Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Inihahayag Niya ang Kanyang Pag-ibig sa Atin, 12 Enero

    Dito nahayag ang pag-ibig ng Diyos sa atin, sapagkat sinugo ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan Niya. 1 Juan 4:9.LBD 16.1

    Paglalahad ng walang-hanggang pag-ibig ang bawat paghahayag ng kapangyarihang lumalalang. Kinapapalooban ang paghahari ng Diyos ng pagpapala sa lahat ng nilalang. Sinasabi ng Mang-aawit:LBD 16.2

    “Ikaw ay makapangyarihang bisig; malakas ang Iyong kamay, mataas ang Iyong kanang kamay.LBD 16.3

    Ang katuwiran at katarungan ang mga saligan ng Iyong trono,
    Ang tapat na pag-ibig at katapatan ay nagpapauna sa Iyo.
    Mapalad ang bayan na nakaaalam ng masayang sigaw,
    Na nagsisilakad sa liwanag ng Iyong mukha, O Panginoon;
    Na nagagalak sa Iyong liwanag sa buong araw;
    At itinaas sa pamamagitan ng Iyong katuwiran.
    Sapagkat Ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang lakas. . . .”
    LBD 16.4

    Awit 89:13-18.

    Ang kasaysayan ng dakilang tunggalian sa pagitan ng mabuti at masama, mula pa noong magsimula ito sa kalangitan hanggang sa huling pagkagapi ng pag-aaklas at lubos na pagbura sa kasalanan, ay paghahayag din ng hindi nagbabagong pag-ibig ng Diyos. . . . Dahil saligan ng pamahalaan ng Diyos ang batas ng pag-ibig, nakasalalay ang kasiyahan ng lahat ng mga nilalang na nagtataglay ng katalinuhan sa kanilang lubos na pakikiisa sa mga dakilang prinsipyo ng katuwiran. Ninanais ng Diyos mula sa lahat ng Kanyang nilalang ang paglilingkod ng pag-ibig—paglilingkod na nagmumula sa pagkilala sa Kanyang karakter. Hindi Siya natutuwa sa sapilitang pagsunod. . . . Habang kumikilala ang lahat ng nilalang sa katapatan ng pag-ibig, nanatili ang lubos na pagkakasundo sa buong sansinukob ng Diyos. Kasiyahan ng mga hukbo sa kalangitan ang tumupad sa layunin ng kanilang Manlalalang. Nagagalak silang magliwanag sa Kanyang kaluwalhatian at maghayag ng Kanyang papuri. At habang naghahari ang pag-ibig sa Diyos, may pagtitiwala at hindi makasarili ang pag-ibig sa isa’t isa. Walang himig ng alitan ang makasisira sa mga makalangit na armonya.— Patriarchs and Prophets, pp. 33-35. LBD 16.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents