Naaalala ko ang iyong tapat na pananampalataya, isang pananampalataya na unang nabuhay kay Loida na iyong lola at kay Eunice na iyong ina at ngayon, ako'y nakakatiyak, ay namamalagi sa iyo. 2 Timothy 1:5. PnL
Ang matapat na pagganap ng mga tungkulin sa tahanan ay may balikusang impluwensya sa mga tao. Ang espirituwal na pag-unlad at pagiging perpekto ng ating Cristianong katangian sa tahanan ay nadadala sa gawaing misyonero sa ibang bansa. Sa pagkakaroon ng buong sandata ng katuwiran, maaari tayong lumaban bilang mga tapat na sundalo ni Cristo. Sa bahay ng ama, dapat ibigay ang katibayan tungkol sa kahandaan para sa gawaing dapat lubos na ganapin ng iglesya. Sa taimtim, mapagpakumbabang puso dapat hangarin ng mga miyembro ng pamilya na kilalaning si Cristo ay nananatili sa puso. Pagkatapos sila’y maaari nang humayo suot ang buong baluti, na nasangkapan para sa paglilingkod ni Cristo. . . . PnL
Ang pagtanggi sa sarili na isinagawa sa tahanan ay inaangkop tayong gumawa para sa iba. Ang paglilinang ng ating mga abilidad na gawin ang kinakailangang gawin upang magawa sa tahanan kung ano ang nararapat dito—isang simbolo ng tahanan sa langit—ay naghahanda sa atin na gumawa sa isang mas malaking ubasan. Kinakailangan ng iglesya ang lahat ng nilinang espirituwal na puwersang maaaring makuha, lalo na upang bantayan ang kabataan, ang mga nakababatang miyembro ng pamilya ng Panginoon. Ang katotohanang naipamuhay sa tahanan ay nakapagpaparamdam sa disinteresadong paggawa sa ibang bansa. Ang mga nagpapakita ng isang Cristianong karakter sa tahanan ay magiging maliwanag at nagniningning na mga ilaw sa lahat ng dako. Ang edukasyong natanggap sa tahanan sa pagpapakita ng isang magiliw na pagmamalasakit sa bawat isa ay nagbibigaydaan sa atin upang malaman kung paano abutin ang mga pusong nangangailangang maturuan ng mga alituntunin ng totoong relihiyon. . . . PnL
Dapat gawin ang mga tungkulin sa bahay na may pagtatanto kung nagawa ang mga ito sa tamang espiritu, magbibigay ang mga ito ng isang karanasang magbibigaydaan sa atin upang gumawa sa mga espirituwal na hangganan sa pinakapermanente at masinsinang paraan. O, ano ang hindi magagawa ng isang buhay na Cristiano sa mga linya ng misyonero sa pamamagitan ng matapat na pagsasagawa ng pang-araw-araw na tungkulin, masayang itinataas ang krus, hindi pinapabayaan ang uri ng gawaing hindi kasang-ayon sa mga likas na damdamin. Ang mga misyonero para sa Guro ay pinakamahusay na nahahanda para sa gawain sa ibang bansa sa sambahayang Cristiano, kung saan kinatatakutan Diyos, kung saan minamahal ang Diyos, kung saan sinasamba ang Diyos, kung saan naging pangalawang kalikasan ang katapatan, kung saan hindi pinapayagan ang padaskul-daskol, walang bahalang pagpansin sa mga tungkulin sa tahanan, kung saan ang tahimik na pakikipag-ugnayan sa Diyos ay tiningnan bilang mahalaga sa matapat na pagganap ng pang-araw-araw na mga tungkulin.— Manuscript , p. 140, 1897. PnL