Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin. Mateo 5:6. PnL
Nangangailangan tayo ng higit pang nagliliwanag na mga magulang at nagliliwanag na mga Cristiano. Masyado tayong nakulong sa mga sarili natin. Napakadalas na ang mabuti, nakapagpapalakas-loob na mga salita, masisiglang ngiti, ay napagkakait sa ating mga anak at sa mga naaapi at napanghihinaan ng loob. PnL
Mga magulang, sa inyo nakasalalay ang responsibilidad ng pagiging tagapagdala ng liwanag at tagapagbigay-liwanag. Magliwanag bilang mga ilawan sa tahanan, na nagpapaningning sa landas na dapat tahakin ng inyong mga anak. Habang ginagawa ninyo ito, magliliwanag ang inyong ilawan sa mga wala nito. PnL
Dapat magliwanag sa bawat Cristianong tahanan ang isang banal na liwanag. Ang pag-ibig ay dapat makita sa gawa. Dapat itong dumaloy sa lahat ng mga ugnayan sa tahanan, na ipinapakita ang sarili nito sa maalalahaning kabutihan, sa maamo, at di-makasariling paggalang. May mga tahanan kung saan natutupad ang ganitong prinsipyo—mga tahanan kung saan nasasamba ang Diyos at nangingibabaw ang tunay na pag-ibig. Ang mga panalangin sa umaga at gabi na nagmumula sa mga tahanang ito’y umaakyat sa Diyos bilang masamyong insenso, at ang Kanyang kaawaan at pagpapala ay bumababa sa mga himihiling na gaya ng hamog sa umaga. PnL
Ang unang gawain ng mga Cristiano ay magkaisa sa loob ng pamilya. Pagkatapos ang gawain ay dapat mapalawig sa kanilang mga kapitbahay malapit man o malayo. Silang mga nakatanggap ng liwanag ay dapat magliwanag na may malilinaw na sinag. Ang kanilang mga salita, na napapabanguhan ng pag-ibig ni Cristo, ay dapat maging samyo mula sa buhay tungo sa buhay. PnL
Kapag mas matibay ang pagkakaisa ng mga miyembro ng isang pamilya sa kanilang mga gawain sa tahanan, mas nakapagpapataas at nakatutulong ang maipapakitang impluwensya ng mga magulang at mga anak sa labas ng tahanan. PnL
Ang kaligayahan ng mga pamilya at mga iglesya ay nakasalalay sa mga impluwensya sa tahanan. Ang walang hanggang kabutihan ay nakadepende sa tamang pagganap ng mga tungkulin sa buhay na ito. Hindi masyadong nangangailangan ang mundo ng mga taong may dakilang pag-iisip na gaya sa mga kalalakihan at kababaihan na magiging pagpapala sa kanilang mga tahanan. PnL
Kapag naipapahayag ang relihiyon sa tahanan, mararamdaman ang impluwensya nito sa iglesya at sa kapitbahayan. . . . PnL
Ang katotohanang naipamuhay sa tahanan ay naipaparamdam ang sarili nito sa walang kulay na trabaho sa ibang lugar. Silang mga nagpapamuhay ng Cristianismo sa tahanan ay magiging maningning at maliwanag na ilaw saanman.— The Adventist Home, pp. 37-39 PnL