Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Masayang Pamumuhay

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "undefined".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapitulo 10—Mga Makasalanan sa Iglesya

    TULAD din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, at nakahuli ng sari-saring isda; na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapwa't itinapon ang masasama. Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng sanlibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, at sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.”MP 117.1

    Ang paghuhulog ng lambat ay ang pangangaral ng ebanghelyo. Nakahuhuli ito sa loob ng iglesya ng mabubuti at masasama kapwa. Kapag natapos na ang gawain ng ebanghelyo, ang Paghuhukom naman ang gaganap ng gawain ng paghihiwalay. Nakita ni Kristo kung paanong ang pagkakaroon ng mga di-tunay na kapatid sa iglesya ay magiging sanhi upang ang daan ng katotohanan ay pagsalitaan ng masama. Lalaitin ng sanlibutan ang ebanghelyo dahil sa di-tapat na mga kabuhayan ng mga bulaang nagpapanggap. Maging mga Kristiyano ay matitisod pagkakita nila na ang maraming nagtataglay ng pangalan ni Kristo ay hindi supil ng Kanyang Espiritu. Sapagka't ang mga makasalanang ito ay nasa iglesya, ang mga tao'y mapapasapanganib na mag-akala na pinagpaumanhinan ng Diyos ang mga kasalanan ng mag ito. Dahil dito kung kaya itinataas ni Kristo ang tabing sa hinaharap, at inaatasan ang lahat na tingnan na hindi katayuan o tungkulin, kundi karakter o likas, ang nagpapasiya sa kapalaran o kahihinatnan ng tao.MP 117.2

    Ang talinhaga ng mga pansirang-damo at ng lambat ay kapwa maliwanag na nagtuturo na ang lahat ng masasama ay wala nang panahon sa panunumbalik sa Diyos. Ang trigo at ang mga pansirang-damo ay nagsitubong magkasama hanggang sa panahon ng pag-aani. Ang mabubuti at masasamang isda ay sama-samang hinila sa pampang para paghiwa-hiwalayin sa wakas.MP 118.1

    Muli, ang mga talinhagang ito ay nagtuturo na hindi na magkakaroon ng palugit na panahon pagkatapos ng Paghuhukom. Kapag natapos na ang gawain ng ebanghelyo, karaka-rakang sumusunod ang paghihiwalay ng mabubuti at ng masasama, at ang kapalaran ng bawa't isang uri ay napagpasiyahan na magpakailanman.MP 118.2

    Hindi nais ng Diyos ang pagkapuksa ng sinuman. “Buhay Ako, sabi ng Panginoong Diyos, wala Akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kanyang lakad at mabuhay. Manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay?”1Ez. 33:11. Sa buong palugit na panahon ng pagsubok ay nakikiusap ang Kanyang Espiritu sa mga tao na kanilang tanggapin ang kaloob na buhay. Yaon lamang mga nagsisitanggi sa Kanyang pakikiusap ang pababayaang mapahamak. Sinabi ng Diyos na dapat lipulin ang kasalanan sapagka't isang masamang mangwawasak sa sansinukob. Ang mga nangungunyapit sa kasalanan ay mapapahamak sa pagpuksa rito.MP 118.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents