Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "undefined".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi Ako Maglalagay ng Anumang Masamang Bagay sa Harapan ng Aking mga Mata, 23 Marso

    Hindi ko ilalagay sa harapan ng aking mga mata ang anumang hamak na bagay. Kinapopootan ko ang gawa ng mga tumatalikod; hindi ito kakapit sa akin. Awrr 101:3BN 86.1

    Lahat ay nararapat magbantay sa mga pandama; baka magkaroon ng tagumpay Si Satanas sa kanila sapagkat ito ang mga lagusan sa kaluluwa.BN 86.2

    Iwasang bumasa at tumingin sa mga bagay na manghihikayat sa mga kaisipang marumi. Linangin mo ang mga kapangyarihang moral at intelektuwal.BN 86.3

    Kasama ang teatro sa mga mapanganib na pinaglalagian ng kasiyahan. Irnbes na maging paaralan ng moralidad at ng kabutihang asal, na gaya ng madalas na inaangkin, ito'y lugar ng imoralidad. Ang mga masasamang bisyo at makasalanang hilig ay pinalalakas at kinikilala ng mga libangang ito. Ang awiting mabababa, bastos na kilos, salita, at kaisipan ay sumisira sa imahinasyon at nagpapababa sa moralidad. Masisira ang prinsipyo ng bawat kabataang palaging dumadalo sa mga ganitong palabas. Walang impluwensya sa ating lupaing may higit na kapangyarihan upang lasunin ang mga pag-iisip, wasakin angmga kaisipang relihiyoso, at papurulin ang damdamin para sa mga mapayapang kasiyahan at seryosong reyalidad ng buhay kaysa sa mga kaaliwan sa teatro.BN 86.4

    Ang pagmamahal sa mga tagpong ito ay lumalakas sa bawat pagbibigay hilig, na gaya ng pagnanasa para sa nakalalasing na inumin ay lumalakas sa pag-inom nito. Ang natatanging ligtas na daan ay ang pag-iwas sa teatro, sa sirko, at sa bawat lugar ng kaaliwan.BN 86.5

    May mga paraan ng paglilibang na nakabubuti sa isip at pangangatawan. Ang pag-iisip na naliwanagan at kumikilala sa kaibahan ng mabuti at masama ay makahahanap ng maraming mga paraan ng kaaliwan mula sa mga pinagmumulan na hindi lamang walang sala kundi nakapagtuturo.... Ang dakilang Diyos na ang kaluwalhatian ay nagliliwanag mula sa kalangitan at ang Kanyang banal na kamay ay umaalalay sa milyong sanlibutan ay Siyang ating Ama. Kailangan lamang nating mahalin Siya, magtiwala sa Kanya gaya ng maliliit na bata sa pananampalataya at pagtitiwala, at Siya'y tatanggap sa atin bilang Kanyang mga anak na lalaki at babae, at tayo'y magiging tagapagmana sa lahat ng mga hindi maipaliwanag na kaluwalhatian ng walang-hanggang sanlibutan.BN 86.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents