Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Masayang Pamumuhay

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Damdamin ng Kagandahang-loob at Pag-ibig

    Ang mga damdamin ng kagandahan at pagkamapagbigay, at ang mabilis na pagkaunawa ng mga bagay na ukol sa espiritu, ay pawang mahahalagang talento, at ang nagtataglay ng mga talentong ito ay inaatangan ng mabigat na tungkulin o kapanagutan. Lahat nang ito ay dapat gamitin sa paglilingkod sa Diyos. Nguni't dito maraming nagkakamali. Palibhasa'y nasisiyahan na sa pagkakaroon ng mga katangiang ito, hindi nila ito masiglang ginagamit sa paglilingkod sa mga iba. Dinadaya nila ang kanilang sarili sa pagsasabing kung magkakaroon sila ng pagkakataon, at kung ipahihintulot ng mga pangyayari, ay makagagawa rin sila ng isang malaki at mabuting gawain. Nguni't ang inaantabayanan nila ay ang pagkakataon. Hinahamak nila ang karamutan ng abang kuripot na sumasama pa ang loob kapag may isang maliit na halagang naibibigay sa nangangailangan. Nakikita nilang ito'y nabubuhay nang makasarili, at ito'y mana- nagot sa hindi paggamit ng kanyang mga talento. Taglay ang labis na kasiyahan sa sarili na sinasabi nilang sila'y iba kaysa makikitid-ang-isip na mga ito, at ang pakiramdam nila'y higit na mabuti ang kanilang kalagayan kaysa mga kapwa nilang may masasamang ugali. Subali't dinadaya nila ang kanilang mga sarili. Ang pagkakaroon nila ng mga katangiang di-ginagamit ay nagpaparami lamang ng kanilang kapanagutan. Ang mga nagtataglay ng malaking pag-ibig ay may tungkulin sa Diyos na ito'y ipagkaloob, hindi lamang sa kanilang mga kaibigan, kundi sa lahat din naman ng nangangailangan ng kanilang tulong. Ang mga kalamangang panlipunan ay mga talento, at ito'y dapat nating gamitin para sa kapakinabangan ng lahat na nasasaklaw ng ating impluwensiya. Ang pag-ibig na nagmamagandang-loob lamang sa iilan ay hindi pag-ibig, kundi kasakiman o pagkamakasarili. Sa anumang paraan ay hindi ito makagagawa ng kabutihan sa mga tao ni makaluluwalhati man ito sa Diyos. Yaong mga hindi gumagamit ng mga talentong kaloob sa kanila ng kanilang Panginoon, ay higit pang nagkakasala kaysa mga taong hinahamak nila. Sa kanila ay ganito ang sasabihin, Nakilala ninyo ang kalooban ng inyong Panginoon, nguni't hindi ninyo ito ginawa.MP 376.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents