Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Masayang Pamumuhay

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapitulo 6—Pakikipagsamahan na May Kapangyarihan

    MULA sa gawang paghahasik ng binhi at sa pagtubo ng halamang buhat sa binhi, ay makapagtuturo sa sambahayan at sa paaralan ng mahahalagang liksiyon. Bayaang matutuhang makilala ng mga bata at mga kabataan sa mga bagay ng katalagahan o kalikasan ang paggawa ng mga kinakasangkapan ng Diyos, at magagawa nilang hagipin sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga di-nakikitang kapakinabangan. Kapag nauunawa na nila ang kahanga-hangang gawain ng Diyos sa pagtustos sa mga pangangailangan ng Kanyang malaking sambahayan, at kung paano tayo dapat makipagtulungan sa Kanya, ay magkakaroon sila ng higit na pananampalataya sa Diyos, at kanilang madarama nang higit ang Kanyang kapangyarihan sa kanilang sariling pang-arawaraw na kabuhayan.MP 74.1

    Nilikha ng Diyos ang binhi, gaya ng pagkalikha Niya sa lupa, sa pamamagitan ng Kanyang salita. Sa pamamagitan ng Kanyang salita ay binigyan Niya iyon ng kapangyarihang tumubo at dumami. Sinabi Niya, “Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punungkahoy na namumunga ayon sa kanyang pagkakahoy, na taglay ang kanyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon. . . . At nakita ng Diyos na mabuti.”1Gen. 1:11, 12. Ang salita ang nagpapatubo pa rin sa binhi. Bawa't binhing nagpapalitaw ng luntian nitong usbong sa sikat ng araw ay nagpapahayag ng gumagawa-ng-kababalaghang kapangyarihan ng salitang yaon na binigkas Niyaong “nagsalita, at nangyari;” na “nag-utos, at tumayong matatag.”1Awit 33:9.MP 74.2

    Tinuruan ni Kristo ang Kanyang mga alagad na manalangin, “Ibigay Mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.” At itinuturo ang mga bulaklak na binigyan Niya sila ng kapanatagan, “Kung pinararamtan ng Diyos nang ganito ang damo sa parang, . . . hindi baga lalung-lalo na kayong pararamtan Niya?”2Mat. 6:11, 30. Patuloy na gumagawa si Kristo upang tugunin ang panalanging ito, at upang tuparin ang kapanatagang ito. May isang di-nakikitang kapangyarihan na patuloy na gumagawa bilang alipin ng tao upang siya'y pakanin at paramtan. Maraming kinakasangkapan ang Panginoon upang ang binhi, na sa malas ay itinatapon, ay gawing isang buhay na pananim o halaman. At Kanyang tinutustusan ayon sa kaukulang sukat ang lahat na kinakailangan upang mapaging-sakdal ang pag-aani. Ayon sa maririkit na pangungusap ng mang-aawit: —MP 75.1

    “Iyong dinadalaw ang lupa, at dinidilig Mo;
    Iyong pinayayamang mainam;
    Ang ilog ng Diyos ay puno ng tubig;
    Iyong pinagtataanan sila ng trigo pagka't inihanda
    Mo ang lupa.
    Iyong dinidilig ang kanyang bungkal nang sagana;
    Iyong pinapantay ang kanyang mga bungkal;
    Iyong mga pinalalambot ng ambon;
    Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
    Iyong dinudulutan (pinuputungan) ang taon ng Iyong
    kabutihan;
    At ang Iyong mga landas ay pumapatak ng kata-
    baan.”3Awit 65:9-11.
    MP 75.2

    Ang materyal na sanlibutan ay nasa ilalim ng pagpupuno ng Diyos. Ang mga batas ng kalikasan ay tinatalima ng kalikasan. Lahat ng bagay ay nagsasalita at gumaganap ng kalooban ng Lumikha. Ang alapaap at sikat ng araw, ang hamog at ulan, ang hangin at bagyo, lahat ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyos, at ganap na tumatalima sa Kanyang utos. Bilang pagtalima sa batas o kautusan ng Diyos kung kaya ang usbong ng pananim ay sumusulpot sa lupa, “una-una'y usbong, saka uhay, pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay.”1Mar. 4:28. Ito'y pinatutubo ng Panginoon sa kani-kanilang naaangkop na panahon sapagka't hindi nila nilalabanan ang Kanyang paggawa. At maaari kaya na ang taong ginawa ayon sa larawan ng Diyos, na pinagkalooban ng katalinuhan at kapangyarihan ng pagsasalita, ay siya lamang di-magpapahalaga sa Kanyang mga kaloob at susuway sa Kanyang kalooban? Ang mga may-talino ba lamang na mga kinapal ang magiging sanhi ng kaguluhan sa ating sanlibutan?MP 76.1

    Sa lahat ng bagay na nakahilig sa ikatataguyod ng tao ay namamalas ang pagtutulungan sa paggawa ng Diyos at ng tao. Hindi magkakaroon ng pag-aani malibang gampanan ng kamay ng tao ang bahagi nito sa paghahasik ng binhi. Subali't kung wala ang mga kapangyarihang ipinagkakaloob ng Diyos na nagbibigay ng sikat ng araw at ambon, ng hamog at mga alapaap, ay hindi magkakaroon ng bunga. Ganito rin sa bawa't hanapbuhay o pangangalakal, sa bawa't kagawaran ng pagaaral at siyensiya. Ganito rin sa mga bagay na ukol sa espiritu, sa paghubog ng likas o karakter, at sa bawa't hanay ng gawaing Kristiyano. Mayroon tayong bahaging dapat gampanan, subali't dapat ding mapasaatin ang pakikipagtulungan ng kapangyarihan ng Diyos, sapagka't kung hindi ay mawawalang-saysay ang ating mga pagsisikap o mga paggawa.MP 76.2

    Kailanma't may anumang nagagampanan ang tao, ito man ay sa mga hanay na ukol sa espiritu o ukol sa lupang ito, ay dapat niyang isaisip na nagagawa niya ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Lumikha sa kanya. Malaki ang pangangailangan natin na madama ang ating pagsandig o pagdepende sa Diyos. Totoong malaki ang pananalig na iniuukol sa tao, totoong malaki ang pagtitiwala sa mga imbensiyon ng tao. Totoo namang kakaunti ang pananalig sa kapangyarihang handang ibigay ng Diyos. “Tayo ay mga kamanggagawa ng Diyos.”11 Cor. 3:9. Di-masukat ang kahinaan ng nagagawa ng tao; subali't kung siya'y nakakawing sa pagka-Diyos ni Kristo, ay magagawa niya ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng kalakasang ipinagkakaloob ni Kristo.MP 76.3

    Ang unti-unting pagtubo at paglaki ng halamang buhat sa binhi ay isang pakay-na-aral sa pagtuturo sa bata. Naroon ang “una-una'y usbong, saka uhay, pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay.” Siya na nagbigay ng talinhagang ito ay siyang lumikha sa maliit na binhi, pinagkalooban iyon ng mga kaangkinang pambuhay, at itinakda ang mga batas o mga kautusang nangangasiwa sa pagtubo niyon. At ang mga katotohanang itinuturo ng talinhaga ay ginawang isang buhay na katotohanan sa Kanyang sariling buhay. Sa Kanyang pampisikal at pangespirituwal na likas ay sinunod Niya ang utos ng Diyos na paglaki na inilalarawan ng halaman, gaya ng nais Niyang gawin ng lahat na mga kabataan. Bagama't Siya ang Kamahal-mahalan ng sangkalangitan, ang Hari ng kaluwalhatian, ay Siya'y naging isang sanggol sa Bethlehem, at sa loob ng isang panahon ay kumatawan sa walang-kayang sanggol na nasa pangangalaga ng ina nito. Sa panahon ng Kanyang pagiging-bata ay ginawa Niya ang mga gawain ng isang masunuring anak. Siya'y nagsalita at gumawa na may karunungan ng isang bata, at hindi ng isang lalaki, na pinararangalan ang Kanyang mga magulang, at tinutupad ang mga ninanais ng mga ito sa mga paraang nakatutulong, na ayon sa kakayahan ng isang bata. Datapwa't sa bawa't yugto ng Kanyang paglaki ay sakdal Siya, na taglay ang payak at katutubong kagandahan ng isang buhay na walang-kasalanan Tungkol sa Kanyang pagkabata ay ganito ang sinasabi ng banal na tala, “Lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan; at sumasa Kanya ang biyaya ng Diyos.” At tungkol sa Kanyang pagiging-kabataan ay ito ang nakatala, “Lumaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay-lugod sa Diyos at sa mga tao.”1Lu. 2:40, 52.MP 77.1

    Ang gawain ng mga magulang at mga guro ay imi numungkahi rito. Dapat nilang maging layunin na lina ngin ang mga hilig ng mga kabataan upang sa bawa't yugto ng kanilang buhay ay mailarawan nila ang likas na kagandahang naaangkop sa panahong yaon, na katutubong namumukadkad, gaya ng mga halaman sa hardin.MP 78.1

    Ang lalong kaakit-akit ay ang mga batang likas at di-naiimpluwensiyahan. Hindi mainam na sila'y pag-ukulan ng tanging pansin, at ulit-ulitin sa harap nila ang kanilang mga sinasabing may-katalinuhan. Ang kapalaluan ay hindi dapat na ipamulat sa pamamagitan ng pagpuri sa kanilang mga anyo, sa kanilang mga salita, o sa kanilang mga kilos. Ni hindi sila dapat papagdamitin ng mga mamahalin o kaya'y sa paraang mapagparangya. Ito'y nag-uudyok sa kanila na magpalalo, at gumigising ng kainggitan sa mga puso ng kanilang mga kasama.MP 78.2

    Ang maliliit na bata ay dapat turuan sa payak na paraang gaya ng bata. Dapat silang sanayin na masiyahan sa maliliit at nakatutulong na mga gawain at sa mga kinaluluguran at mga karanasang katutubo sa ka nilang mga gulang. Ang kamusmusan o panahon ng pag kabata ay katumbas ng usbong sa talinhaga, at ang us bong ay may kariktang tanging-tanging sarili nito. Ang mga bata ay hindi dapat piliting patandain agad sa kanilang murang gulang, kundi bagkus dapat panatilihin hangga't maaari ang kasariwaan at kariktan ng kanilang kamuraan.MP 78.3

    Ang maliliit na bata ay maaaring maging mga Kristiyano, na nagkakaroon ng isang karanasang kaayon ng kanilang mga gulang. Ito lamang ang inaasahan ng Diyos sa kanila. Dapat silang turuan sa mga bagay na ukol sa espiritu; at dapat silang bigyan ng mga magulang ng bawa't pakikinabangan, upang sila'y magkaroon ng mga likas na kawangis ng likas ni Kristo.MP 79.1

    Sa mga batas ng Diyos sa katalagahan, ang epekto ay sumusunod sa sanhi nang may di-nagkakamaling katiyakan. Ang pag-aani ay nagpapatotoo tungkol sa kung naging ano ang paghahasik. Ang tamad na manggagawa ay pinarurusahan ng kanyang gawa. Ang ani ay nagpapatotoo laban sa kanya. Ganyan din sa mga bagay na espirituwal: ang katapatan ng bawa't manggagawa ay nasusukat sa mga ibinubunga ng kanyang gawain. Ang likas ng kanyang paggawa, kung masipag o tamad, ay inihahayag ng inaani. Sa ganitong paraan pinapasiyahan ang kanyang kapalaran o kahahantungan sa walang-hanggan.MP 79.2

    Bawa't binhing inihahasik ay nagbubunga ng aning kauri nito. Ganyan din sa buhay ng tao. Kailangan nating lahat na maghasik ng mga binhi ng kahabagan, pakikiramay, at pag-ibig; sapagka't mag-aani tayo ng ating inihahasik. Bawa't likas ng pagkamakasarili, pag-ibig-sasarili, pagpapahalaga-sa-sarili, at bawa't gawa ng pagpapalayaw-sa-sarili, ay mag-aani ng ganito rin. Siya na nabubuhay sa sarili ay naghahasik sa laman, at sa laman siya'y mag-aani ng kasiraan.MP 79.3

    Ang Diyos ay walang ipinahahamak na tao. Ang bawa't isang napapahamak ay sarili niya ang nagpahamak. Ang bawa't isa na umiinis o sumisikil sa mga payo ng budhi ay naghahasik ng mga binhi ng di-paniniwala, at ang mga ito ay magbubunga isang tiyak na ani. Sa pamamagitan ng pagtanggi sa unang babalang mula sa Diyos, si Paraon ay naghasik ng mga binhi ng katigasanng-ulo, at siya'y nag-ani ng katigasan-ng-ulo. Hindi siya pinilit ng Diyos na huwag maniwala. Ang binhi ng dipaniniwala na kanyang inihasik, ay nagbunga ng aning kauri nito. Kaya nga ang kanyang paglaban ay nagpatuloy, hanggang sa mamasdan niya ang kanyang wasak na lupain, ang malamig na bangkay ng kanyang panganay, at ang mga panganay ng lahat na nasa kanyang bahay at ng lahat na pamilyang nasa kanyang kaharian, hanggang sa magtalikop ang mga tubig ng dagat sa kan-yang mga kabayo, sa kanyang mga karo at sa kanyang mga lalaking mandirigma. Ang kanyang kasaysayan ay isang nakatatakot na larawan ng katotohanan ng mga pangungusap na “ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.”1Gal. 6:7. Kung nadarama lamang ito ng mga tao, disin sana'y mag-iingat sila sa kung anong binhi ang kanilang inihahasik.MP 79.4

    Yayamang ang binhing inihahasik ay nagbubunga ng isang inaani, at ito ay inihahasik din, ang inaani ay dumarami. Sa ating pagkakaugnay sa iba, ang batas o kautusang ito ay tunay. Ang bawa't gawa, bawa't salita, ay isang binhing magbibigay ng bunga. Ang bawa't gawa ng maalalahaning kagandahang-loob, ng pagtalima, o ng pagtanggi-sa-sarili, ay uulitin o tutularan ng iba, at ng iba pa rin sa pamamagitan nila. Kaya nga ang bawa't gawang pagkainggit, masamang hangarin, o pakikipagtalo, ay isang binhing sisibol sa “ugat ng kapaitan,”2Heb. 12:15. na sa pamamagitan nito ay marami ang mahahawahan. At gaano nga higit na lalaki ang bilang ng “maraming” lason. Sa ganito nagpapatuloy sa kasalukuyan at sa walanghanggan ang paghahasik ng mabuti at masama.MP 80.1

    Ang kagandahang-loob o pagka-mapagbigay sa mga bagay na ukol sa espiritu at ukol sa buhay na ito ay itinuturo sa liksiyon ng paghahasik ng binhi. Ang wika ng Panginoon ay, “Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig.” “Sinasabi Ko, Ang naghaha- sik nang bahagya na ay mag-aani namang bahagya na; at ang naghahasik nang sagana ay mag-aani namang sagana.”1Is. 32:20; 2 Cor. 9:6. Ang paghahasik sa siping ng lahat na tubig ay nangangahulugang isang patuloy na pagbibigay ng mga kaloob ng Diyos. Ito'y nangangahulugang pagbibigay saanman hinihingi ng gawain ng Diyos o ng mga pangangailangan ng sangkatauhan ang ating tulong. Hindi ito hahantong sa karukhaan o pagdaralita. “Ang naghahasik nang sagana ay mag-aani namang sagana.” Pinararami ng manghahasik ang kanyang binhi sa pamamagitan ng paghahagis niyon. Ganyan din ito sa mga tapat sa pamamahagi ng mga kaloob ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbibigay ay pinararami nila ang kanilang mga pagpapala. Pinangakuan sila ng Diyos ng isang kasaganaan o kasapatan upang sila'y magpatuloy sa pagbibigay. “Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan.”2Lu. 6:38.MP 80.2

    At higit pa kaysa rito ang nakakubli sa paghahasik at sa pag-aani. Sa ating pamamahagi ng mga pagpapala ng Diyos na ukol sa lupang ito, ang katunayan ng ating pag-ibig at pakikiramay ay gumigising sa tumatanggap ng pagkilala-ng-utang-na-loob at ng pagpapasalamat sa Diyos. Ang lupa ng puso ay naihahanda sa pagtanggap ng mga binhi ng espirituwal na katotohanan. At Siya na nagkakaloob ng binhi sa manghahasik ay magpapatubo sa binhi at magpapabunga hanggang sa buhay na walanghanggan.MP 81.1

    Sa pamamagitan ng pagsasabog ng butil sa lupa, ay inilalarawan ni Kristo ang paghahain ng Kanyang sarili para sa ating katubusan. “Malibang ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay,” wika Niya, “ay natitira siyang nag-iisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga nang marami.”3Juan 12:24. Kaya ang kamatayan ni Kristo ay hahantong sa pagbubunga para sa kaharian ng Diyos. Ayon sa batas ng kahariang ukol sa mga pananim, ay buhay ang ibubunga ng Kanyang pagkamatay.MP 81.2

    At ang lahat ng nagnanais magbunga bilang mga manggagawang kasama ni Kristo, ay dapat munang mahulog sa lupa at mamatay. Ang buhay ay dapat ihagis sa bukid ng pangangailangan ng sanlibutan. Dapat mamatay ang pag-ibig-sa-sarili, ang pagmamalasakit-sa-sarili. Nguni't ang batas ng pagpapakasakit-sa-sarili ay siyang batas ng pagyayaman-sa-sarili. Ang binhing nalibing sa lupa ay nagbibigay ng bunga, at ang bungang ito ay itinatanim. Kaya nga ang ani ay dumarami. Iniingatan o pinagyayaman ng magsasaka ang kanyang butil sa pamamagitan ng pagsasabog nito. Kaya sa buhay ng tao, ang magbigay ay upang mabuhay. Ang buhay na maiingatan o mapagyayaman ay ang buhay na malayang ibinibigay sa paglilingkod sa Diyos at sa tao. Yaong mga naghahain ng kanilang buhay sa sanlibutang ito alang-alang kay Kristo, ay maiingatan ito hanggang sa buhay na walang-hanggan.MP 82.1

    Ang binhi ay namamatay upang sumibol sa panibagong buhay, at dito'y tinuturuan tayo ng liksiyon ng pagkabuhay na mag-uli. Lahat ng nagsisiibig sa Diyos ay mabubuhay na muli sa Edeng nasa itaas. Tungkol sa bangkay ng tao na inililibing upang mabulok sa libingan ay ganito ang sinasabi ng Diyos, “Itinatanim na maykasiraan; binubuhay na mag-uli na walang-kasiraan; itinatanim na may-pagkasiphayo; binubuhay na mag-uli na may-kaluwalhatian: itinatanim na may-kahinaan; binubuhay na mag-uli na may-kapangyarihan.”11 Cor. 15:42, 43.MP 82.2

    Ang mga ito ay ilan sa maraming mga liksiyong itinuturo ng buhay na talinhaga ng katalagahan tungkol sa manghahasik at sa binhi. Bilang mga magulang at mga guro ay sikapin ninyong ituro ang mga liksiyong ito, ang gawain ay dapat gawing praktikal. Bayaang ang mga bata na rin ang maghanda ng lupa at maghasik ng binhi. Sa kanilang paggawa, ay maipaliliwanag ng magulang o ng guro ang hardin ng puso na doo'y may napapahasik na mabuti o masamang binhi, at kung paanong ang hardin ay dapat ihanda para sa likas na binhi, gayundin dapat ihanda ang puso para sa binhi ng katotohanan. Habang ang binhi ay inihahasik sa lupa, ay makapagtuturo ito ng liksiyon tungkol sa kamatayan ni Kristo; at habang ang usbong ay sumisibol, maituturo nito ang liksiyon tungkol sa katotohanan ng pagkabuhay na maguli. Habang tumutubo at lumalaki ang mga pananim, ang pagtutugunan o pagkakatulad ng likas at ng espirituwal na paghahasik ay maaaring magpatuloy.MP 82.3

    Ang mga kabataan ay dapat turuan sa ganito ring paraan. Dapat silang turuang magbungkal ng lupa. Makabubuti kung may mga lupaing malilinang, na kaugnay ng bawa't paaralan. Ang mga ganitong lupain ay dapat ituring na sariling silid-paaralan ng Diyos. Ang mga bagay ng katalagahan o kalikasan ay dapat tingnan bilang isang aklat-aralin na dapat pag-aralan ng Kanyang mga anak, at mula roo'y maaari silang makapagtamo ng kaalaman tungkol sa ikalilinang ng kaluluwa.MP 83.1

    Sa pagbubungkal ng lupa, sa paglalawag at paglilinang ng lupain, ay may mga liksiyong maaaring patuloy na matutuhan. Walang mag-iisip na manirahan sa isang piraso ng lupa, na iyon ay aasahan kaagad na magbibigay ng isang aanihin. Kasigasigan, kasipagan, at matiyagang paggawa ang dapat na iukol sa pagbubungkal ng lupang inihahanda sa paghahasik ng binhi. Ganyan din sa espirituwal na paggawa sa puso ng tao. Yaong mga nagnanais na makinabang sa pagbubungkal ng lupa ay dapat humayong taglay ang salita ng Diyos sa kanilang mga puso. Kanila kung gayong masusumpungan ang napabayaang lupa ng puso na nabungkal sa pamamagitan ng nagpapalambot at nagpapasukong impluwensiya ng Banal na Espiritu. Malibang bigyan ang lupa ng puspusang paggawa, ito'y hindi magbibigay ng ani. Ganyan din sa lupa ng puso: dapat gumawa rito ang Espiritu ng Diyos, upang ito'y pakinisin at disiplinahin, bago ito makapagbigay ng bunga sa kaluwalhatian ng Diyos.MP 83.2

    Ang lupa ay hindi magbibigay ng mga kasaganaan nito kapag binungkal sa pamamagitan ng biglang udyok ng damdamin. Ito'y nangangailangan ng masusing pagaasikaso araw-araw. Dapat itong araruhing madalas at malalim, taglay ang pagnanasang maalis ang mga damong kumukuha ng pagkain sa mabubuting binhing itinanim. Sa ganitong paraan naghahanda sa pag-aani ang mga nag-aararo at naghahasik. Hindi kailangan ng sinuman na tumayo sa bukid sa gitna ng malungkot na pagkawasak ng kanilang mga pag-asa.MP 84.1

    Ang pagpapala ng Panginoon ay mabababaw sa mga gumagawa nang ganito sa lupain, na natututo ng mga espirituwal na liksiyon mula sa katalagahan. Sa paglilinang ng lupa ay kakaunti ang nalalaman ng nagpapagal kung anong mga kayamanan ang mabubuksan sa harapan niya. Bagama't hindi niya dapat hamakin ang turo o tagubiling maaaring matipon niya buhat sa mga isipan ng mga nagkaroon na ng karanasan, at buhat sa impormasyong maaaring ipagkaloob ng matatalinong tao, siya na rin ay dapat magtipon ng mga liksiyon para sa kanyang sarili. Ito ay isang bahagi ng kanyang pagsasany o pag-aaral. Ang paglilinang ng lupa ay magpapatunay na isang pagpapanuto sa kaluluwa.MP 84.2

    Siya na nagpapasibol sa binhi, na nangangalaga rito araw at gabi, na nagbibigay rito ng kapangyarihan upang tumubo at lumaki, ay siyang Awtor o Gumawa ng ating pagkatao, ang Hari ng kalangitan, at Siya'y nagsasagawa pa rin ng higit na malaking pag-iingat at pagmamalasakit sa kapakanan ng Kanyang mga anak. Samantalang itinatanim ng taong manghahasik ang binhi upang sustinihan ang ating buhay sa lupa, itatanim naman ng Diyos na Manghahasik sa kaluluwa ang binhing magbubunga hanggang sa buhay na walang-katapusan.MP 84.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents