanyang mga kaaway, at tuwirang ginamit upang pigilan si Saul. Subalit ang pagsalangsang ni David ay nagbago ng kanyang relasyon sa Dios. Hindi magagawa ng Panginoon sa anumang paraan ang sumang-ayon sa kasamaan. Hindi niya maaaring magamit ang Kanyang kapangyarihan upang ipagsanggalang si David mula sa mga bunga ng kanyang kasalanan tulad sa naging pagsanggalang Niya sa kanya mula sa galit ni Saul.MPMP 861.1

    Si David ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang sarili. Ang kanyang espiritu ay naging bagbag dahil sa pagkabatid sa kanyang kasalanan at sa malayong nararating ng mga bunga noon. Nadama niyang siya ay nanliliit sa paningin ng kanyang mga nasasakupan. Ang kanyang impluwensya ay humina. Hanggang ngayon ang kanyang kasaganahan ay ipinapalagay sa kanyang batid na pagiging masunurin sa mga utos ng Panginoon. Subalit ngayon ang kanyang mga sakop, na mayroong kaalaman tungkol sa kanyang kasalanan ay maaakay sa higit pang malayang paggawa ng kasalanan. Ang kanyang pamamahala sa sarili niyang sambahayan, ang kanyang karapatang igalang at sundin ng kanyang mga anak, ay nanghina. Ang pagkabatid sa kanyang kasalanan ay nagpapatahimik sa kanya sa panahong dapat sana ay kanyang hinahatulan ang kasalanan; pinapanghina noon ang kanyang kamay upang magsakatuparan ng katarungan sa kanyang sambahayan. Ang kanyang masamang halimbawa ay nagkaroon ng masamang impluwensya sa kanyang mga anak, at ang Dios ay hindi mamamagitan upang hadlangan ang bunga noon. Pahihintulutan Niya ang mga bagay na maganap ayon sa likas na magaganap, at sa gano'ng paraan si David ay lubhang naparusahan.MPMP 861.2

    Sa loob ng isang taon makalipas ang kanyang pagkahulog si David ay namuhay sa isang tila ligtas na kalagayan; walang panlabas na katibayan ng hindi pagkalugod ng Dios. Subalit ang hatol ng Dios ay ipinataw sa kanya. Mabilis at tiyak na may araw ng paghatol at pagsusulit na darating na hindi maaaring baguhin ng anumang pagsisisi, kalungkutan at kahihiyan na magpapadilim sa buong buhay niya sa lupa. Yaong, sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa halimbawa ni David, ay sinusubukang pahinain ang pagkadama sa sarili nilang kasalanan, ay kinakailangan matuto mula sa mga tala ng Biblia na mahirap ang landas ng pagsalangsang. Bagaman tulad ni David sila ay tumalikod mula sa kanilang masamang gawa, ang mga bunga ng kasalanan maging sa buhay na ito, ay masusumpungang mapait at mahirap pasanin.MPMP 861.3

    Layunin ng Dios na ang kasaysayan ng pagkahulog ni David ay magsilbing babala na maging yaong lubos Niyang pinagpala at kina- luguran ay hindi dapat makadama na ligtas at maging pabaya na sa pagpupuyat at pananalangin. Kaya't pinatutunayan noon sa may pag- papakumbaba na nagsikap matutunan ang liksyon na pinanukala ng Dios na ituro. Sa maraming mga henerasyon libu-libo ang sa gano'ng paraan ay naakay pang mabatid ang sarili nilang panganib sa kapangyarihan ng manunukso. Ang pagkahulog ni David, isa na lubhang pinarangalan ng Panginoon, ay pumukaw sa kanila ng hindi pagtitiwala sa sarili. Kanilang nadama na ang Dios lamang ang makapag-iingat sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pananampalataya. Batid na nasa Kanya ang kanilang lakas at kaligtasan, sila ay nangambang magsagawa ng unang hakbang sa paninindigan ni Satanas.MPMP 862.1

    Bago pa man ipinataw ang hatol ng Dios laban kay David nagsimula na siyang umani ng bunga ng pagsalangsang. Ang kanyang konsensya ay hindi matahimik. Ang pagkabagabag ng espiritu na kanya noong tiniis ay ipinapahayag sa ikatatlumpu't dalawa ng Mga Awit. Wika niya:MPMP 862.2

    “Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang,
    na tinakpan ang kasalanan.
    Mapalad ang tao na hindi
    paratangan ng kasamaan ng Panginoon,
    At walang pagdaraya ang diwa niya.
    Nang ako'y tumahimik,
    ay nanglumo ang aking mga buto
    Dahil sa aking pag-angal buong araw.
    Sapagkat araw at gabi ay
    mabigay sa akin ang Iyong kamay:
    Ang aking lamig ng katawan ay
    naging katuyuan ng tag-init.” Mga Awit 32:1-4.
    MPMP 862.3

    At ang ikalimampu't isang awit ay isang pagpapahayag ng pagsisisi ni David, nang ang pabalita ng pagsansala ay dumating sa kanya mula sa Dios:MPMP 862.4

    “Maawa ka sa akin,
    Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob:
    Ayon sa karamihan ng iyong
    malumanay na kaawaan ay pinawi Mo
    ang aking mga pagsalangsang.
    Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan,
    at linisin mo ako sa aking kasalanan.
    Sapagkat kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang:
    at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko....
    Linisin mo ako ng hisopo,
    at ako'y magiging malinis:
    hugasan mo ako at ako'y
    magiging lalong maputi kaysa nieve.
    Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan;
    Upang ang mga buto na Iyong binali ay mangagalak.
    Ikubli Mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan,
    At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
    Likhaan mo ako ng isang malinis na puso,Oh Dios;
    At magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
    Huwag mo akong paalisin sa Iyong harapan.
    At huwag Mong bawiin ang Iyong Santong Espiritu sa akin.
    Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng Iyong pagliligtas;
    At alalayan ako ng kusang Espiritu.
    Kung magkagayo'y ituturo ko sa
    mga mananalangsang ang Iyong mga lakad,
    At ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa Iyo.
    Iligtas Mo ako sa salang pagbububo ng dugo,
    Oh Dios, Ikaw na Dios ng aking kaligtasan
    At ang aking dila ay aawit ng malakas
    tungkol sa Iyong katuwiran.” Mga Awit 51:1-14.
    MPMP 862.5

    Kaya't sa isang banal na awit na inaawit sa mga pangmadlang pagtitipon ng kanyang bayan, sa harap ng korte—mga saserdote at mga hukom, mga prinsipe at mga lalaking mandirigma—at mag- iingat hanggang sa kahuli-hulihang henerasyon na kaalaman tungkol sa kanyang pagkahulog, ay isinaysay ng hari ng Israel ang kanyang kasalanan, ang kanyang pagsisisi, at ang kanyang pag-asa na patatawarin sa pamamagitan ng kahabagan ng Dios. Sa halip na nagsikap na ikubli ang kanyang pagkakasala ninais niya na ang iba ay maturuan ng malungkot na kasaysayan ng kanyang pagkahulog.MPMP 863.1

    Ang pagsisisi ni David ay taimtim at malalim. Walang ginawang pagsisikap upang pawalang halaga ang kanyang krimen. Walang pag- nanasang matakasan ang ibinantang mga kahatulan, ang kumilos sa kanyang panalangin. Subalit nakita niya ang kakilakilabot na kasamaan ng kanyang pagsalangsang laban sa Dios; nakita niya ang karumihan ng kanyang kaluluwa; pinandirihan niya ang kanyang kasalanan. Hindi lamang para sa kapatawaran ang kanyang panalangin, kundi para sa kadalisayan ng puso. Hindi ni David isinuko ang pakikipagpunyagi sa kawalan ng pag-asa. Sa mga pangako ng Dios sa nagsisising makasalanan nakita niya ang katibayan ng pagpapatawad at pagtanggap sa kanya.MPMP 863.2

    “Sapagkat hindi ka nalulugod sa hain;
    na kung dili ay bibigyan kita:
    Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
    Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob:
    Isang bagbag at may pagsisising puso,
    Oh Dios, ay hindi Mo wawalang kabuluhan.” Mga Awit 51:16, 17.
    MPMP 864.1

    Bagaman si David ay nadapa siya ay ibinangon ng Panginoon. Siya ngayon ay higit pang katugma ng Dios at kaisa ng Kanyang kapwa kaysa noong bago siya nadapa. Sa kagalakan sa kanyang paglaya ay kanyang inawit:MPMP 864.2

    “Aking kinilala ang aking kasalanan sa Iyo,
    at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli.
    Aking sinabi, aking ipahahayag ang
    aking pagsalangsang sa Panginoon;
    At Iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan....
    Ikaw ay aking kublihang dako;
    Iyong iingatan ako sa kabagabagan;
    Iyong kukulungin ako sa
    palibot ng mga awit ng kaligtasan.” Mga Awit 32:5-7.
    MPMP 864.3

    Marami ang nagrereklamo sa tinatawag nilang hindi pagka makatarungan ng Dios sa pagliligtas kay David, na ang kasalanan ay lubhang napakalaki, matapos itakwil si Saul para sa tila sa kanila ay higit na hayag na mga kasalanan. Subalit si David ay nagpakumbaba at nagpahayag ng kanyang kasalanan, samantalang si Saul ay tumanggi sa pagsansala at pinatigas ang kanyang puso sa hindi pagsisisi.MPMP 864.4

    Ang yugtong ito sa kasaysayan ni David ay punong-puno ng ka- hulugan sa nagsisising makasalanan. Isa iyon sa pinaka makapang- yarihang paglalarawan na ibinigay sa atin tungkol sa pakikipagpunyagi at mga tukso ng sangkatauhan, at ng dalisay na pagsisisi sa Dios at pagsampalataya sa Panginoong Jesu-Kristo. Sa lahat ng mga kapana- hunan iyon ay naging isang mapagkukunan ng pampasigla sa kalu- luwa na nang mahulog sa kasalanan, ay naghihirap sa pagpasan sa bigat ng kanilang pagkakasala. Libu-libo sa mga anak ng Dios na nabulid sa kasalanan, nang handang sumuko sa kawalan ng pag-asa ay umalala kung paanong ang taimtim na pagsisisi at pagpapahayag ni David ay tinanggap ng Dios, bagaman siya ay nagdusa para sa kanyang mga pagsalangsang; at sila ay nagkaroon din ng lakas ng loob upang magsisi at pagsikapang muling lumakad sa landas ng mga utos ng Dios.MPMP 864.5

    Sinuman sa ilalim ng pagsansala ng Dios ang magpapakumbabang kaluluwa na may pagpapahayag at pagsisisi, tulad ni David, ay maa- aring makatiyak na may pag-asa para sa kanya. Sinuman nga na sa pamamagitan ng pananampalataya ay tatanggap sa mga pangako ng Dios, ay makakasumpong ng kapatawaran. Hindi itatakwil ng Panginoon ang isang tunay na nagsisising kaluluwa. Ibinigay Niya ang pangakong ito: “O manghawak sana siya sa Aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa Akin; Oo, makipagpayapaan siya sa Akin.” Isaias 27:5. “Lisanin ng masama ang kanyang lakad, at ng liko ang kanyang mga pag-iisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaa- waan Niya siya; at sa aming Dios, sapagkat Siya'y magpapatawad na sagana.” Isaias 55:7.MPMP 865.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents