Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Palagi Silang Umaakyat at Bumababa sa Hagdan ng Langit, 31 Enero

    Siya ay nanaginip na may isang hagdan na nakalagay sa lupa, na ang dulo ay umaabot sa langit, at ang mga anghel ng Diyos ay nagmamanhik-manaog doon. Genesis 28:12.LBD 35.1

    Sa maliit na sanlibutang ito, nagpapakita ng napakalaking pagmamalasakit ang makalangit na sansinukob. . . . Ngunit nakikipagrelasyon tayo sa pinagkakaabalahan ng mga tao sa ating mga lunsod, nakikisama tayo sa karamihan sa mga magugulong mga lagusan, pumapasok tayo sa mga pamilihan at lumalakad sa mga kalsada; at sa lahat mula sa umaga hanggang sa gabi, kumikilos ang mga tao na para bang ang negosyo, palakasan, at kasiyahan ang tanging mayroon sa buhay—na para bang ang mundong ito ang tanging dapat na pagkaabalahan ng pag-iisip. Napakakakaunti ng nag-iisip tungkol sa mga kalakasang hindi nakikita!LBD 35.2

    Labis na nagmamalasakit ang buong kalangitan sa mga taong punung-puno ng pagkilos, ngunit hindi iniisip ang tungkol sa mga hindi nakikita. . . . Hinahawi kung minsan ng mga makalangit na nilalang ang lambong na tumatakip sa sanlibutang hindi nakikita, upang maalis ang ating mga isip mula sa pagmamadali at kaabalahan, at isiping mayroong mga saksi sa lahat ng ating mga ginagawa at sinasabi, kapag abala tayo sa ating mga negosyo, o kapag iniisip nating nag-iisa tayo. . . .LBD 35.3

    Mga anghel na naglilingkod ang mga makalangit na nilalang na ito, at madalas silang nagbabalatkayo sa anyo ng mga tao, at bilang taga-ibang lupang nakikipag-usap sa kanila na gumagawa sa gawain ng Diyos. Sa mga malulumbay na dako, naging mga kasama sila ng mga manlalakbay sa panganib. Sila ay bumigkas sa mga barkong nasa gitna ng bagyo ng mga salitang nag-aalis ng takot at nagbibigay pag-asa sa oras ng panganib. Marami ang nasa ibang kalagayan na nakapakinig sa mga tinig ng naninirahan sa ibang sanlibutan. Maraming beses na naging mga tagapanguna sila ng hukbo. Isinugo sila para pawiin ang mga salot. Kumain sila sa mga abang hapag ng sambahayan, at nagpakita madalas bilang mga napapagal na manlalakbay na nangangailangan ng matutuluyan sa gabi. . . .LBD 35.4

    Nakikipagtulungan ang mga makalangit na anghel sa atin sa bawat mabu ting gawa, at sa ganitong paraan nauugnay ang sanlibutan sa kalangitan.— The Review and Herald, November 22, 1898. LBD 35.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents