Ang kabuhayan ng Tagapagligtas, noong siya’y narito sa ibabaw ng lupa ay hindi isang pagpapaginhawa at pagmamahal sa sarili, kundi Siya’y gumagawang may kasipagan at katapatan sa ikaliligtas ng nawaglit na mga tao. Mula roon sa sabsaban ng hayop hanggang sa Kalbariyo ay tinunton Niya ang landas ng pagkakait sa sarili, at hindi Niya sinikap na makawala sa mabigat na gawain, mahihirap na paglalakbay, at nakapanghihinang pag-aalaala at paggawa. Ang wika Niya: “Ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kanyang buhay sa pagtubos sa marami.” Mateo 20:28. Ito ang namumukod na dakilang layunin ng Kanyang buhay. Ang iba pa ay pangalawa na lamang at sumasa ilalim nito. Ang Kanyang pagkain at inumin ay ang gawin ang kalooban ng Diyos at tapusin ang Kanyang gawain. Ang sarili at ang kapakanan ng sarili ay walang bahagi sa kanyang paggawa. PK 107.3