Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Huling Aresto

    Ang paggawa ni Pablo sa mga iglesia matapos na siya’y pawalang sala ay hindi nalingid sa kanyang mga kaaway. Mula nang usigin ang mga Kristiano sa ilalim ni Nero, ang mga ito ay naging sektang ipinagbabawal. Naisip ng mga Judio na bumuo ng paratang upang si Pablo ang mapagbintangang may kagagawan sa pagsunog sa Roma. Walang sinuman sa kanila ang naniniwalang si Pablo ay may kasalanan, ngunit alam nilang ang ganitong intriga, kahit na sa kaunting hinala lamang, ang magtatatak ng kanyang pagkawasak. Sa kanilang mga pagsisikap, si Pablo ay muling naaresto, at mabilisang dinala sa huling pagkabilanggo.AGA 370.1

    Sa ikalawang paglalakbay patungong Roma, si Pablo ay sinamahan ng ilang dating mga kasama; ang ilan ay kusang nagnais na makabahagi sa kanyang kapalaran, ngunit hindi niya ito ipinahintulot na sila man ay maglagay sa panganib ng kanilang mga buhay. Ang hinaharap ay lalong mahirap kaysa nakaraan. Sa pag-uusig ni Nero ay malaking bilang ng mga Kristiano ang nawala. Libu-libo ang namatay na martir, marami ang umalis na sa siyudad, at ang mga naiwan ay lubhang lupaypay at takot.AGA 370.2

    Sa pagdating niya sa Roma, si Pablo ay inilagay sa isang madilim na piitan, at mananatili doon hanggang sa katapusan ng kanyang takbuhin. Pinaratangan ng isa sa pinakamasama at kalunos-lunos na krimen laban sa siyudad at sa bansa, siya ang tampulan ng malawakang pag-aglahi.AGA 370.3

    Ang iilang kaibigang nakibahagi sa pasanin ng apostol ang ngayon ay nagsimulang humiwalay sa kanya, ang ilan ay umalis, at iba ay sa mga misyon sa iba’t ibang iglesia. Si Figelo at Hermogenes ang unang umalis. At si Demas, na nangamba sa lumalaganap na ulap ng kahirapan at panganib, ay iniwan ang apostol na pinag-uusig. Si Crescente ay isinugo ni Pablo sa Galacia, si Tito ay sa Dalmacia, si Tichico ay sa Efeso. Sa pagsulat kay Timoteo tungkol sa karanasang ito, sinabi ni Pablo, “Tanging si Lucas ang kasama ko.” 2 Timoteo 4:11. Kailanman ay di nangailangan ang apostol ng paglilingkod ng mga kapatid kaysa ngayong matanda na at pinahina ng paggawa at kapansanan, at nakakulong sa piitang madilim, basa at malamig. Ang paglilingkod ni Lucas, na mahal na alagad at tapat na kaibigan, ay malaking ginhawa kay Pablo, at sa pamamagitan nito ay nakipagtalastasan siya sa mga kapatid at sa sanlibutan.AGA 370.4

    Sa panahong ito ng pagsubok, ang puso ni Pablo ay pinasigla ng madalas na pagdalaw ni Onesiforo. Ginawa ng taga Efesong ito ang lahat upang mapagaan ang pasan ng apostol. Ang kanyang mahal na guro ay nakapiit dahilan sa katotohanan, samantalang siya ay malaya; at sa gayon ay ginawa niya ang lahat upang ang kalagayan ni Pablo ay kanyang mapagaan.AGA 371.1

    Sa kanyang huling pagliham, sinabi ng apostol, “Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sambahayan ni Onesiforo; sapagkat madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala: kundi, nang siya ay nasa Roma, ay hinanap niya ako nang buong sikap, at ako’y nasumpungan niya. Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw na yaon.” 2 Timoteo 1:16-18.AGA 371.2

    Ang naisin ukol sa pag-ibig at malasakit ay itinanim ng Dios sa puso. Si Kristo, sa Kanyang oras ng pagdurusa sa Getsemane, ay nanabik sa malasakit at pakikisama ng Kanyang mga alagad. Si Pablo, bagama’t kapansin-pansin ang pagwawalang bahala niya sa kanyang mga paghihirap at pagsasakripisyo, ay nangangailanagn pa rin ng pagdamay at pakikisama. Ang pagdalaw ni Onesiforo, na patotoo ng kanyang katapatan sa panahon ng kalumbayan at paglisan ng marami, ay nagdala ng kagalakan at kasiglahan sa taong gumugol ng kanyang buhay sa paglilingkod sa iba.AGA 371.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents