Kaya't iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, at pumipisan sa kanyang asawa: at sila'y nagiging isang laman. Genesis 2:24. PnL
Mayroong sagradong kapisanan sa bawat pamilya na dapat mapanatili. Walang sinumang iba ang may karapatan sa sagradong kapisanang iyon. Ang magasawa ay dapat na siyang lahat sa isa’t-isa. Ang asawang babae ay dapat na walang lihim na itinatago mula sa kanyang asawa na ipinaaalam sa iba, at ang asawang lalaki ay dapat walang lihim na itinatago mula sa kanyang asawa para ihayag sa iba. Ang puso ng kanyang asawang babae ay dapat maging libingan para sa mga pagkakamali ng asawang lalaki, at ang puso ng asawang babae ang libingan para sa mga pagkakamali ng kanyang asawang lalaki. Hindi kailanman dapat sa alinmang partido na pagbigyan ang isang biro na magiging dahilan para makasakit sa damdamin ng iba. Kailanman ay hindi dapat ang asawang lalaki o babae sa katuwaan o sa anumang iba pang mga paraan magpahayag ng reklamo tungkol sa isa’t-isa sa iba, dahil sa madalas na labis na kahangalan at mukhang lubos na di-nakapipinsalang pagbibiro ay maaaring humantong sa pagsubok sa isa’t-isa o sa paghihiwalay. Ipinakita sa akin na dapat mayroong isang sagradong kalasag sa paligid ng bawat pamilya. PnL
Ang palibot ng tahanan ay dapat isaalang-alang bilang isang sagradong lugar, isang simbolo ng langit, isang salamin kung saan natin titingnan ang ating sarili. Mga kaibigan at mga kakilala ay maaaring mayroon tayo, ngunit hindi sila dapat makialam sa buhay ng tahanan. Ang malakas na kahulugan ng pagmamay-ari ay dapat madama, na nagbibigay ng pakiramdam ng kaalwanan, kapahingahan, tiwala. PnL
Hayaan na ang mga bumubuo ng pamilya ay manalanging pakabanalin ng Diyos ang kanilang mga dila, ang kanilang tainga, kanilang mga mata, at bawat miyembro ng kanilang katawan. Kapag dinala sa pagharap sa masama, hindi kinakailangan mapagtagumpayan ng kasamaan. Ginawang posible ni Cristo na masamyuan nang mabuti ang karakter. . . . PnL
Gaano karami ang naglalagay ng kahihiyan kay Cristo at may maling pagpapakilala ng Kanyang karakter sa loob ng mga pamilya! Ilan ang hindi nagpapakita ng pasensya, pagtitiis, pagpapatawad, at totoong pag-ibig! Maraming may gusto at hindi gusto na may kalayaan ang pakiramdam upang ipakita ang kanilang sariling mga baluktot na disposisyon sa halip na upang ipakita ang kalooban, ang gawa, at ang katangian ni Cristo. Ang buhay ni Jesus ay puno ng kabaitan at pag-ibig. Lumalago ba tayo sa Kanyang banal na likas? PnL
Hayaan ang mga ama at mga ina na gumawa ng isang taos-pusong pangako sa Diyos, na Siyang kanilang inaangking minamahal at sinusunod, upang sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay hindi sila magtatalo sa isa’t-isa, sa halip, sa kanilang sariling buhay at kalooban ay magpapakita ng espiritu na nais nilang taglayin ng kanilang mga anak.— The Adventist Home, pp. 177, 178. PnL