Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 1—Bakit Ipinahintulot ang Kasalanan?

    “Ang Dios ay pag-ibig.” 1 Juan 4:16. Ang Kanyang likas, at kautusan, ay pag-ibig. Iyon ay gano'n; at laging magiging gano'n. Ang “Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan,” “na ang mga lakad ay gaya noong araw,” ay hindi nagbabago. Sa Kanya ay “walang pagbabago ni kahit anino man ng pag-iiba.” Isaias 57:15; Habacuc 3:6; Santiago 1:17.MPMP 33.1

    Bawat pagpapahayag ng kapangyarihan upang lumikha ay isang pagbigkas ng pag-ibig na walang hanggan. Ang kapamahalaan ng Dios ay kinasasangkutan ng pagpasigla sa lahat ng nilikha. Ayon sa mang-aawit:MPMP 33.2

    “Malakas ang Iyong kamay, at mataas ang Iyong kanang kamay.
    Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng Iyong luklukan:
    Kagandahang-loob at katotohanan aynagpapauna sa Iyong mukha.
    Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog:
    Sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng Iyong mukha.
    Sa Iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw:
    At sa Iyong katuwiran ay nangatataas sila.
    Sapagkat Ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan:...
    Sapagkat ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon;
    At aming hari ay Banal ng Israel.” Mga Awit 89:13-18.
    MPMP 33.3

    Ang kasaysayan ng malaking tunggalian ng mabuti at ng masama, mula sa iyon ay nagsimula sa langit hanggang sa ganap na pagpapabagsak sa panghihimagsik at sa ganap na pag-aalis ng kasalanan, ay isa ring pagpapahayag ng pag-ibig ng Dios na hindi magbabago.MPMP 33.4

    Ang Kataas-taasan ng sansinukob ay hindi nag-iisa sa Kanyang gawain ng pagpapala. Mayroon siyang kasama—isang kamanggagawa na nakababatid ng Kanyang mga layunin, at naldkigalak sa Kanya sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga nilikha. “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.” Juan 1:1, 2. Si Kristo, ang Verbo, na bugtong na Anak ng Dios, ay kaisa ng walang hanggang Ama—kaisa sa likas, sa ugali, at sa layunin—ang bukod tanging nakakapasok sa lahat ng payo at mga layunin ng Dios. “Ang Kanyang pangalan ay tatawaging kamangha-mangha, Tagapayo, makapangyarihang Dios, walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.” Isaias 9:6. “Ang pinagbuhatan Niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.” Mikas 5:2. At ang Anak ng Dios ay nagpahayag tungkol sa Kanyang sarili: “Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng Kanyang mga lakad, bago pinasimulan ang Kanyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula.... Nang Kanyang iayos ang mga patibayan ng lupa: nasa siping nga Niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at Ako ang Kanyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap Niya.” Kawikaan 8:22-30.MPMP 33.5

    Isinagawa ng Ama sa pamamagitan ng Anak ang paglalang sa lahat ng mga anghel. “Sapagkat sa Kanya nilalang ang lahat ng mga bagay, ... maging mga luklukan o mga pagsasakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan: lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya, ukol sa Kanya.” Colosas 1:16. Lingkod ng Dios ang mga anghel na nagniningning sa liwanag na patuloy na bumubukal mula sa Kanyang presensya at mabilis na lumilipad upang isakatuparan ang Kanyang kalooban. Subalit ang Anak, na pinahiran ng Dios, na “tunay na larawan ng Kanyang pagka-Dios,” ay “sinag ng Kanyang kaluwalhatian,” na “umaalalay sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng Kanyang kapangyarihan,” ay may kataasan sa kanilang lahat. Hebreo 1:3. “Ang maluwalhating luklukan, naitaas mula ng pasimula,” ay siyang dako ng Kanyang santuwaryo (Jeremias 17:12); “ang setro ng katuwiran,” ang setro ng Kanyang kaharian. Hebreo 1:8. “Karangalan at kamahalan ay nasa harap Niya: kalakasan at kagandahan ay nasa Kanyang santuwaryo.” Mga Awit 96:6. Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa Kanyang mukha. Mga Awit 89:14.MPMP 34.1

    Ang kautusan ng pag-ibig bilang patibayan ng pamahalaan ng Dios, ang kagalakan ng lahat ng mga nilikhang may katalinuhan ay nakasalalay sa kanilang ganap na pagsunod sa mga dakilang prinsipyo ng katuwiran. Ninais ng Dios mula sa lahat ng Kanyang nilikha ang paglilingkod ng pagmamahal—paglilingkod na nagmumu- Ia sa paghanga sa Kanyang likas. Hindi Siya nalulugod sa isang napi- litang pagsunod; at sa lahat ay nagbibigay Siya ng kalayaan ng kaloo- ban, upang makapagbigay sila sa Kanya ng kusang-loob na paglilingkod.MPMP 34.2

    Samantalang ang lahat ng mga nilikha ay kinikilala ang mapagmahal na pagsunod, ay mayroong ganap na kaayusan sa buong sansinukob ng Dios. Kagalakan ng hukbo ng langit ang ganapin ang layunin ng kanilang Manlalalang. Ikinasisiya nila ang magningning sa Kanyang kaluwalhatian at maghayag ng Kanyang kapurihan. At samantalang ang pag-ibig ng Dios ang nangingibabaw sa lahat, ang pag-iibigan sa isa't-isa ay hayag at hindi makasarili. Walang notang sintunado ang sisira sa mga makalangit na himig. Subalit isang pagbabago ang sumapit sa masayang katayuang ito. Mayroong isa na nagsamantala sa kalayaang ibinigay ng Dios sa Kanyang nilikha. Ang kasalanan ay nagpasimula sa kanya na, sunod kay Kristo, ay naging pinakamarangal sa Dios at pinakamataas ang kapangyarihan at kaluwalhatian sa lahat ng mga naninirahan sa langit. Si Lucifer, ang “anak ng umaga,” ay una sa mga kerubing tagatakip, banal at walang dungis. Siya ay tumatayo sa harapan ng dakilang Manlalalang, at ang patuloy na pagsinag ng kaluwalhatiang bumabalot sa walang hanggang Dios ay lumalapag sa kanya. “Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Iyong tinatatakan ang kabuuan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan. Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan.... Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip; at itinatag kita: na ano pa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpapanhik-manaog sa gitna ng mga batong mahalaga. Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.” Ezekiel 28:12-15.MPMP 35.1

    Unti-unti si Lucifer ay nabuyo sa pagnanasang itaas ang sarili. Ayon sa Kasulatan, “Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan, iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan.” Ezekiel 28:17. “At sinabi mo sa iyong sarili,... Aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios.... Ako'y magiging gaya ng Kataas-taasan.” Isaias 14:13, 14. Bagaman ang lahat ng kanyang kaluwalhatian ay nagmumula sa Dios, ay itinuturing ng makapangyarihang anghel na ito na iyon ay sa kanya. Hindi pa nasiyahan sa kanyang katayuan bagaman pinakamataas sa hukbo ng langit, siya ay nangahas na angkinin ang pagkilala na nakalaan la- mang sa Manlalalang. Sa halip na sikaping maitanyag ang Dios sa mga pag-ibig at pagtatapat ng lahat na nilikha, sinikap niyang ang kanilang paglilingkod at pagtatapat ay maiukol sa kanya. Inangkin ang kaluwalhatiang iniukol ng walang-hanggang Ama sa Kanyang Anak, ang prinsipeng ito ng mga anghel ay nagnasa ng kapangyarihang nauukol lamang kay Kristo.MPMP 35.2

    At ang sakdal na himig ng langit ay nasira. Ang pagkahilig ni Lucifer sa paglilingkod sa sarili sa halip na sa kanyang Manlalalang ay pumukaw sa pagkadama ng galit nang ito ay mapuna noong mga nakababatid na ang kaluwalhatian ng Dios ay marapat maging kataas- taasan sa lahat. Sa mga konsilyo ng mga anghel sa langit ang mga anghel ay naldusap kay Lucifer. Ipinahayag sa kanya ng Anak ng Dios ang kadakilaan, kabutihan, at ang katarungan ng Manlalalang, at ang banal at hindi nagbabagong likas ng Kanyang Kautusan. Ang Dios mismo ang nagtatag ng kaayusan sa langit, at sa paghiwalay doon, nilalapastangan ni Lucifer ang Lumikha sa kanya at naghahatid ng pagkapahamak sa kanyang sarili. Subalit ang babala, na ipinahayag ng may walang hanggang pag-ibig at kaawaan, ay pumukaw lamang ng espiritu ng paglaban. Pinairal ni Lucifer ang kanyang pagkainggit kay Kristo, at iyon ay lalo pang tumindi.MPMP 36.1

    Ang paghamak sa kataasan ng Anak ng Dios, pagtanggi sa karunungan at pag-ibig ng Manlalalang, ang naging layunin ng prinsipeng ito ng mga anghel. Para sa layuning ito siya nagkahilig upang gamitin ang mga kakayanan ng ganoong kaisipan, na, bagaman sunod kay Kristo, ay kauna-unahan sa buong hukbo ng Dios. Subalit Siya na nagnanais na ang kalooban ng Kanyang mga nilikha ay maging malaya, ay hindi ipinahintulot na hindi maingatan ang bawat isa mula sa manlilinlang na sa pamamagitan ng isang rebelyon ay sisikaping pangatuwiranan ang sarili. Bago simulan ang dakilang paligsahan, ang lahat ay kinakailangang magkaroon ng maliwanag na pagpapahayag ng Kanyang kalooban, Siya na ang karunungan at kabutihan ay pinagmumulan ng kanilang kagalakan.MPMP 36.2

    Ipinatawag ng Hari ang buong sansinukob, ang buong hukbo ng langit sa harapan Niya, upang sa kanilang harapan ay maipahayag Niya ang tunay na katayuan ng Kanyang Anak at ang Kanyang relasyong pinananatili sa lahat ng nilalang. Ang Anak ng Dios ay kabahagi sa luklukan ng Ama, at sa kaluwalhatian ng walang-hang- gan, at walang pinagmulan ay sumasaklaw sa dalawa. Sa paligid ng luklukan ay natipon ang mga banal na anghel, isang malaki at lub- hang karamihan na hindi mabilang—“sampung libong tigsasampung libo, at libu-libo” (Apocalipsis 5:11), ang pinakamatataas sa mga anghel, bilang mga lingkod ng Dios, nagagalak sa liwanag na sumisikat sa kanila mula sa harapan ng Dios. Sa harap ng mga natipong naninira- han sa langit inihayag ng Hari na walang iba liban kay Kristo, ang bugtong na Anak ng Dios, ang ganap na makakapasok sa Kanyang mga layunin, at sa Kanya ipinagkaloob ang pagsasakatuparan ng makapangyarihang payo ng Kanyang kalooban. Isinagawa ng Anak ng Dios ang kalooban ng Ama sa paglalang sa buong hukbo ng langit; at sa Kanya, gano'n din sa Dios, nararapat ipagkaloob ang kanilang pagkilala at pagsunod. Si Kristo ay gagamit pa rin ng banal na kapangyarihan, sa paglalang sa sanlibutan at sa mga maninirahan doon. Subalit sa lahat ng mga ito ay hindi Niya hahanapin ang kapangyarihan o ang pagpaparangal sa sarili hiwalay sa panukala ng Dios, sa halip ay itatanyag ang kaluwalhatian ng Ama, at isasakatuparan ang Kanyang mga layunin ng pagpapala at pagmamahal.MPMP 36.3

    Masayang kinikilala ng mga anghel ang kataasan ni Kristo, at yumuyuko sa harapan Niya, ay ibinuhos ang kanilang pagmamahal at pagsamba. Si Lucifer ay yumuyukong kasama nila, subalit sa kanyang puso ay may di pangkaraniwang, matinding labanan. Katotohanan, katarungan, at katapatan ay nakikipagpunyagi laban sa inggit at paninibugho. Sa ilang sandali ay tila nadala siya ng impluwensya ng mga banal na anghel. Samantalang ang mga awit ng pagpuri ay pinaiilanglang ng mga magkakatugmang himig, inihahayag ng may libu-libong tinig na masasaya, ang espiritu ng kasamaan ay tila napuksa; di mabigkas na pag-ibig ang nadama ng kanyang buong katawan; ang kanyang kaluluwa ay umawit din, kasama ng mga di- nagkasalang sumasamba, sa pag-ibig sa Ama at sa Anak. Subalit muli siyang napuspos ng pagmamalaki sa sarili niyang kaluwalhatian. Nanumbalik ang pagnanasa niya sa pagiging mataas sa lahat, at ang pagka-inggit kay Kristo ay muling hinarap. Ang matataas na pagpaparangal kay Lucifer ay hindi kinilalang kaloob ng Dios, kaya't hindi naging sanhi ng pagpapasalamat sa kanyang Manlalalang. Siya ay lumuwalhati sa kanyang ningning at karangalan at nagmithing maging kapantay ng Dios. Siya ay minamahal at iginagalang ng hukbo ng langit, ikinagagalak ng mga anghel ang isakatuparan ang kanyang mga utos, at siya ay nararamtan ng karunungan at kaluwalhatian ng higit sa kanilang lahat. Subalit ang Anak ng Dios ay na- katataas sa kanya, bilang kaisa sa kapangyarihan at kapamahalaan ng Ama. Siya ay kabilang sa konsilyo ng Ama, subalit si Lucifer ay hindi nakakapasok ng gano'n sa mga layunin ng Dios. “Bakit?” ang tanong ng makapangyarihang anghel na ito, “bakit kinakailangang si Kristo ay magkaroon ng ganoong kataasan? Bakit siya pinararangalan ng higit kay Lucifer?”MPMP 37.1

    Sa pag-alis sa harapan ng Ama, si Lucifer ay humayo upang maghasik sa mga anghel ng espiritu ng pagiging hindi kuntento. Siya ay gumawa ng may misteryosong paglilihim, at sa pagdaan ng panahon ay itinago ang tunay niyang layunin sa ilalim ng paggalang sa Dios. Nagsimula siyang magmungkahi ng pag-aalinlangan sa mga utos na nakakasaklaw sa mga naninirahan sa langit, inihahayag na bagaman ang mga utos ay kailangan ng mga naninirahan sa mga daigdig, ang mga anghel, sapagkat mas matataas ang katayuan, ay hindi na nangangailangan ng gano'ng patakaran, sapagkat ang sarili nilang karunungan ay sapat na upang maging kanilang patnubay. Sila ay mga kinapal na hindi makapagbibigay, makagagawa ng paglapastangan sa Dios; ang lahat ng kanilang isipin ay banal; hindi na higit pang posible para sa kanila ang magkamali tulad ng Dios. Ang pagpaparangal sa Anak ng Dios bilang kapantay ng Ama ay inihayag na isang paglapastangan sa karapatan ni Lucifer, na, ayon sa kanya, ay karapat-dapat din sa ganoong paggalang at pagpaparangal. Kung ang prinsipeng ito ng mga anghel ay malalagay lamang sa kanyang karampatang, mataas na posisyon, malaking kabutihan ang mapapasa buong hukbo ng langit; sapagkat kanyang layunin ang magkaroon ng kalayaan ang bawat isa. Subalit ngayon ang kalayaan ng kanilang tinamasa ay nagtatapos na; sapagkat ang isang Tagapag-utos ay itinalaga na para sa kanila, at sa kanyang awtoridad ang lahat ay kinakailangang kumilala. Gano'n na lamang katindi ang mga panlilinlang na sa pamamagitan ng katusuhan ni Lucifer ay mabilis na kumalat sa langit.MPMP 38.1

    Walang naging pagbabago sa kalagayan o kapangyarihan ni Kristo. Ang inggit at maling pagpapalagay at ang pag-aangking pagkapantay ni Lucifer kay Kristo ang sanhi ng pangangailangang banggitin ang tungkol sa tunay na kalagayan ng Anak ng Dios; subalit ang kata- yuang ito ay naging gano'n sapul sa simula. Gano'n pa man, marami sa mga anghel ang nabulag ng mga pandaraya ni Lucifer.MPMP 38.2

    Sa pagsamantala sa mapagmahal, at matapat na pagtitiwala sa kanya ng mga anghel na nasa ilalim ng kanyang kapamahalaan, mahusay niyang ikinintal sa kanilang isipan ang sarili niyang pagkawala ng tiwala at pagiging hindi kuntento na ang kanyang ahensya ay hindi kinilala. Inihayag ni Lucifer ang mga layunin ng Dios sa maling paraan—iniiba ito upang lumikha ng pagtalikod at di pagkasiya. Mahusay niyang inakit ang kanyang mga tagapakinig na magpahayag ng kanilang nadarama; pagdaka ay ginagamit niya ang mga pahayag na ito kung ito ay sang-ayon sa kanyang layunin, bilang patunay na ang mga anghel ay hindi tunay na sang-ayon sa pamamahala ng Dios. Samantalang nagpapanggap ng ganap na pagtatapat sa Dios, ipinipilit niyang kinakailangan ang pagbabago sa kaayusan at kautusan sa langit sa ikatatatag ng banal na pamahalaan. Sa gano'ng paraan samantalang kumikilos upang magkaroon ng hindi pagsang-ayon sa kautusan ng Dios at upang ibahagi ang sarili niyang kaisipan sa isip ng mga anghel na nasa ilalim niya, kunwari'y sinisikap niyang alisin ang kawalang kasiyahan at papanumbalikin ang mga anghel na hindi nasisiyahan sa kaayusan ng langit. Samantalang palihim na nagbubuo ng hidwaan at paghihimagsik, pinalalabas niya ng may kahusayan na ang tanging layunin niya ay maitanyag ang katapatan at mapangalagaan ang kaayusan at kapayapaan.MPMP 39.1

    Ang espiritu ng pagka walang kasiyahan na nasindihan ng gano'n ay gumagawa ng kanyang gawain. Samantalang walang lantarang labanan, ang pagkakaiba ng damdamin ay matahimik na lumago sa kalagitnaan ng mga anghel. Mayroong ilan ang tumatango sa mga ibinabahagi ni Lucifer tungkol sa pamamahala ng Dios. Bagaman hanggang sa mga sandaling ito sila ay may ganap na katahimikan sa kaayusang itinatag ng Dios, sila ngayon ay hindi na nasisiyahan sapagkat hindi nila mapanghimasukan ang di-masuring mga payo ng Dios; hindi sila nasiyahan sa Kanyang layunin sa pagtataas kay Kristo. Ang mga ito ay tumayong handa upang pangalawahan ang sapilitang paghingi ni Lucifer ng awtoridad na kapantay ng sa Anak ng Dios. Subalit ang mga anghel na tapat at tunay ay pinanatili ang karunungan at katuwiran ng banal na kautusan at sinikap na papanumbalikin ang mga anghel na hindi nasisiyahan sa kalooban ng Dios. Si Kristo ang Anak ng Dios; Siya ay kaisa Niya bago pa nagkaroon ng mga anghel. Sapol pa sa simula Siya ang kanang kamay ng Ama; Ang Kanyang kataasan, punong-puno ng pagpapala sa lahat ng nagpapailalim sa Kanya, hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa nasusuri. Ang kaayusan sa langit kailanman ay hindi nasira; bakit ngayon ay mag- kakaroon ng kaguluhan? Ang mga tapat na anghel ay nakakakita lamang ng kakila-kilabot na ibubunga ang ganoong hidwaan, at ma- taimtim na pinakiusapan ang mga hindi nasiyahan upang talikuran ang kanilang layunin at patunayan ang pagiging tapat sa Dios sa pamamagitan ng pagiging tapat sa Kanyang pamamahala.MPMP 39.2

    Sa dakilang kaawaan, ayon sa Kanyang banal na likas, ay tiniis ng Dios si Lucifer. Ang espiritu ng pagiging hindi kuntento at pagka wala ng pag-ibig kailanman ay hindi pa nakilala sa langit. Di- pangkaraniwan, mahiwaga, hindi maipaliwanag. Si Lucifer mismo sa pasimula ay hindi nalalaman ang tunay na likas na kanyang nararam- daman; may ilang panahon ding pinangambahan niyang isaysay ang mga napapasa-isipan niya; gano'n pa man ay hindi niya ito tinalikuran. Hindi niya nakita kung saan siya nahuhulog. Subalit ang pagsisikap na maisagawa lamang ng walang hanggang pag-ibig at katalinuhan, ay isinagawa upang siya ay kumbinsihin tungkol sa kanyang pagka- kamali. Ang pagka walang kasiyahan niya ay napatunayang walang kadahilanan, at naipakita sa kanya ang magiging bunga kung siya ay magpapatuloy sa paghihimagsik. Si Lucifer ay nakumbinsing siya ay nasa pagkakamali. Nakita niyang “ang Panginoon ay matuwid sa lahat Niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat Niyang mga gawa” (Mga Awit 145:17); na ang mga banal na kautusan ay makatarungan, at kinakailangang ipagbigay-alam na iyon ay gano'n nga sa buong kala- ngitan. Kung ito lamang ay kanyang ginawa, ay nailigtas sana niya ang kanyang sarili at ang marami pang mga anghel. Noong panahong iyon ay hindi pa niya ganap na itinatakwil ang kanyang pagtatapat sa Dios. Bagaman iniwan na niya ang kanyang posisyon bilang anghel na tagatakip, kung siya lamang ay sumang-ayon sa panunumbalik sa Dios, ipinagbibigay alam ang katarungan ng Manlalalang, at nasiyahang gampanan ang tungkuling itinalaga sa kanya sa dakilang panukala ng Dios, siya sana ay napapanumbalik sa kanyang tungkulin. Dumating ang panahon ng kahuli-hulihang pagpapasya; kinakailangang siya ay ganap na sumang-ayon sa banal na kapamahalaan o ilalagay niya ang kanyang sarili sa isang hayagang paghihimagsik. Muntik na niyang narating ang kapasyahan upang manumbalik, subalit pinigilan siya ng pagmamataas. Isang malaldng sakripisyo para sa isang pina- rangalan ng gano'n na lamang ang magpahayag na siya ay nagkamali, na ang mga naisip niya ay hindi totoo, at sumang-ayon sa awtoridad na pinatunayan niyang hindi makatarungan.MPMP 40.1

    Isang maawaing Manlalang, sa awa kay Lucifer at sa kanyang mga tagasunod, ang nagsisikap upang sila ay mailayo sa bangin na halos kahulugan na nila. Subalit ang kanyang awa ay pinakahulugan ng iba. Tinukoy ni Lucifer ang pagiging matiisin ng Dios bilang patunay sa sarili niyang higit na kagalingan, isang pahiwatig na ang Hari ng buong sansinukob ay maaari pa ring sumang-ayon sa kanyang panu- kala. Kung ang mga anghel ay tatayong matatag sa panig niya. kanyang ipinahayag, maaari pa rin nilang makamtan ang kanilang ninanasa. Patuloy niyang ipinagtanggol ang sarili niyang panukala, at lubos na itinalaga ang kanyang sarili sa dakilang pakikipagtunggali sa kanyang Manlalalang. Sa gano'n si Lucifer, “ang tagapagdala ng liwanag,” ang tagapagbahagi ng kaluwalhatian ng Dios, ang tagapaglingkod sa Kanyang luklukan, sa pamamagitan ng pagsalangsang ay naging Satanas, “ang kaaway” ng Dios at ng mga banal at ang mamumuksa noong mga itinalaga ng langit sa ilalim ng kanyang pagpatnubay at pag-iingat.MPMP 41.1

    Tinanggihan ng may paghamak ang pakiusap ng mga tapat na anghel, tinuringan niya silang mga aliping nadaya. Ang higit na pagpaparangal kay Kristo ay inakusahan niyang isang paglapastangan sa kanya at sa iba pang mga anghel, at inihayag niyang hindi na siya magpapailalim sa ganitong pagyurak sa karapatan niya at ng iba pang mga anghel. Hindi na niya kailanman kikilalanin pa ang pamumuno ni Kristo. Ipinasiya na niyang angkinin ang parangal na sana ay sa kanya ipinagkaloob, at pangunahan ang lahat ng sa kanya ay magpapasakop magiging tagasunod niya; at pinangakuan niya ang lahat na aanib sa kanyang panig ng isang bago at higit na mahusay na pamahalaan, na sa ilalim noon ang lahat ay magkakaroon ng kalayaan. Malaking bilang ng mga anghel ang nagpahayag ng kanilang pagtanggap sa kanya bilang kanilang pinuno. Nalangisan ng mga tinanggap nilang mga pangako mula sa kanya, umasa siyang ang lahat ng mga anghel ay papanig sa kanya, upang maging kapantay siya ng Dios, at sundin ng buong hukbo ng langit.MPMP 41.2

    Nagpatuloy pa rin ang mga tapat na anghel sa pakikiusap sa kanya at sa kanyang mga tagasunod na magpailalim sa Dios; at inihayag sa kanila ang tiyak na mangyayari kung sila ay tumanggi: Siya na lu- mikha sa kanila ay magagawang alisin ang kanilang kapangyarihan at parusahan ang kanilang paghihimagsik. Walang sinumang anghel ang maaaring magtagumpay sa pagsalungat sa mga utos ng Dios, na kasing banal Niya. Binabalaan nila ang lahat upang isara ang kanilang mga tainga laban sa mga pangangatuwiran ni Lucifer, at pinilit siya at ang kanyang mga tagasunod na humarap sa Dios ng walang pagaatubili at magpahayag na sila'y nagkamali sa pag-aalinlangan sa Kanyang karunungan at kapangyarihan.MPMP 41.3

    Marami ang handang makinig sa payong ito, upang pagsisihan ang kanilang pagkawalang-kasiyahan, at sikaping matanggap muli sa panig ng Ama at ng Kanyang Anak. Subalit si Lucifer ay may isa pang pandayang nakahanda. Ang makapangyarihang manghihimagsik ay nagsabi naman ngayon na ang lahat ng mga anghel na napasa panig niya ay malayo na ang nararating upang makabalik pa; na alam niya ang likas ng banal na kautusan, at alam na ang Dios ay hindi magpa- patawad. Sinabi niya na ang lahat ng susuko sa awtoridad ng langit ay aalisan ng kanilang karangalan, at ibababa ang posisyon. Para sa kanya, siya ay nagpasya na kailanman ay hindi na kikilalanin ang awtoridad ni Kristo. Ang natatangi lamang na landas na mayroon para maaari nilang tunguhan na natitira para sa kanya at sa kanyang mga tagasunod, ang sabi niya, ay ipaglaban ang kanilang paglaya, at makamtam ang kanilang karapatan na hindi malayang ipinagkakaloob sa kanila.MPMP 42.1

    Tungkol kay Satanas, siya ngayon ay malayo na ang narating upang makapanumbalik pa. Subalit hindi gano'n ang mga nabulag ng mga pandaraya niya. Para sa kanila ang payo ng mga mabubuti at tapat na anghel ay nagbubukas ng isang pinto ng pag-asa; at kung kanila lamang pinakinggan ang babala, sila sana ay nakalaya mula sa patibong ni Satanas. Subalit ang pagmamataas, pag-ibig sa kanilang lider, at ang pagnanasa ng kalayaang walang hangganan ay pinahintulutan nilang manaig, at ang mga palausap ng banal na pag-ibig at kaawaan ay ganap nang naitakwil.MPMP 42.2

    Subalit pinahintulutan ng Dios si Satanas upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa hanggang sa ang espiritu ng pagkawalang-kasiyahan ay mahinog upang maging aktibong panghihimagsik. Kinakailangang ang kanyang mga panukala ay mahinog, upang ang kanilang tunay na likas ay makita ng lahat. Si Lucifer, bilang isang pinahirang kerubin, lubos na pinarangalan; siya ay mahal na mahal ng mga nasa langit, at ang kanyang impluwensya sa kanila ay malakas. Kabilang sa pamamahala ng Dios hindi lamang ang mga naninirahan sa langit, kundi pati ang mga nasa lahat ng daigdig na kanyang nilikha; at inisip ni Lucifer na kung mapapasama niya ang lahat ng mga anghel ng langit sa kanya sa panghihimagsik, maaari niyang mapasama ang lahat ng mga daigdig. Mahusay na niyang naihayag ang kanyang panig, gumagamit ng mga panlinglang at kasinungalingan upang magkaroon ng mga tagasunod. Ang kanyang kapangyarihan upang manlinlang ay gayon na lamang. Sa pamamagitan ng pagbibihis ng kasinungalingan, ay nagkaroon siya ng kalamangan. Ang kanyang mga ikinikilos ay lahat nababalot sa kahiwagaan ano pa't mahirap ihayag sa mga anghel ang tunay na likas ng kanyang ginagawa. Hanggang sa iyon ay nahihinog, hindi maipakikita kung kagaano kasama iyon; ang pagka walang kasiyahan niya ay hindi maldkitang isang panghihimagsik. Maging ang mga tapat na anghel ay hindi maunawaan ng husto ang ganap niyang likas o kung saan talaga tutungo ang kanyang ginagawa.MPMP 42.3

    Sa pasimula ay isinagawa ni Lucifer ang kanyang panunukso sa paraang siya mismo ay hindi natatalaga doon. Ang mga anghel na hindi niya ganap na mapasama sa kanyang panig, inaakusahan niya ng pagwawalang bahala sa kapakanan ng mga naninirahan sa langit. Yaong mismong gawain niya ay itinagubilin niya sa mga tapat sa anghel. Isang patakaran niya ang manglito sa pamamagitan ng ma- huhusay na pangangatuwiran tungkol sa mga layunin ng Dios. Lahat ng mga simpleng bagay ay binabalot niya ng kahiwagaan, at sa pamamagitan ng mahuhusay na pangungusap siya ay naghahasik ng pag- aalinlangan sa pinakamasimpleng pangungusap ni Jehova. At ang kanyang mataas na posisyon, na gano'n na lamang kalapit sa pakikipag- ugnayan sa banal na pamahalaan, ay nagbigay ng karagdagang puwersa sa kanyang mga pahayag.MPMP 43.1

    Ang tanging magagamit lamang ng Dios ay ang mga paraang kasang-ayon ng katotohanan at katuwiran. Nagagamit ni Satanas ang hindi maaaring gamitin ng Dios—panglalangis at panlilinlang. Nagawa niyang pasinungalingan ang salita ng Dios, ihayag na hindi tama ang Kanyang panukala sa pamamahala, sinasabing ang Dios ay hindi makatarungan sa paglalagay ng mga batas para sa mga anghel, ginawa lamang Niya iyon upang maitaas ang Kanyang sarili. Kaya kinakailangang mahayag sa lahat ng mga naninirahan sa langit at sa lahat ng mga daigdig, na ang pamamahala ng Dios ay makatarungan, ang Kanyang kautusan ay sakdal. Pinalabas ni Satanas na ang kanyang pagsisikap ay upang itanyag ang kabutihan para sa buong sansinukob. Ang tunay na likas ng manghihimagsik at ang tunay niyang layunin ay kinakailangang maunawaan ng lahat. Kinakailangang magkaroon siya ng panahon upang lubos na mahayag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga ginagawa.MPMP 43.2

    Ang kaguluhang ibinunga ng kanyang isinasagawa sa langit, kanyang ibinintang sa pamamahala ng Dios. Ang lahat ng kasamaan ayon sa kanya ay bunga ng banal na pamahalaan. Sinabi niyang ang kanyang layunin ay ang pagandahin ang mga utos ni Jehova. Kaya pinahintulutan siya ng Dios upang maipahayag ang likas ng kanyang inangkin, upang maipakita kung papaano gagawa ang mga iminung- kahi niyang mga pagbabago sa banal na kautusan. Kinakailangang ikundena siya ng sarili niyang isinasagawa, Kinakailangang makita ng buong sansinukob na walang maskara ang manlilinlang.MPMP 44.1

    Maging noong siya ay itapon sa labas ng langit, Ang Walang- hanggang Karunungan ay hindi pinuksa si Satanas. Sapagkat ang paglilingkod lamang ng may pag-ibig ang katanggap-tanggap sa Panginoon, ang pagsunod ng Kanyang mga nilikha ay kinakailangang magmula sa isang pagkilala sa Kanyang pagiging makatarungan at mapagbiyaya. Ang mga naninirahan sa langit at sa mga daigdig, sapagkat hindi pa handa upang maunawaan ang likas at bunga ng kasalanan, ay hindi sana nakita ang pagkamakatarungan ng Dios kung si Satanas ay kaagad pinuksa. Kung siya ay kaagad-agad pinatay, ang ilan ay maaaring maglilingkod lamang sa Dios bunga ng takot sa halip na pag-ibig. Ang impluwensya ng manlilinlang ay hindi ganap na napuksa, ni ang espiritu ng panghihimagsik ay ganap na naalis. Para sa ikabubuti ng buong sansinukob sa lahat ng mga panahon, kinakailangang mapahinog niya ang kanyang mga prinsipyo, upang ang kanyang mga bintang tungkol sa pamahalaan ng langit ay makita sa tunay na liwanag ng lahat ng nilikha, at ang pagiging makatarungan at maawain ng Dios at ang katibayan ng Kanyang Kautusan ay mala- gay sa kailanman ay hindi na pag-aalinlanganan.MPMP 44.2

    Ang panghihimagsik ni Satanas ay magiging isang aral para sa buong sansinukob sa lahat ng mga panahong darating—isang tuloytuloy na patotoo sa likas ng kasalanan at sa ibinubunga nito. Ang pagpapatupad sa pamumuno ni Satanas, ang epekto noon sa tao at sa mga anghel, ay magpapahayag kung ano ang ibinubunga ng pagsasaisang tabi sa banal na awtoridad. Iyon ay magpapatotoo na kaugnay ng pagkakaroon ng pamamahala ng Dios ay ang mabuting kapakanan ng lahat ng Kanyang nilikha. Sa ganoong paraan ang kasaysayang ito ng kakila-kilabot na eksperimento sa panghihimagsik ay magiging patuloy na panggabay sa lahat ng mga banal, upang iiwas sila mula sa panlilinlang tungkol sa likas ng kasalanan, upang iiwas sila mula sa paggawa ng kasalanan, at sa pagdurusa sa kabayaran noon.MPMP 44.3

    Siya na nagpupuno sa mga langit ay nakikita ang katapusan mula sa pasimula—sa kanya na ang hiwaga ng nakalipas at hinaharap ay kapwa nakalatag, at siya na, sa kabila ng kalungkutan, at kasiraang inihatid ng kasalanan, nakikita ang pagsasakatuparan ng sarili Niyang mga layunin ng pag-ibig at pagiging mapagpala. Bagaman “mga ulap at kadiliman ay nasa palibot Niya: katuwiran at kahatulan ay patibayan ng Kanyang luklukan.” Mga Awit 97:2. At ang mga naninirahan sa buong sansinukob, maging mga tapat man o hindi, balang araw ay mauunawaan ito. “Ang Kanyang gawa ay sakdal: sapagkat lahat Niyang daan ay kahatulan: isang Dios na tapat at walang kasamaan, matuwid at banal Siya.” Deuteronomio 32:4.MPMP 45.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents