Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Corinto

    Sa unang daantaon ng Kristianismo, ang Corinto ay isa sa pangunahing siyudad hindi lamang ng Grecia, kundi ng sanlibutan. Mga Griyego, Judio, at Romano, kasama ng mga manlalakbay mula sa bawat lupain, ay siksikan sa mga lansangan nito, sa pagnenegosyo at kalayawan. Isang dakilang sentro ng kalakalan, na madaling puntahan mula sa lahat ng bahagi ng imperyo ng Roma, ito ay mahalagang lugar na mapagtatayuan ng memoryal para sa Dios at Kanyang katotohanan.AGA 185.1

    Kabilang sa mga Judio na nanirahan sa Corinto ay sina Aquila at Priscila, na di naglaon ay nakilalang masugid na manggagawa para kay Kristo. Nang makilala sila ni Pablo, ito ay “tumahang kasama nila.”AGA 185.2

    Sa pasimula ng kanyang paggawa sa abalang siyudad na ito, nakita ni Pablo ang mga maselang balakid sa pagsulong ng gawain. Ang buong siyudad halos ay gupo sa pagsamba sa mga diyos. Si Venus ang paboritong diyosa, at ang pagsamba sa kanya ay kaugnay ng maraming ritwal at seremonyang nagpapababa ng moral. Ang mga taga Corinto ay nakilala sa lipunan ng mga pagano sa pagiging palasak na imoral. Wala halos silang isipan sa kabila ng kalayawan at kalugurang pangkasalukuyan.AGA 185.3

    Sa pangangaral ng ebanghelyo sa Corinto, iniba ni Pablo ang paraang ginamit niya sa Atenas. Doon ay iniangkop niya ang estilo sa likas ng nakikinig; hinarap ang lohika ng lohika rin, siyensya ng siyensya, pilosopiya ng pilosopiya rin. Habang iniisip niya ang panahong ginugol niya roon at nadamang ang paraan ng pagtuturo niya sa Atenas ay naging maliit lamang ang bunga, ipinasiya niyang ibahin naman ang paraan ng paggawa sa Corinto, sa pagsisikap niyang makuha ang pansin ng karamihang walang pakialam at walang ingat. Inisip niyang iwasan ang mga argumento at usapan, at “walang ibang maalaman” sa gitna ng mga taga Corinto “maliban si Jesu-Cristo, at Siyang ipinako.” Mangangaral siya sa kanila “hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan.” 1 Corinto 2:2, 4.AGA 185.4

    Si Jesus, na ihaharap ni Pablo sa mga taga Corinto bilang Kristo, ay isang Judio na mababa ang pinagmulan, at lumaki sa isang bayang kilala sa kasamaan. Tinanggihan Siya ng sariling Kanya at sa wakas ay ipinako sa krus bilang karaniwang kriminal. Ang mga Griyego ay naniniwalang dapat itaas ang kalagayan ng tao; ngunit itinuring nila ang pag-aaral ng pilosopiya at siyensya bilang tanging paraan ukol sa tunay na pagtaas at karangalan. Maaari kaya silang maakay ni Pablo upang maniwalang ang pananampalataya sa kapangyarihan ng Judiong itong hindi kilala ang magtataas at magpaparangal ng bawat kapangyarihan ng tao?AGA 186.1

    Sa isipan ngayon ng karamihan, ang krus ng Kalbaryo ay napapalibutan ng mga banal na alaala. Mga binanal na ugnayan ay kadugtong ng pagkapako. Ngunit sa panahon ni Pablo, ang krus ay may kakaibang pananaw ng pag-aglahi at hilakbot. Ang itaas bilang Tagapagligtas ng tao Siyang ipinako sa krus ay likas lamang na tatanggap ng paglibak at oposisyon.AGA 186.2

    Alam ni Pablo kung ano ang magiging pakikitungo ng Judio at Griyego sa Corinto sa kanyang pabalita. “Ipinangangaral namin si Kristo na ipinako,” kanyang sinabi, “na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Griyego ay kahangalan.” 1 Corinto 1:23. Sa kanyang mga Judio na tagapakinig marami ang magagalit sa pabalitang kanyang ipangangaral. Sa isipan ng mga Griyego, ang mga salita niya ay magiging kahangalan. Titingnan siya bilang isang mahina ang utak sa pagsisikap na ipakita kung paanong ang krus ay maaaring magkaroon ng kaugnayan sa pagtataas sa lahi ng tao o pagliligtas sa kanya.AGA 186.3

    Ngunit kay Pablo ang krus ay obheto ng pinakamataas na isipan. Mula pa nang siya ay pigilin sa gawain ng pag-uusig laban sa ipinakong Nazareno, hindi siya tumitigil na luwalhatiin ang krus. Sa panahong nabigay sa kanya ang pagpapahayag ng walang sukat na pag-ibig ng Dios, tulad ng nahayag sa kamatayan ni Kristo; at isang kahangahangang pagbabago ay naganap sa kanyang buhay, lahat ng kanyang mga adhikain at panukala ay naitugma sa kalangitan. Mula sa oras na iyon ay naging bagong tao siya kay Kristo. Nalaman niya sa personal na karanasan na kapag ang isang makasalanan ay nakamalas ng pag- ibig ng Ama, na hayag sa sakripisyo ng Kanyang Anak, at sumuko sa banal na impluwensya, isang pagbabago ng puso ay nagaganap, at mula noon si Kristo ay nagiging lahat at lahat sa kanya.AGA 186.4

    Sa panahon ng kanyang pagkahikayat, si Pablo ay kinasihan ng naising tumulong sa kanyang kapwa na makita si Jesus ng Nasaret bilang Anak ng Dios na buhay, makapangyarihang makapagpabago at magligtas. Mula noon ang buhay niya ay lubusang natalaga sa pagsisikap na ilarawan ang pag-ibig at kapangyarihan ng Ipinako sa krus. Ang dakilang malasakit na ito ng puso ay saklaw ang lahat ng uri ng tao. “Ako ay may utang,” wika niya, “sa mga Griyego, at mga barbaro; sa mga pantas at sa mangmang.” Roma 1:14. Ang pag-ibig sa Panginoon ng kaluwalhatian, na dati’y walang tigil na kanyang pinag-usig sa katauhan ng Kanyang mga banal, ang naging simulaing pampakilos sa kanya at kapangyarihan ng motibo. Kapag ang sigasig niya sa landas ng tungkulin ay nanghihina, isang sulyap sa krus at sa kamangha-manghang pag-ibig na nahayag dito, ay sapat upang biglasan niya ang baywang ng kanyang pag-iisip, at magpatuloy sa landas ng pagtanggi sa sarili.AGA 187.1

    Masdan ang apostol na nangangaral sa sinagoga sa Corinto, nakikipagkatuwiranan mula sa mga sulat ni Moises at mga propeta, at dinadala ang mga nakikianig hanggang sa pagdating ng ipinangakong Mesias. Pakinggan siyang nagpapaliwanag ng gawain ng Manunubos bilang dakilang punong saserdote ng tao—Siyang sa pamamagitan ng sakripisyo ng Kanyang sariling buhay ay gagawa ng pagtubos minsanan at panglahatan, at magsasagawa ng ministeryo sa santuwaryo sa langit. Ang mga nakikinig kay Pablo ay pinaniwalang ang hinihintay nilang Mesias sa katunayan ay dumating na; na ang Kanyang kamatayan ang katawan ng lahat ng anino ng mga paghahandog ng sakripisyo, at ang Kanyang ministri sa santuwaryo sa langit ang dakilang bagay na naglahad ng anino pabalik, at nagpaliwanag ng ministri ng mga saserdoteng Judio.AGA 187.2

    Si Pablo ay “nagpatotoo sa mga Judio na si Jesus ang Kristo.” Mula sa mga Sulat ng Lumang Tipan, ipinaldta niya na ayon sa mga propesiya at pangkalahatang pag-asa ng mga Judio, ang Mesias ay magmumula sa linya ni Abraham at David; at tinugaygayan niya ang linya ni Jesus sa patriarkang Abraham sa pamamagitan ngmakaharing mang-aawit. Binasa niya ang patotoo ng mga propeta tungkol sa likas ng gawain ng ipinangakong Mesias, at ang magiging pagtanggap at pakikitungo sa Kanya sa lupa; at ipinakita niyang ang lahat ng mga propesiyang ito ay natupad sa buhay, ministri, at kamatayan ni Jesus ng Nasaret.AGA 187.3

    Ipinakita rin ni Pablo na ang Kristo ay naparito upang mag-alok ng kaligtasan una muna sa bayang naghihintay sa pagdating ng Mesias bilang katuparan at kaluwalhatian ng kanilang pagiging isang bansa. Ngunit ang bansang iyon ay tumanggi sa Kanyang makapagbibigay sana sa kanila ng buhay, at pinili ang ibang lider, na ang paghahari ay magwawakas sa kamatayan. Sinikap niyang dalhin sa pakinig nila na tanging ang pagsisisi ang makapagliligtas sa bansang Judio sa darating na pagkawasak. Inilantad niya ang kanilang kawalang muwang sa kahulugan ng mga Kasulatan na kanilang ipinagmamalaki at niluluwalhati bilang kanilang nauunawaan. Sinansala niya ang kanilang kamunduhan, ang pag-ibig sa tungkulin, titulo, at displey, at di mapigil na pagkamakasarili.AGA 188.1

    Sa kapangyarihan ng Espiritu, isinaysay ni Pablo ang kanyang kahanga-hangang pagkahikayat at pagtitiwala sa Lumang Tipan, na lubusang natupad kay Jesus ng Nasaret. Ang pagsasalita niya ay may banal na kataimtiman, at ang mga nakikinig sa kanya ay namalas ang kanyang buong pusong pagmamahal sa Tagapagligtas na ipinako at muling nabuhay. Nakita nila kung paanong ang kanyang isipan ay nakasentro kay Kristo, na ang buong buhay niya ay nakatali sa kanyang Panginoon. Gayon kabigat ang kanyang mga salita, na tanging silang may pinakamapait na muhi sa relihiyong Kristiano ang maaaring tumayong hindi nakikilos.AGA 188.2

    Ngunit ang mga Judio sa Corinto ay nagpinid ng kanilang mga mata sa katibayang malinaw na ipinakita ng apostol, at tumangging makinig sa kanyang pagsamo. Ang diwang umakay sa kanilang tanggihan si Kristo, ang nagpuno ng galit laban sa Kanyang lingkod; at kung hindi siya tanging iningatan ng Dios upang makapagpatuloy sa pagdadala ng pabalita ng ebanghelyo sa mga Gentil, sana ay napatay nila siya.AGA 188.3

    “At nang sila’y magsitutol at magsipamusong, ay ipinagpag niya ang kanyang kasuotan, at sa kanila’y sinabi, Ang inyong dugo’y sumainyong sariling mga ulo: ako’y malinis, buhat ngayo’y paroroon ako sa mga Gentil. At siya’y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya’y karugtong ng sinagoga.”AGA 188.4

    Si Silas at Timoteo ay “dumating mula sa Macedonia” upang tumulong kay Pablo, at magkakasamang gumawa para sa mga Gentil. Sa mga Gentil at mga Judio, ipinangaral ni Pablo at kanyang mga kasama si Kristo bilang Tagapagligtas ng taong nagkasala. Iniwasan ang mga masalimuot, at wala sa paksang pangangatuwiran, ang mga mensahero ng krus ay nagsalita tungkol sa mga katangian ng Manlalalang ng sanlibutan, ang Hari ng sansinukob. Sa pusong nagniningas sa pag-ibig sa Dios at sa Kanyang Anak, nananawagan sila sa mga Gendl na masdan ang walang sukat na sakripisyong ginawa para sa tao. Alam nila kung silang matagal nang kakapa-kapa sa dilim ng paganismo, ay makakakita ng liwanag mula sa krus ng Kalbaryo, sila ay maaakit sa Manunubos. “Ako, kung Ako’y mataas na,” pahayag ng Tagapagligtas, “ay aakit ng lahat ng tao sa Alan.” Juan 12:32.AGA 189.1

    Ang mga manggagawa ng ebanghelyo sa Corinto ay nakadama ng kalunos-lunos na panganib na nakabanta sa kanilang pinaglilingkuran; at may pagkadama ng kapanagutang iniharap nila sa kanila ang katotohanang na kay Jesus. Maliwanag, payak, at tiyak ang kanilang pabalita—may lasa ng buhay sa buhay, o kamatayan sa kamatayan. At hindi lamang sa kanilang mga pagsasalita, kundi sa kanilang buhay sa bawat araw, na ang ebanghelyo ay ipinangaral. Mga anghel ay nakipagtulungan sa kanila, at ang biyaya at kapangyarihan ng Dios ay nahayag sa pagkahikayat ng marami. “At si Crispo, na pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon pati ng buong sambahayan niya; at marami sa taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.”AGA 189.2

    Ang muhi ng mga Judio sa mga apostol ay lalo pang nag-init. Ang pagkahikayat at bautismo ni Crispo ay nakainis sa halip na nagpaniwala sa mga lumalabang ito na matitigas ang ulo. Wala silang maiharap na argumento laban sa pangangaral ni Pablo; at sa kakulangan ng katibayan, sila ay gumawa ng panlilinlang at matinding pag-atake. Namusong sila laban sa ebanghelyo at sa pangalan ni Jesus. Sa bulag nilang pagkagalit, walang salitang napakapait, walang pakanang napakababa ang di nila gagamitin. Hindi nila matanggihang si Kristo ay nagsagawa ng mga milagro; ngunit sinabi nilang ang mga ito ay sa kapangyarihan ni Satanas; at may katapangang sinabi nilang ang mga kahanga-hangang ginawa ni Pablo ay mula din sa gayong kapangyarihan.AGA 189.3

    Bagama’t si Pablo ay nagtagumpay sa Corinto, ang nakita at nadinig niyang kasamaan sa masamang siyudad na ito ay halos nagpahina ng kanyang loob. Ang mababang kabuhayan ng mga Gentil, ang paglibak at aglahing tinanggap niya sa mga Judio, ay nagbigay sa kanya ng dakilang bagabag ng diwa. Nag-alinlangan siya sa karunungan ng pagtatayo ng iglesia mula sa mga materyales na nasumpungan niya roon.AGA 190.1

    Sa pagpapanukala niyang umalis upang tumungo sa isang bukirang may mas magandang pangako, at sa pagsisikap na maunawaan pa ang kanyang tungkulin, ang Panginoon ay napakita sa kanya sa pangitain at nagwika, “Huwag kang matakot, kundi mangusap ka, huwag kang manahimik: sapagkat Ako’y kasama mo, at walang sinumang taong sasakit sa iyo: sapagkat marami Akong bayan sa siyudad na ito.” Naunawaan ito ni Pablo bilang isang utos upang manatili sa Corinto, at isang garantiya na ang Panginoon ang magkakaloob ng pakinabang sa binhing naitanim. Napalakas at napasigla, nagpatuloy siya sa paggawang may sigasig at pagtitiyaga.AGA 190.2

    Ang mga pagsisikap ng mga apostol ay hindi lamang sa pagsasalita sa publiko; marami ang hindi maaabot sa pamamagitan nito. Malaking panahon ang ginugol niya sa paggawang bahay-bahay, at sa ganito ay ginamit ang pagkakataong makikilala ang mga tao sa kanilang sambahayan. Dinalaw niya ang mga maysakit at nalulumbay, pinaginhawa ang nagdurusa, at itinaas ang mga duhagi. At sa lahat ng kanyang sinabi at ginawa, pinarangalan niya ang pangalan ni Jesus. Sa ganito ay gumawa siya, “sa kahinaan, at sa takot, at panginginig.” 1 Corinto 2:3. Nanginig siyang ang kanyang pagtuturo ay magkaroon ng anyo ng tao sa halip ng sa Dios.AGA 190.3

    “Gayunman ay nagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang,” pinahayag pagkatapos ni Pablo; “bagaman hindi ng karunungan ng sanlibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanlibutang ito, na ang mga ito ay nangauuwi sa wala: kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanlibutan sa ikaluluwalhati natin: na hindi napagkilala ng sinumang pinuno sa sanlibutang ito: sapagkat kung nakikilala sana nila, hindi sana nila ipinako ang Panginoon ng kaluwalhadan. Datapuwat gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na di nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, ni hindi pumasok sa puso ng tao, anumang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nagsisiibig sa Kanya. Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu: sapagkat nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios. Sapagkat sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao na nasa kanya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinuman, maliban na ng Espiritu ng Dios.AGA 190.4

    “Ngunit ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.” 1 Corinto 2:6-13.AGA 191.1

    Nadama ni Pablo na ang kasapatan niya ay wala sa sarili, kundi sa presensya ng Banal na Espiritu, na ang mabiyayang impluwensya ay pumupuspos sa puso, na ang lahat ay ipinapasakop kay Kristo. Lagi niyang sinasabing “taglay niya sa kanyang katawan ang kamatayan ng Panginoong Jesus, upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa ating mga katawan.” 2 Corinto 4:10. Sa mga turo ng apostol, si Kristo ang sentrong tauhan. “Ako’y nabubuhay,” kanyang sinabi, “ngunit hindi ako, kundi si Kristo ang nabubuhay sa loob ko.” Galacia 2:20. Ang sarili ay natago; si Kristo ang nalantad at nataas.AGA 191.2

    Si Pablo ay mahusay na tagapagsalita. Bago siya nahikayat, madalas na sinikap niyang kunin ang paghanga ng nakikinig sa pamamagitan ng talumpati. Ngunit ngayon ay inilagay niya ito sa isang tabi. Sa halip na matulaing pagsasalita at mga kathang isip na magpapasaya at magpapasikat sa isipan ngunit walang bisa sa kabuhayan, sinikap ni Pablo na gumamit ng mga simpleng pananalita upang dalhin sa puso ang mga katotohanang may malaking halaga. Ang nakahahalinang interpretasyon ay maaring gumayuma sa damdamin; ngunit kadalasang ang katotohanang inihaharap sa pamamagitan nito ay hindi nagkakaloob ng pagkaing kailangan upang mapalakas ang mananampalataya sa mga pakikibaka sa buhay. Ang mga madaliang pangangailangan, ang mga kasalukuyang pagsubok, ng kaluluwang nakikipagpunyagi— ang mga ito ay dapat harapin, sa pamamagitan ng mga simulaing maliwanag, at praktikal ukol sa buhay Kristiano.AGA 191.3

    Ang mga pagsisikap ni Pablo sa Corinto ay nagbunga. Marami ang bumalikwas mula sa pagsamba sa mga diyos upang maglingkod sa buhay na Dios, at isang malaking iglesia ang natala sa ilalim ng bandila ni Kristo. Ang ilan ay sinagip mula sa pinakasalantang Gentil at naging mga bantayog ng kahabagan ng Dios at ng bisa ng dugo ni Kristo upang maglinis ng kasalanan.AGA 191.4

    Ang dagdag na tagumpay ni Pablo sa pangangaral tungkol kay Kristo, ay lalong nagpainit sa mga Judio na ayaw manampalataya upang usigin siya. Nagkakaisang bumangon sila, at “inusig si Pablo at dinala ito sa harapan ng hukuman ni Galio na prokonsul ng Achaia. Inasahan nilang tulad sa nakaraan ang maykapangyarihan ay papanig sa kanila; at sa malakas at galit na tinig ay nagbintang sila laban sa apostol, na nagsasabi, “Ang taong ito ay nag-aakit sa mga bayang sumamba sa Dios na labag sa kautusan.”AGA 192.1

    Ang relihiyong Judio ay nasa ilalim ng pag-iingat ng kapangyarihan ng Roma, at inakala ng mga nagbibintang kay Pablo na malakas ang kanilang paratang na ito’y lumalabag sa mga batas ng kanilang relihiyon, at sa gayon ay ipagkakatiwala sa kanila upang kanilang litisin at hatulan. Sa ganito ay inakala nilang ito ay kanilang maipapapatay. Ngunit si Galio ay lalaking may integridad, at tumangging padala sa katusuhan ng mga Judio na naiinggit, at nag-iintriga. Sa pagkarimarim sa kanilang pagkapanatiko at pag-aaring ganap, hindi niya pinansin ang paratang. Nang magsasalita na si Pablo bilang pagtatanggol niya, sinabi ni Galio na hindi na ito kailangan. Pagbaling sa mga galit na nagpaparatang, sinabi niya, “Kung ito’y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan, O mga Judio, may matuwid na tiisin ko kayo: datapuwat kung mga pagtatalo sa mga salita at mga pangalan, at sa inyong sariling kautusan, kayo sa inyong sarili na ang bahala noon; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito. At sila’y pinalayas niya sa hukuman.”AGA 192.2

    Ang mga Judio at Griyego ay kapwa sabik na naghintay sa magiging pasya ni Galio; at ang agad na pagwawalang bahala sa kaso, bilang walang kabuluhan sa interes ng madia, ay naging tanda para sa mga Judio na umatras, nagugulumihanan at nagagalit. Ang pasiya ng prokonsul ang nagbukas sa paningin ng karamihan na sumusuporta sa mga Judio. Sa kauna-unahang pagkakataon sa paggawa ni Pablo sa Europa, ang karamihan ay pumanig sa kanya; sa pagmasid ng prokonsul, at walang hadlang mula sa kanya, kanilang marahas na hinarap ang mga pangunahing nagbintang sa apostol. “At hinawakan nila si Sosthenes na pinuno ng sinagoga, at siya’y hinampas sa harapan ng hukuman. At hindi man lamang pinansin ni Galio ang mga bagay na ito.” Sa ganito ay nagtamo ang Kristianismo ng natatanging tagumpay.AGA 192.3

    “Pagkatapos nito, si Pablo ay nanatili pa roong maraming araw.” Kung ang apostol ay napilitang umalis sa Corinto sa panahong ito, ang mga nahikayat sa pananampalataya ay nalagay sana sa mapanganib na posisyon. Ang mga Judio ay nakagawa sana ng pagsisikap na samantalahin ang biglang paglisan ni Pablo, at marahil ay nalipol ang mga Kristiano sa rehiyong iyon.AGA 193.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents