Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Aking Buhay Ngayon

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ako'y Aawit sa Panginoon, 28 Marso

    Ang naghahandog ng alay ng pasasalamat ay nagpaparangal sa akin; sa kanya na nag-aayos ng kanyang lakad ang pagliligtas ng Diyos ay ipapakita ko rin! Awit 50:23BN 91.1

    Lumapit ka kay Jesus kung sino ka man, makasalanan, mahina at nangangailangan, at bibigyan ka Niya ng tubig ng buhay. Nais mo nang isang pananampalatayang umaabot sa kabila ng malaimpyernong aninong inihasik ni Satanas sa iyong daan. Siya ay abalang gumagawa ng mga bagong kaaliwan at usong gaganyak sa mga isipan ng mga taong anupa't hindi na magkakaroon ng oras para sa pagninilay-nilay. Turuan ang inyong mga anak na luwalhatiin ang Diyos at huwag paluguran ang kanilang mga sarili. Sila ay mga anak Niya—pag-aari Niya sa pamamagitan ng paglalang at ng pagtubos. Turuan silang umiwas sa mga kaaliwan at kahangalan ng masamang kapanahunang ito. Panatilihin mong malinis at dalisay ang kanilang mga kaisipan sa paningin ng Diyos. . .Purihin mo ang Diyos. Ang inyong pag-uusap, ang inyong musika, ang inyong mga awitin ay dapat na pumuri sa Kanyang gumawa ng napakaraming bagay para sa atin. Purihin mo.dito ang Diyos, at ikaw ay mahahandang sumama sa koro sa kalangitan kapag ikaw ay pumasok sa lunsod ng Diyos. Doon ay maaari ninyong ilagak ang inyong nagniningning na mga korona sa paanan ni Jesus, kunin ang inyong ginintuang alpa, at punuin ang buong kalangitan ng awitan. Pupurihin natin Siyang may walangkamatayang wika.BN 91.2

    Habang pinangurigunahan tayo ng ating Manunubos sa pintuan ng Walang Katapusan na taglay ang kaluwalhatian ng Diyos, maaari tayong makasunod sa mga tema ng papuri at pagpapasalamat na nagmumula sa makalangit na korong nakapalibot sa trono; at habang ang alingawngaw ng awitng mga anghel ay nagigising sa ating mga tahanan sa lupa, ang mga puso ay mahihila papalapit sa mga makalangit na mang-aawit. Ang pakikisama ng langit ay nagsisimula sa lupa. Matututuhan natin ang saligan ng papuri nito.BN 91.3

    Purihin ang Panginoon; mangusap ka tungkol sa Kanyang kabutihan; bigkasin mo ang Kanyang kapangyarihan. Patamisin mo ang hanging bumabalot sa iyong kaluluwa.... Papurihan Siyang may puso, kaluluwa at tinig, Siyang kalusugan ng iyong mukha, ang iyong Tagapagligtas, at iyong Diyos.BN 91.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents