Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Masayang Pamumuhay

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapitulo 4—Mga Pansirang-damo sa Inyong Halamanan

    SINAYSAY Niya sa kanila ang ibang talinhaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid; datapwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kanyang kaaway at naghasik naman ng mga pansirang-damo sa pagitan ng trigo, at umalis. Datapwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pansirang-damo.”MP 62.1

    “Ang bukid,” wika ni Kristo, “ay ang sanlibutan.” Nguni't dapat natin itong maunawaan na nangangahulugang ang iglesya ni Kristo sa sanlibutan. Ang talinhaga ay isang paglalarawan niyaong nauukol sa kaharian ng Diyos, ng Kanyang gawain sa ikaliligtas ng mga tao, at ang gawaing ito ay nagaganap sa pamamagitan ng iglesya. Tunay nga na ang Banal na Espiritu ay humahayo sa buong sanlibutan; sa lahat ng dako'y kumikilos ito sa mga puso ng mga tao; subali't sa iglesya tayo dapat lumaki at mahinog para sa bangan ng Diyos.MP 62.2

    “Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao. . . . Ang mabuting binhi ay ito ang mga anak ng kaharian; nguni't ang mga pansirang-damo ay ang mga anak ng masama.” Ang mabuting binhi ay kumakatawan sa mga ipinanganak ng salita ng Diyos, ang katotoha- nan. Ang mga pansirang-damo ay kumakatawan sa isang uri na siyang bunga o katawan ng kamalian, ng mga ditunay na simulain. “Ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diyablo.” Ang Diyos ni ang Kanyang mga anghel man ay hindi kailanman naghasik ng isang binhi na magbubunga ng isang pansirang-damo. Ang mga pansirang-damo ay lagi nang inihahasik ni Satanas, na siyang kaaway ng Diyos at ng tao.MP 62.3

    Sa Silangan, kung magkaminsan ay naghihiganti ang mga tao sa isang kaaway sa pamamagitan ng pagsasabog ng mga binhi ng ilang mapanirang damo sa bagong-nahasikang mga bukid nito, na ang mga binhing ito habang tumutubo, ay nakakatulad na mabuti ng trigo. Sa pagsibol nitong kasabay ng trigo, ay pinipinsala nito ang tanim, at nagdudulot ng bagabag at kawalan sa may-ari ng bukid. Kaya sa ganito ring pakikipag-alit kay Kristo isinasabog ni Satanas ang masama niyang binhi sa gitna ng mabuting binhi ng kaharian. Ang bunga ng kanyang paghahasik ay ipinaaangkin niya sa Anak ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagdadala sa loob ng iglesya ng mga nagtataglay ng pangalan ni Kristo bagama't tinatanggihan ng mga ito ang likas Nito, ay nagagawan ng paraan ng masama na malapastangan ang Diyos, mapagkamalian ang gawain ng pagliligtas, at maisapanganib ang mga kaluluwa.MP 63.1

    Ikinahahapis ng mga lingkod ni Kristo na makitang nagkakasama-sama sa iglesya ang mga tunay at ang mga di-tunay na mananampalataya. Nasasabik silang gumawa ng anuman upang malinis ang iglesya. Katulad ng mga alipin ng puno ng sambahayan, handa nilang bunutin ang mga pansirang-damo. Subali't sinabi sa kanila ni Kristo, “Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pansirangdamo, ay inyong mabunot pati ang trigo. Pabayaan ninyong magsitubo kapwa hanggang sa panahon ng pagaani.”MP 63.2

    Maliwanag na iniaral ni Kristo na ang mga nagpa- patuloy sa hayagang pagkakasala ay dapat ihiwalay sa iglesya; gayunma'y hindi Niya ipinagkatiwala sa atin ang gawain ng paghatol sa karakter at dahilan. Kilalangkilala Niya ang ating kalikasan upang ipagkatiwala ang gawaing ito sa atin. Sakaling susubukin nating alisin sa iglesya ang mga ipinalalagay nating mga huwad na Kristiyano, ay tiyak na makagagawa tayo ng mga pagkakamali. Madalas na itinuturing nating mga wala-nang-pagasa iyong mismong pinalalapit ni Kristo sa Kanyang sarili. Kung pakikitunguhan natin ang mga kaluluwang ito nang ayon sa ating di-sakdal na kuru-kuro o pagkaunawa, kaipala'y ito ang papatay sa kanilang kahuli-hulihang pag-asa. Ang maraming nag-aakala na sila'y mga Kristiyano ay masusumpungan sa wakas na kulang. Maraming mapapasalangit na ipinalagay ng kanilang mga kapwa na hindi kailanman makapapasok doon. Ang tao ay humahatol sa puso. Ang mga pansirang-damo at ang trigo ay dapat tumubong magkasama hanggang sa pagaani; at ang pag-aani ay ang katapusan ng palugit na panahon.MP 63.3

    May isa pang liksiyon sa mga salita ng Tagapagligtas, isang liksiyon ng kahanga-hangang pagtitiis at magiliw na pag-ibig. Kung paanong nagkakasalabirang mabuti ang mga ugat ng mga pansirang-damo at ng sa mabuting butil, ay gayundin naman maaaring malapit na magkaugnayan ang mga di-tunay na kapatid sa iglesya at ang mga tunay na alagad. Ang tunay na karakter ng mga nagkukunwaring mananampalatayang ito ay hindi lubusang nahahayag. Kung sila'y ihihiwalay sa iglesya, ang iba'y maaaring matisod, na ang mga ito kundi dahil dito ay nakapanatili sanang matibay.MP 64.1

    Ang itinuturo ng talinhagang ito ay inilalarawan sa sariling pakikitungo ng Diyos sa mga tao at mga anghel. Si Satanas ay isang mandaraya. Nang ito'y magkasala sa langit, ay hindi lubusang nakilala maging ng mga tapat na anghel ang karakter nito. Ito ang dahilan kung bakit hindi karaka-rakang pinuksa ng Diyos si Satanas. Kung ginawa Niya ang gayon, hindi sana naunawaan ng mga banal na anghel ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. Ang pag-aalinlangan sa kabutihan ng Diyos ay naging masamang binhi sana, na nagbunga ng mapait na bunga ng kasalanan at kapighatian. Kaya nga ang awtor ng kasamaan ay hindi kaagad pinatay, upang lubusang tumubo o yumabong ang karakter nito. Sa loob ng mahabang panahon ay binata ng Diyos ang dusa ng pagtingin sa gawa ng masama, ipinagkaloob Niya ang walanghanggang Handog ng Kalbaryo, sa halip na pabayaan ang sinuman na madaya ng maling-pamamarali ng isang masama; sapagka't ang mga pansirang-damo ay hindi maaaring bunutin nang hindi manganganib na mabunot ang mahalagang butil. At hindi ba tayo magiging mapagbata sa ating mga kapwa-tao na gaya ng Panginoon ng langit at lupa kay Satanas?MP 64.2

    Walang karapatan ang sanlibutan na pag-alinlanganan ang katotohanan ng Kristiyanismo nang dahil sa may mga di-karapat-dapat na kaanib sa iglesya, ni dapat mang panghinaan-ng-loob ang mga Kristiyano dahil sa mga di-tunay na kapatid na ito. Paano ba noon sa unang iglesya? Sina Ananias at Safira ay nakisama sa mga alagad. Si Simon Magus ay bininyagan. Si Demas, na umalis at pinabayaan si Pablo, ay ibinilang na isang sumasainpalataya. Si Judas Iscariote ay napabilang sa mga apostol. Hindi nais ng Manunubos na mawaglit ang isang kaluluwa; ang Kanyang karanasan kay Judas ay itinala upang ipakilala ang Kanyang pagtitiis sa balakyot na likas ng tao; at inaatasan Niya tayong magbata nito gaya ng pagkakapagbata Niya. Sinabi Niya na ang mga di-tunay na kapatid ay masusumpungan sa iglesya hanggang sa katapusan ng panahon.MP 65.1

    Sa kabila ng babala ni Kristo, pinagsikapan ng mga tao na bunutin ang mga pansirang-damo. Upang parusahan ang mga ipinalalagay na mapaggawa-ng-masama, ang iglesya ay dumudulog sa kapangyarihang sibil. Ang mga sumasalungat sa mga nakatatag na doktrina ay ipinabibilanggo, inilalagay sa pahirapan at ipinapapatay, sa upat ng mga taong nagsisipag-angking tumutupad sa ilalim ng pagsang-ayon ni Kristo. Subali't espiritu ni Satanas hindi Espiritu ni Kristo, ang kumakasi sa mga ganitong gawain. Ito ang sariling pamamaraan ni Satanas ng paghahatid sa sanlibutan sa ilalim ng kanyang kapangyarihan o pagpupuno. Maling-naipakikilala ng iglesya ang Diyos sa ganitong paraan ng pakikitungo sa mga ipinalalagay na erehe.MP 65.2

    Hindi paghatol at pagpaparusa sa iba, kundi pagpapakumbaba at di-pagtitiwala sa sarili, ang iniaaral ng talinhaga ni Kristo. Hindi lahat ng nahahasik sa bukid ay mabuting butil. Ang katotohanan na ang mga tao'y nasa loob ng iglesya ay hindi nagpapatunay na sila'y mga Kristiyano.MP 66.1

    Nakakatulad na mabuti ng mga pansirang-damo ang trigo habang lunti pa ang mga usbong; nguni't kapag ang bukid ay hinog na upang anihin, ang walang-saysay na mga damo ay hindi na nagtataglay ng anumang pagkakawangis sa trigong nakayuko sa bigat ng mapipintog at hinog nitong mga uhay. Ang mga makasalanang nagkukunwang banal ay nakikihalubilo sa loob ng isang pa-nahon sa mga tunay at tapat na tagasunod ni Kristo, at ang wangis ng pagka-Kristiyano ay ginagawa o itinatanghal upang dayain ang marami; datapwa't sa pagaani sa sanlibutan ay hindi na magkakaroon ng pagkakawangis ang mabuti at ang masama. Ang mga sumama sa iglesya, nguni't hindi sumama kay Kristo, ay mahahayag nga.MP 66.2

    Ang mga pansirang-damo ay pinahihintulutang tu mubo sa gitna ng trigo, upang magkaroon ng lahat ng mapapakinabang sa araw at ambon; subali't sa panahon ng pag-aani ay “manunumbalik kayo, at makikilala ninyo ang matwid at ang masama, yaong naglilingkod sa Diyos at yaong hindi naglilingkod sa Kanya.”1Mal. 3:18. Si Kristo na rin ang magpapasiya kung sinu-sino ang karapat-dapat manahanang kasama ng sambahayan ng langit. Kanyang hahatulan ang bawa't tao ayon sa mga salita at mga gawa nito. Ang pagpapanggap ay walang-kabuluhan sa timbangan. Karakter ang nagpapasiya ng kapalaran o kahahantungan.MP 66.3

    Walang ipinahahayag ang Tagapagligtas na isang panahon sa hinaharap na ang lahat ng mga pansirang-damo ay magiging trigo. Ang trigo at ang mga pansirang-damo ay tumutubong magkasama hanggang sa panahon ng pagaani, na siyang katapusan ng sanlibutan. Saka naman bibigkisin ang mga pansirang-damo upang sunugin, at ang trigo ay titipunin sa bangan ng Diyos. “Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama.” Kung magkagayo'y “susuguin ng Anak ng tao ang Kanyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng Kanyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan; at sila'y igagatong sa kalan ng apoy; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.”MP 67.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents