Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Dapat Tayong Umibig sa Panginoon Nang Buong Puso,14 Pebrero

    At sinabi sa kanya, Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo. Mateo 22:37.LBD 49.1

    Siyang nagtataglay ng pag-ibig ng Diyos na dumadaloy sa kanyang puso, ay magpapakita ng kadalisayan at pag-ibig na umiiral kay Jehovah, at isinakatawanan ni Cristo sa ating sanlibutan. Walang pagkamuhi sa batas ng Diyos ang taong nagtataglay ng pag-ibig ng Diyos sa kanyang puso, kundi nagbibigay ng handang pagsunod sa lahat ng Kanyang mga utos, at ito ang kumakatawan sa Cristianismo. Maghahayag ng pag-ibig sa kanyang kapwa siyang may pinakamataas na pag-ibig sa Diyos, na pag-aari ng Diyos sa pamamagitan ng paglalang at pagtubos. Ang pag-ibig ang siyang pagganap sa kautusan; at tungkulin ng bawat anak ng Diyos ang sumunod sa Kanyang mga utos. . . .LBD 49.2

    Ang kautusan ng Diyos, na sakdal na kabanalan, ay siya ring natatanging totoong batayan ng karakter. Nahayag ang pag-ibig sa pagsunod, at pinalalayas ng ganap na pag-ibig ang lahat ng takot. Silang umiibig sa Diyos, ay nagtataglay ng tatak ng Diyos sa kanilang mga noo, at gumagawa ng mga gawain ng Diyos. Matutuhan sana ng lahat nang umaangkin sa pagiging Cristiano kung ano ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos sa praktikal na pamamaraan. . .LBD 49.3

    . Magkakaroon sila ng pagkaunawa ng walang-hanggang kabanalan ng Diyos, na nalalamang mataas Siya, at nagpupuno sa templo ang laylayan ng Kanyang luwalhati. Magkakaroon sila ng makapangyarihang impluwensya sa buhay at karakter ng lahat ng nasa paligid nila, na gagawang gaya ng lebadura sa gitna ng karamihan ng katauhan, na nagbabago sa iba sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesu-Cristo. Nakaugnay sa Pinagmumulan ng kapangyarihan, hindi sila mawawalan ng kanilang nagbibigay-buhay na impluwensya, kundi lalong lalawig sa kapangyarihan.— The Youth’s Instructor, July 26, 1894. LBD 49.4

    Ang pag-ibig sa Diyos ay dapat maging nabubuhay na prinsipyo na nasa likod ng bawat pagkilos at salita at kaisipan. Kung nagsisikap tayo sa kalakasan ni Cristo na mapanatili ang ganitong pagtatalaga, makikipagniig tayo sa Diyos sa bawat araw. . . . Mananatili sa puso ang mga prinsipyo ng kautusan ng Diyos, at mangunguna sa pagkilos. Magiging natural kung magkagayon para sa atin ang hanapin ang kadalisayan at kabanalan, ang iwasan ang espiritu at halimbawa ng sanlibutan, at magsikap na gawan ng kabutihan ang lahat na nasa paligid natin, na gaya sa pagsunod ng mga anghel ng kaluwalhatian sa misyon ng pag-ibig na naiatas sa kanila.— The Review and Herald, October 23, 1888. LBD 49.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents