Maglakad na karapat-dapat sa Diyos na tumawag sa iyo sa Kanyang sariling kaharian at luwalhati. 1 Tesalonica 2:12. PnL
Ang pagpapanauli at pag-aangat ng sangkatauhan ay nagpapasimula sa tahanan. Sa gawain ng mga magulang ay nakasalalay ang iba pa. Ang lipunan ay binubuo ng mga pamilya, at ito ang ginagawa ng mga tagapanguna sa pamilya. Sa loob ng mga puso ay “ang bukal ng buhay” (Kawikaan 4:23); at ang puso ng pamayanan, at ng iglesya, at ng bansa ay ang tahanan. Ang kagalingan ng lipunan, tagumpay ng iglesya, ang kasaganaan ng bansa, ay nakasalalay sa impluwensya ng tahanan. PnL
Ang kahalagahan at mga pagkakataon ng buhay tahanan ay inilalarawan sa buhay ni Jesus. Siyang nagmula sa langit upang maging ating halimbawa at guro ay gumugol ng 30 taon bilang miyembro ng isang sambahayan sa Nazaret. Tungkol sa mga taon na ito, ang tala sa Biblia ay napakaikli. Walang makapangyarihang mga himala ang umaakit ng pansin ng karamihan. Walang maraming mga tao ang sabik sumunod sa Kanyang mga hakbang o makinig sa Kanyang mga salita. Ngunit sa lahat ng mga taon na ito ay tinutupad Niya ang Kanyang banal na misyon. Nabuhay Siya bilang isa sa atin, nakibahagi sa buhay ng tahanan, nagpapasakop sa disiplina nito, gumaganap ng mga tungkulin, nagbubuhat ng mga pasanin nito. Sa pangangalaga ng isang mapagpakumbabang tahanan, nakikilahok sa mga karanasan ng ating pangkaraniwang kapalaran, Siya’y “lumago sa karunungan at pisikal, at pabor sa Diyos at tao.” (Lucas 2:52.) PnL
Sa lahat ng mga nakatagong mga taon na ito, dumaloy ang Kanyang buhay sa mga alon ng pakikiramay at pagkamatulungin. Ang Kanyang pagiging di-makasarili at pagtitiis, ang Kanyang katapangan at katapatan, ang paglaban Niya sa tukso, ang Kanyang nananatiling kapayapaan at tahimik na pagkamasayahin, ay isang palagiang inspirasyon. Siya’y nagdala ng dalisay, maamong kapaligiran sa tahanan, at ang Kanyang buhay ay tulad ng lebadura na gumagawa sa gitna ng mga elemento ng lipunan. Walang nagsabi na Siya ang gumawa ng isang himala; gayunman ang katuwiran—ang nagpapagaling, nagbibigay-buhay na kapangyarihan ng pag-ibig—ay lumabas mula sa Kanya para sa tinukso, may sakit, at nasiraan ng loob. Sa isang di-nakagagambalang paraan, mula sa Kanyang pagkabata, Siya’y naglingkod sa iba, at dahil dito, nang simulan Niya ang Kanyang pampublikong ministeryo, marami ang masayang nakinig sa Kanya. PnL
Ang mga unang taon ng Tagapagligtas ay higit pa sa isang halimbawa sa mga kabataan. Ito’y isang aralin, at dapat na maging isang pampalakas-loob, sa bawat magulang. . . . Walang mas mahalagang larangan ng pagsisikap kaysa ibinigay sa mga tagapagtatag at tagapag-ingat ng tahanan. Walang gawaing ipinagkatiwala sa mga tao ang higit na malaki at may mas malawak na resulta kaysa gawain ng mga ama at ina. PnL
Sa pamamagitan ng kabataan at mga bata ng kasalukuyan malalaman ang kinabukasan ng lipunan, at sa kung ano magiging ang mga kabataan at batang ito ay nakasalalay sa mga tahanan.— Ministry Of Healing, pp. 349-351. PnL