Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Masayang Pamumuhay

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapitulo 16—Nakilala ang Kanyang Sarili

    ANG mga talinhaga ng nawalang tupa, ng nawalang salapi, at ng alibughang anak ay naglalahad sa magkakaibang hanay ng mahabaging pag-ibig ng Diyos sa mga nangapapalayo sa Kanya. Bagama't sila'y nagsitalikod sa Diyos, ay hindi Niya sila pinababayaan sa kanilang kakulangang-palad. Siya'y lipos ng kagandahang-loob at magiliw na pagkahabag sa lahat ng mga nalalantad sa mga tukso ng matalinong kaaway.MP 202.1

    Sa talinhaga ng alibughang anak ay ipinakikilala ang pakikitungo ng Panginoon sa mga nakakilala minsan ng pag-ibig ng Ama, gayunma'y pinahintulutan ang manunukso na sila'y madalang bihag ng kalooban nito.MP 202.2

    “May isang tao na may dalawang anak na lalaki; at sinabi sa kanyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kanyang pagkabuhay. At hindi nakaraan ang maraming araw ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kanya, at naglakbay sa isang malayong lupain.”MP 202.3

    Ang anak na bunsong ito ay napagod na sa pagbabawal sa bahay ng kanyang ama. Ipinalagay niyang ang kanyang kalayaan ay hinihigpitan. Pinagkamalian niya ang pag-ibig at pag-iingat ng kanyang ama, at ipinasiya niyang sundin ang iniuudyok ng kanyang sariling hilig.MP 202.4

    Walang kinikilalang tungkulin sa kanyang ama ang kabataan, at walang ipinahahayag na pagkilala-ng-utangna-loob; gayunma'y inaangkin niya ang karapatan ng isang anak sa pakikibahagi sa mga tinatangkilik ng kanyang ama. Ang manang mapapaukol sa kanya sa pagkamatay ng kanyang ama ay nais niyang tanggapin na ngayon. Siya'y mahilig sa kasalukuyang mapagtatamasahan, at hindi nag-aalala ng ukol sa kinabukasan.MP 203.1

    Pagkatanggap ng kanyang mana, siya'y nagtungo sa “isang malayong lupain,” na malayo sa bahay ng kanyang ama. Sa pagkakaroon ng maraming salapi, at ng kalayaang gawin ang kanyang maibigan, nasabi niya sa kanyang sarili na nakamtan na niya ang nasa ng kanyang puso. Walang sinumang magsasabing, Huwag mong gagawin ito, sapagka't makasasama sa iyo; o kaya'y, Gawin mo ito, sapagka't ito ang tama. Tinulungan siya ng masasamang kasama na magpakabaon sa pagkakasala, at inaksaya niya ang kanyang “kabuhayan sa palunging pamumuhay.”MP 203.2

    Ang Banal na Kasulatan ay nagsasalaysay ng tungkol sa mga tao, na, “mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang;”1Rom. 1:22. at ito ang kasaysayan ng binata sa talinhaga. Ang kayamanang buong kasakiman niyang hiningi sa kanyang ama ay winaldas niya sa mga patutot. Ang kayamanan ng kanyang pagkalalaki ay inaksaya. Ang mahalagang taon ng buhay, ang lakas ng pag-iisip, ang maniningning na pangitain ng kabataan, ang mga hangaring espirituwal,—lahat ay nasupok sa mga apoy ng pita.MP 203.3

    Isang malaking kagutom ang bumangon, siya'y nagpasimulang mangailangan, at siya'y sumama sa isang mamamayan ng lupain, na nagsugo sa kanya sa parang upang magpakain ng mga baboy. Sa isang Hudyo ay ito ang pinakahamak at pinakaaba sa lahat ng mga trabaho. Ang kabataang nagyabang ng kanyang kalayaan, ngayo'y nasumpungan ang kanyang sarili na isang ali- pin. Siya'y naSa pinakamasamang uri ng pagkaalipin,— “natatalian ng mga panali ng kanyang kasalanan.”1Kaw. 5:22. Ang kinang at kislap na umakit sa kanya ay naparam, at nadama niya ang bigat ng kanyang tanikala. Sa kanyang pagkakaupo sa lupa, sa ilang at sinasalakay-ng-kagutom na lupaing yaon, na walang mga kasama kundi ang mga baboy, ay napipilitan siyang busugin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga ipang ipinakakain sa mga hayop. Sa mga masasayang kasama na nangakapalibot sa kanya noong kaarawan ng kanyang kasaganaan, at nangagsikain at nangagsiinom sa gugol niya, ay wala isa mang natira upang maging kaibigan niya. Nasaan ngayon ang kanyang magulong pagsasaya? Pinapayapa ang kanyang budhi, at pinamamanhid ang kanyang mga pandama, ipinalagay niyang siya'y maligaya; subali't ngayon, sa pagkakawaldas sa salapi, sa pagkakaroon ng kagutumang di-mabigyang-kasiyahan, sa pagkakabagsak ng kapalaluan, sa pagkakaunano ng kanyang kalikasang moral, sa pagkakaroon niya ng kaloobang mahina at di-mapagtitiwalaan, sa tila pagkamatay ng kanyang mabutibuting pakiramdam, ay siya ang pinakaaba o pinakakaawa-awang tao sa mga nilalang.MP 203.4

    Napakaaba ng pagkakalarawan dito ng kalagayan ng makasalanan! Bagama't napaliligiran ng mga pagpapala ng Kanyang pag-ibig, wala nang lubhang ninanais ang makasalanang mahilig sa pagpapairog-sa-sarili at sa makasalanang kalayawan, kundi ang mahiwalay sa Diyos. Katulad ng walang-turing na anak, inaangkin nito ang mabubuting bagay ng Diyos bilang kanya sa pamamagitan ng karapatan. Kinuha nito ang mga ito bilang isang bagay na dapat mangyari, at walang ibinalik na pagkilala-ng-utang-na-locb, walang ibinigay na paglilingkod ng pag-ibig. Kung paanong lumabas si Cain mula sa harapan ng Panginoon upang hanapin ang kanyang tahanan; kung paanong naglagalag ang alibugha sa “malayong lupain,” ay gayundin naghahanap ng kaligayahan ang mga makasalanan sa paglimot o sa di-pagkilala sa Diyos.1Rom. 1:28.MP 204.1

    Anuman ang maging anyo sa pangmalas, ang bawa't buhay na nakasentro sa sarili ay nasasayang. Sinumang nagtatangkang mabuhay nang hiwalay sa Diyos, ay nagaaksaya ng kanyang kabuhayan. Kanyang sinasayang ang mahahalagang taon, sinasayang ang mga kapangyarihan upag-iisip at ng puso at ng kaluluwa, at gumagawa pang gawing walang-wala o dukhang-dukha ang kanyang sarili sa walang-hanggan. Ang taong humihiwalay sa Diyos upang mapaglingkuran niya ang kanyang sarili, alipin ng kayamanan. Ang pag-iisip na nilikha ng Diyos para sa pagiging-kasama ng mga anghel, ay nagiging mababa o hamak sa paglilingkod sa bagay na makalupa at makahayop. Ito ang kinahihiligang hantungan ng nagli' ngkod-sa-sarili.MP 205.1

    Kung napili ninyo ang ganitong buhay, alam ninyo na gumugugol kayo ng salapi sa bagay na hindi tinapay, at nagpapagal sa bagay na hindi nakapagbibigay ng kasiyahan. Dumarating sa inyo ang mga oras na nadarama ninyo ang inyong pagiging-hamak. Nag-iisa sa malayong lupain, nararamdaman ninyo ang inyong paghihirap, at sa kawalang-pag-asa ay kayo'y napapasigaw, Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?”2Rom. 7:24. Ang pangungusap na may katotohanang pansansinukob ang nakalaman sa mga salita ng propeta, “Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kanyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon. Sapagka't siya'y magiging gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita kapag ang mabuti ay dumarating; kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, lupaing maalat at hindi tinatahanan.”3Jer. 17:5, 6. “Pinasisikat” ng Diyos “ang Kanyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap;”4Mat. 5:45. subali't ang mga tao'y may kapangyari- hang ialis ang kanilang mga sarili sa sikat ng araw at sa ulan. Kaya habang ang Araw ng Katwiran ay sumisikat, at ang mga ambon ng biyaya ay malayang pumapatak sa lahat, ay maaari pa rin tayong “tumahan sa mga tuyong dako sa ilang,” sa pamamagitan ng paghiwalay natin sa Diyos.MP 205.2

    Ang pag-ibig ng Diyos ay nananatili pa ring nananabik sa isa na pinili ang paghiwalay sa Kanya, at Siya'y gumagawa ng mga impluwensiya upang ito ay madalang pabalik sa bahay ng Ama. Ang alibughang anak sa abang kalagayan nito ay “nakapag-isip.” Ang mapanlinlang na kapangyarihang ginamit ni Satanas sa kanya ay nasira. Nakita niyang ang kanyang paghihirap ay bunga ng kanyang sariling kabaliwan, at kanyang sinabi, “Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom! Magtitindig ako at paroroon sa aking ama.” Sa kanyang kaabaan at paghihirap, ang alibugha ay nakasumpong ng pag-asa sa paniniwala sa pag-ibig ng kanyang ama. Ang pag-ibig na yaon ang humihila sa kanya patungong tahanan. Kaya ang katiyakan sa pag-ibig ng Diyos ang pumipilit sa makasalanan na manumbalik sa Diyos. “Ang kabutihan ng Diyos ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi.”1Rom. 2:4. Isang ginintuang tanikala, ang habag at pakikiramay ng banal na pag-ibig, ay inililibot sa bawa't napapasapanganib na kaluluwa. Sinasabi ng Panginoon, “Inibig kita ng walang-hanggang pag-ibig; kaya't Ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.”2Jer. 31:3.MP 206.1

    Ipinasiya ng anak na ipahayag ang kanyang pagkakasala. Siya'y magtutungo sa kanyang ama, na nagsasabi, “Nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin, at hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.” Nguni't idinugtong niya, na ipinakikilala kung gaano kaliit ang kanyang pagkakilala sa pag-ibig ng kanyang ama, “Gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan.”MP 206.2

    Tinalikuran ng binata ang mga kawan ng mga baboy at ang mga ipa, at iniharap ang kanyang mukha patungong tahanan. Nanginginig sa panghihina, at nanlalata sa gutom, nagsikap siyang makapagpatuloy na may kasabikan sa kanyang paglakad. Wala siyang anumang maipantakip upang itago ang kanyang gulanit na kasuutan; gayunma'y dinaig na ng kanyang paghihirap ang kapalaluan, at siya'y nagmamadali upang maipamanhik na siya'y gawing alipin sa lugar na doon siya naging bata minsan.MP 207.1

    Nang siya'y lumabas sa tarangkahan ng kanyang ama, bahagya ma'y di napangarap ng masaya't walangbahalang kabataan ang kirot at pananabik na naiwan sa puso ng ama. Nang siya'y makipagsayawan at makipagpigingan sa kanyang magugulong kasama, bahagya ma'y di sumagi sa kanyang isipan ang lambong ng kalungkutang lumukob sa kanilang tahanan. At ngayon habang siya'y nananalunton sa daang pauwi sa kanilang tahanan na taglay ang namamagal at nangingirot na mga paghakbang, wala siyang malay na may isang nagbabantay sa kanyang pagbabalik. Datapwa't samantalang siya'y “nasa malayo pa,” nakilala na ng ama ang kanyang anyo. Ang pag-ibig ay madaling makakita. Maging ang mga taon ng pagkakabaon sa pagkakasala ay hindi makapagtatago sa anak sa mga mata ng ama. Ito'y “nagdalang-habag, at tumakbo, at niyakap siya sa leeg” sa matagal, mahigpit, at mapagmahal na yakap.MP 207.2

    Hindi ipahihintulot ng ama na dustain ng nanghahamak na paningin ang paghihirap at ang kagulanitan ng kanyang anak. Kinuha niya mula sa kanyang sariling balikat ang malapad at mamahaling balabal, at iyon ay ibinalot sa lupaypay na katawan ng anak, at umiiyak na ibinulalas ng binata ang pagsisisi nito, na sinasabi, “Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin, at hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.” Mahigpit itong inakbayan ng ama, at iniuwi ng tahanan. Walang pagkakataong ibinigay dito upang mahiling nito ang lugar ng isang alipin. Siya ay isang anak, na pararangalan ng pinakamabuting maipagkakaloob ng tahanan, at igagalang at paglilingkuran ng mga naghihintay na mga lalaki at mga babae.MP 207.3

    Ang ama ay nagwika sa kanyang mga alipin, “Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kanya; at lagyan ninyo ng sinsing ang kanyang kamay, at mga panyapak ang kanyang mga paa; at kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin; at tayo'y magsikain at mangagkatuwa; sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang ma-ngagkatuwa.”MP 208.1

    Noong panahon ng kanyang di-makaling kabataan ay itinuring ng alibugha na ang kanyang ama ay mahigpit at mabagsik. Kakaibang-kakaiba ang kanyang pagkakilala dito ngayon! Kaya ang tingin sa Diyos ng mga nadaraya ni Satanas ay mahigpit din at mabagsik. Itinuturing nila Siya na nagmamasid o nagbabantay upang mamuna at humatol, na di-handang tanggapin ang makasalanan habang may legal na kadahilanan sa di pagtulong dito. Ang Kanyang kautusan ay itinuturing nilang isang paghihigpit sa kaligayahan ng mga tao, isang mabigat na pamatok na kinagagalakan nilang takasan. Nguni't siya na ang mga mata'y pinadilat ng pag-ibig ni Kristo ay mamasdan ang Diyos bilang puspos ng kahabagan. Ang Kanyang anyo ay hindi gaya ng isang malupit, walang-hunusdiling kinapal, kundi gaya ng isang ama na nananabik na yakapin ang kanyang nagsisising anak. Ang makasalanan ay bubulalas na kasama ng mang-aawit, “Kung paanong ang ama ay naaawa sa kanyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa Kanya.”1Awit 103:13.MP 208.2

    Sa talinhaga ay walang pang-uuyam, walang paghahagis o pagsasaboy sa alibugha ng masama niyang tunguhin. Nadama ng anak na ang nakaraan ay pinatawad at kinalimutan, pinawi na magpakailanman. At kaya nga sinasabi ng Diyos sa makasalanan, “Aking pinawi na parang masinsing ulap, ang iyong mga pagsalansang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan.”1Is. 44:22. “Aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi Ko na aalalahanin.”2Jer. 31:34. “Lisanin ng masama ang kanyang lakad, at ng liko ang kanyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan Niya siya; at sa aming Diyos, sapagka't Siya'y magpapatawad nang sagana.” “Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang kasamaan ng Israel ay mauusig, at hindi magkakaroon ng anuman; at ang mga kasalanan ng Juda, at hindi sila masusumpungan.”3Is. 55:7; Jer. 50:20.MP 209.1

    Tiyak na tiyak dito, ang pagiging-handa ng Diyos na tanggapin ang nagsisising makasalanan! Nakapili na ba kayo, kavong bumabasa, ng sarili ninyong daan? Nakalayo na ba kayo sa Diyos? Nakapagsikap na ba kayong magpiging sa mga bunga ng pagsalansang, upang masumpungan lamang ang mga ito na nagiging abo sa inyong mga labi? At ngayon, na naubos ang inyong kabuhayan, nabigo ang inyong mga panukala sa buhay, at namatay ang inyong mga pag-asa, kayo ba'y nauupong nagiisa at nalulumbay? Ngayon ang tinig na yaong matagal nang nagsasalita sa inyong puso, nguni't ayaw ninyong pakinggan, ay dumarating sa inyo nang tiyak at malinaw. “Kayo'y magsibangon. at magsiyaon; sapagka't hindi ito ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol, samakatwid baga'y sa mahigpit na paggiba.”4Mi. 2:10. Kayo'y magbalik sa bahay ng inyong Ama. Kanyang inaanyayahan kayo, na nagsasabi, “Manumbalik ka sa Akin; sapagka't tinubos kita.”5Is. 44:22.MP 209.2

    Huwag kayong makikinig sa mungkahi ng kaaway na manatiling malayo kay Kristo hanggang sa mapabuti ninyo ang inyong sarili; hanggang sa kayo'y maging sapat nang mabuti na lumapit sa Diyos. Kung kayo'y maghihintay hanggang sa panahong iyon, kayo'y hindi na kailanman makalalapit. Kapag itinuturo ni Satanas ang inyong maruruming kasuutan, ay inyong ulitin ang pangako ni Jesus na, “Ang lumalapit sa Akin sa anumang paraan ay hindi Ko itataboy.”1Juan 6:37. Sabihin ninyo sa kaaway na lumilinis sa lahat ng kasalanan ang dugo ni Jesukristo. Gawin ninyong sarili ninyong panalangin ang panalangin ni David, “Linisin Mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis; Hugasan Mo ako, at ako'y magiging lalong maputi kaysa niyebe.”2Awit 51:7.MP 210.1

    Kayo'y magtindig at pumunta sa inyong Ama. Malayo pa kayo'y sasalubungin na Niya kayo. Kung kayo'y gagawa ng kahit isang hakbang na patungo sa Kanya na may pagsisisi, Siya'y magmamadali upang iyakap sa inyo ang Kanyang mga bisig ng walang-hanggang pag-ibig. Bukas ang Kanyang pakinig sa daing ng nagsisising kaluluwa. Ang pinakaunang-unang hibik ng puso sa Diyos ay batid Niya. Kailanma'y di naipaiilanlang ang isang dalangin, sa pautal-utal man, kailanma'y di dumadaloy ang isang luha, sa lihim man, kailanma'y di naisasapuso ang isang tapat na pagnanasa sa Diyos, bahagyang-bahagya man, gayunma'y humahayo na ang Espiritu ng Diyos upang ito ay katagpuin. Bago pa man mabigkas ang panalangin, o maipabatid ang nais ng puso, ay humahayo na ang biyayang mula kay Kristo upang katagpuin ang biyayang gumagawa sa kaluluwa ng tao.MP 210.2

    Aalisin sa inyo ng inyong Amang nasa Langit ang mga damit na dinumhan ng kasalanan. Sa magandang matalinhagang hula ni Zakarias, ang dakilang saserdoteng si Josue, nakatayong nararamtan ng maruruming damit sa harapan ng anghel ng Panginoon, ay kumaka- tawan sa makasalanan. At ang salita ay binigkas ng Panginoon, “Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kanya. At sa kanya'y Kanyang sinabi, Narito, Aking pinaram ang iyong kasamaan, at Aking susuutan ka ng mainam na kasuutan. . . . Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kanyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan.”1Zac. 3:4, 5. Gayundin kayo bibihisan ng Diyos ng “mga damit ng kaligtasan,” at tatakpan kayo ng “balabal ng katwiran.” “Bagaman kayo'y nahiga sa gitna ng mga palayok, gayunman kayo'y magiging parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak, at ang kanyang balahibo ng gintong madilaw.”2Is. 61:10; Awit 68:13.MP 210.3

    Kanyang dadalhin kayo sa Kanyang bahay na may pigingan, at ang Kanyang watawat sa inyo ay magiging pag-ibig.3A. ng A. 2:4. “Kung ikaw ay lalakad sa Aking mga daan,” wika Niya, “bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap,“4Zac. 3:7.—maging sa gitna ng mga banal na anghel na nakapalibot sa Kanyang trono.MP 211.1

    “Kung paanong ang kasintahang-lalaki ay nagagalak sa kasintahang-babae, gayon magagalak ang Diyos sa iyo.” “(Siya'y) magliligtas, Siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; Siya'y magpapahinga sa Kanyang pag-ibig; Siya'y magagalak sa iyo na may pag-awit.”5Is. 62:5; Zef. 3:17. At ang langit at lupa ay makikiisa sa awit ng kagalakan ng Ama: “Sapagka't patay na ang Anak Kong ito, at muling nabuhay; Siya'y nawala, at nasumpungan.”MP 211.2

    Hanggang sa bahaging yaon sa talinhaga ng Tagapagligtas ay walang sirang nota na makasisira sa pagkakatugma ng tanawin ng katuwaan; nguni't ngayo'y may ipinakikilala o inihaharap si Kristo na isa pang elemento. Nang umuwi sa tahanan ang alibugha, ang panganay na anak ay “nasa bukid; at nang siya'y dumating at malapit sa bahay, ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan. At pinalapit niya sa kanya ang isa sa mga alipin, at itinanong kung ano kaya ang mga bagay na yaon. At sinabi niya sa kanya, Dumating ang kapatid mo; at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya, dahil siya'y tinanggap niya na ligtas at magaling. Datapwa't nagalit siya, at ayaw pumasok.” Ang panganay na kapatid na ito ay hindi nakibahagi sa pag-aalaala at pagbabantay ng kanyang ama sa isang yaon na nawala. Kaya nga hinidi siya nakikibahagi sa kagalakan ng ama sa pagbabalik ng naglagalag. Ang ingay ng pagkakatuwaan ay hindi nagdulot ng kagalakan sa kanyang puso. Tinanong niya ang isang alipin sa kadahilanan ng pagpipiging, at ang sagot ay kumilos ng kanyang paninibugho. Ayaw niyang pumasok upang batiin at tanggapin ang kanyang nawalang kapatid. Ang pagtinging ipinakita sa alibugha ay itinuring niyang isang pag-alipusta o pagduhagi sa kanyang sarili.MP 211.3

    Nang lumabas ang ama upang mamanhik sa kanya, ang kataasan at ang kasamaan ng kanyang likas ay nahayag. Ginugol niya ang kanyang sariling buhay sa bahay ng kanyang ama sa walang-lagot na paglilingkod na walang-kabayaran, at pagkatapos ay naglagay siya ng imbing paghahambing sa pagtinging ipinakita sa anak na kababalik lamang. Niliwanag niya na ang sarili niyang paglilingkod ay naging sa isang alipin sa halip na sa isang anak. Nang dapat sana'y makatagpo siya ng namamalaging kagalakan sa harapan ng kanyang ama, ang kanyang isip ay napatuon sa pakinabang na dapat maangkin ng kanyang maingat na buhay. Ipinakikilala ng kanyang mga salita na dahil sa bagay na ito tinalikuran niya't itinakwil ang mga kaligayahan sa pagkakasala. Ngayon kung ang kapatid na ito ay makikibahagi sa mga biyaya ng ama, itinuturing ng panganay na anak na ang sarili niya ay nagagawan ng kamalian. Isinasama niya ng loob sa kanyang kapatid ang pagtinging ipinakita rito. Maliwanag niyang ipinakikilala na kung siya ang nasa kalagayan o katayuan ng ama, ay hindi niya tatanggapin ang alibugha. Ni hindi nga niya ito ki- nikilala na isang kapatid, kundi buong kalamigan niyang tinatawag ito na “anak mo.”MP 212.1

    Gayunma'y magiliw siyang pinakitunguhan ng ama. “Anak,” wika nito, “ikaw ay palaging nasa akin, at iyo ang lahat ng akin.” Sa buong mga taong ito ng buhay na itinapon ng iyong kapatid, hindi ba napasaiyo ang karapatan ng pagiging-kasama ko?MP 213.1

    Lahat ng bagay na makatutulong sa ikaliligaya ng kanyang mga anak ay kanilang-kanila. Hindi kailangan ng anak na tanungin ang tungkol sa biyaya o gantimpala. “Iyo ang lahat ng akin.” Kailangan mo lamang sampalatayanan ang aking pag-ibig, at kunin ang biyaya o kaloob na walang-bayad na ibinibigay.MP 213.2

    Isang anak ang sa loob ng isang panahon ay humiwalay sa sambahayan, na hindi nauunawaan ang pagibig ng ama. Datapwa't ngayon ay siya'y nagbalik, at ang bugso ng kagalakan ay pumawi ng bawa't nakaliligalig na isipan. “Patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan.”MP 213.3

    Naipakita ba sa panganay na kapatid ang kanyang sariling hamak, walang-turing na diwa? Nakilala ba niya na bagaman gumawa ng masama ang kanyang kapatid, ay siya'y kapatid pa rin nito? Nagsisi ba ang panganay na kapatid sa kanyang paninibugho o pagkainggit at katigasan-ng-puso? Tungkol dito, ay walang sinasabi si Kristo. Sapagka't ang talinhaga ay nananatili pa ring ginagampanan o itinatanghal, at ipinauubaya na sa Kanyang mga tagapakinig ang pagpapasiya sa dapat na maging bunga.MP 213.4

    Kinatawanan ng panganay na anak ang di-nagsisising mga Hudyo noong kaarawan ni Kristo, at gayundin ang mga Pariseo sa bawa't panahon, na tumitinging may paghamak sa mga itinuturing nilang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sa dahilang sila'y hindi nagpakalabis sa bisyo, ay napuno sila ng pagaaring-matwidsa-sarili. Hinarap ni Kristo ang mga mapagtutol na ito sa kanilang sariling batayan. Gaya ng panganay na anak sa talinhaga, nagtamasa sila ng mga tanging karapatang mula sa Diyos. Inangkin nilang sila ay mga anak sa bahay ng Diyos, nguni't may diwa sila ng nagpapaupa. Sila'y nagsisigawa, hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa pag-asa sa gantimpala. Sa kanilang paningin, ang Diyos ay isang mahigpit na tagapagpatrabaho. Nakita nila si Kristo na inaanyayahan ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan upang tanggapin nang walang-bayad ang kaloob ng Kanyang biyaya,—ang kaloob na inasahan ng mga rabi na matatamo lamang sa pamamagitan ng paggawa at pagpapakasakit,—at sila'y nangatisod. Ang pagbabalik ng alibugha, na lumipos sa puso ng Ama ng kagalakan, ay pumukaw lamang sa kanila ng paninibugho o pagkainggit.MP 213.5

    Sa talinhaga ang pamanhik ng ama sa panganay na anak ay siyang magiliw na pakiusap ng Langit sa mga Pariseo. “Iyo ang lahat ng akin,“—hindi bilang kaupahan, kundi bilang isang kaloob. Gaya ng alibugha, matatanggap lamang ninyo ito bilang di-karapat-dapat na pagkakaloob ng pag-ibig ng Ama.MP 214.1

    Ang pag-aaring-matwid-sa-sarili ay hindi lamang inaakay ang mga tao na maling-ipakilala ang Diyos, kundi ginagawa rin silang walang-pag-ibig at mapagpuna sa kanilang mga kapatid. Ang panganay na anak, sa kanyang pagkamakasarili at paninibugho, ay naging handa na matyagan ang kanyang kapatid, na punahin ang bawa't kilos o gawa, at isumbong ito sa pinakamaliit na pagkukulang. Nakikita niya ang bawa't pagkakamali, at pinalalaki ang bawa't maling kilos o gawa. Sa ganitong paraan niya sinikap na ariing-matwid ang kanyang sariling diwang di-mapagpatawad. Marami sa ngayon ang nagsisigawa ng gayunding bagay. Samantalang gumagawa ang kaluluwa ng kauna-unahang mga pakikipagpunyagi nito laban sa baha ng mga tukso, sila'y nangakatayong nanonood, matitigas-ang-ulo, matitigas-ang-kalo- oban, nagrereklamo, nagbibintang. Maaari nilang angkinin na sila'y mga anak ng Diyos, subali't sila'y nagsisikilos o nagsisigawa nang ayon sa espiritu ni Satanas. Sa gayon nilang ginagawi sa kanilang mga kapatid, inilalagay ng mga tagapagsumbong o mga mambibintang na ito ang kanilang mga sarili sa kalagayang doo'y hindi maibibigay ng Diyos sa kanila ang liwanag ng Kanyang mukha.MP 214.2

    Marami ang patuloy na nagtatanong, “Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Diyos? Paroroon baga ako sa harap Niya na may mga handog na susunugin, na may mga guyang isang taon ang gulang? Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libu-libong tupa, o ang mga sampu-sampung libong ilog na langis?” Datapwa't “Kanyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Diyos.”1Mi. 6:6-8.MP 215.1

    Ito ang paglilingkod na pinili ng Diyos,—”na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan, at papaging-layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang, . . . at huwag kang magkubli sa iyong kapwa-tao.”2Is. 58:6, 7. Kapag nakikita ninyo ang inyong mga sarili na mga makasalanang iniligtas lamang ng pag-ibig ng inyong Amang nasa Langit, ay magkakaroon kayo ng magiliw na pagkaawa sa mga ibang nangagdurusa sa kasalanan. Ang kahirapan at pagsisisi ay hindi na ninyo sasalubungin ng paninibugho at pamumuna. Kapag ang yelo ng pagkamakasarili ay natutunaw sa inyong mga puso, kayo'y magiging karamay ng Diyos, at makikibahagi sa Kanyang kagalakan sa pagliligtas ng nawawala.MP 215.2

    Tunay na inaangkin ninyong kayo'y isang anak ng Diyos; subali't kung tunay ang pag-aangking ito, “patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan.” Siya'y nakatali sa inyo sa pamamagitan ng pinakamahihigpit na mga tali; sapagka't kinikilala siya ng Diyos bilang isang anak. Itakwil ninyo ang inyong pagkakaugnay sa kanya, at ipinakikilala ninyo na kayo'y isa lamang upahan sa sambahayan, hindi isang anak sa pamilya ng Diyos.MP 215.3

    Kahit na hindi kayo makisama sa pagbati sa nawala, ang pagkakatuwaan ay magpapatuloy, ang isang naibalik ay magkakaroon ng kanyang lugar sa piling ng Ama at sa gawain ng Ama. Ang pinatawad nang malaki, ay siya ring umiibig nang malaki. Nguni't kayo'y mapapasakadiliman sa labas. Sapagka't “ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos; sapagka't ang Diyos ay pag-ibig.”11 Juan 4:8.MP 216.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents