Sa Iyong presensya ay puspos ng kagalakan. Awit 16:11. PnL
Hayaan ang bawat isa na magbigay ng pag-ibig sa halip na humingi nito. Linangin ninyo sa inyong mga sarili kung ano ang marangal, at maging mabilis sa pagkilala ng magagandang katangian sa bawat isa. Ang kamalayan sa pagkilala ay isang kamangha-manghang pampasigla at kasiyahan. Ang simpatya at paggalang ay humihikayat ng nagsusumikap para sa kahusayan, at ang pagmamahal mismo ay nadaragdagan dahil nagpapasigla ito ng mas marangal na layunin. PnL
Ni ang asawang lalaki o ang asawang babae ay hindi dapat ihalo ang kanilang pagkatao sa isa. Bawat isa ay may personal na ugnayan sa Diyos. Dapat itanong ng bawat isa sa Kanya, “Ano ang tama?” “Ano ang mali?” “Paano ko matutupad nang pinakamahusay ang layunin ng buhay?” Hayaang dumaloy ang kayamanan ng iyong pagmamahal tungo sa Kanya na nagbigay ng Kanyang buhay para sa iyo. Si Cristo ay gawing una, at huli at ang pinakamabuti sa lahat. Habang lalong lumalalim at mas tumatatag ang iyong pagibig sa Kanya, madadalisay at mapalalakas ang iyong pag-ibig sa kapwa. . . . PnL
Ni ang asawang lalaki o ang asawang babae ay hindi dapat magtangkang gamitin sa iba ang isang di-makatarungang kontrol. Huwag subukang pilitin ang bawat isa na magpasakop sa iyong kagustuhan. Hindi mo ito magagawa at napananatili ang pagmamahal sa isa’t-isa. Maging mabait, mapagpasensya, at mapagpatawad, maalalahanin, at magalang. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, maaari kang magtagumpay sa pagpapasaya sa isa’t-isa, gaya nang nasa ipinangako mong gawin sa sumpaan sa inyong kasal. PnL
Ngunit tandaang hindi masusumpungan ang kaligayahan sa pagsasara ng iyong mga sarili sa inyong dalawa lamang, masiyahang ibuhos ang lahat ng iyong pagmamahal sa isa’t isa. Kunin ang bawat pagkakataon para sa pag-ambag sa kaligayahan ng mga nasa paligid ninyo. Alalahaning matatagpuan lang ang tunay na kaligayahan sa dimakasariling paglilingkod. PnL
Pagtitiyaga at pagiging di-makasarili ang nagmamarka sa mga salita at gawa ng lahat na nabubuhay ng bagong buhay kay Cristo. Habang pinagsisikapan ninyong ipamuhay si Cristo, na nagsusumikap magtagumpay sa sarili at sa pagiging makasarili at upang maglingkod sa mga pangangailangan ng iba, magtatagumpay kayo pagkatapos ng isang tagumpay. Sa gayon mapagpapala ng iyong impluwensya ang sanlibutan. PnL
Maaaring maabot ng mga lalaki at babae ang mithiin ng Diyos para sa kanila kung si Cristo ang hihingan nila ng tulong. Ang hindi kayang gawin ng karunungan ng tao, ay gagawin ng Kanyang biyaya para sa mga nagbibigay ng kanilang sarili sa Kanya sa pagmamahal na nagtitiwala. Sa Kanyang tulong ay maaaring pag-isahin ang mga puso sa isang pagbubuklod na mula sa langit. Ang pag-ibig ay hindi lang pagpapalitan ng magaganda at matatamis na mga salita. . . . Ang puso ay maitatali sa puso sa ginintuang mga tali ng isang nananatiling pagmamahal.— The Ministry Of Healing, pp. 361, 362. PnL