Huwag ninyong kalimutan ang magpatuloy ng mga dayuhan, sapagkat sa paggawa nito ang iba ay nakapagpatuloy na ng mga anghel nang hindi nila namamalayan. Hebreo 13:2. PnL
Maaari tayong magkaroon ng kaligtasan ng Diyos sa ating mga pamilya; ngunit dapat tayong maniwala para rito, mamuhay para rito, at magkaroon ng tuluytuloy, matatag na pananampalataya at tiwala sa Diyos. Ang pagpigil na ipinapataw sa atin ng Salita ng Diyos ay para sa ating sariling interes. Pinatataas nito ang kaligayahan ng ating mga pamilya, at ng lahat na nasa paligid natin. Pinipino nito ang ating panlasa, pinababanal ang ating panghuhusga, at nagdadala ng kapayapaan ng pag-iisip, at sa wakas, ng buhay na walang hanggan. Mananatili ang mga naglilingkod na anghel sa ating mga tirahan, at may kagalakang dala-dala palangit ang mga balita ng ating pagsulong sa buhay na banal, at gagawa ang nagtatalang anghel ng malugod at masayang tala. PnL
Ang Espiritu ni Cristo ay magiging nanatiling impluwensya sa buhay ng tahanan. Kung bubuksan ng mga kalalakihan at kababaihan ang kanilang mga puso sa makalangit na impluwensya ng katotohanan at pag-ibig, dadaloy muli ang mga alituntuning ito tulad ng mga ilog sa disyerto, na pinagiginhawa ang lahat at nagpapalabas ng kaginhawaan sa mga tigang at nagdarahop ngayon. PnL
Ang kapabayaan sa relihiyon sa tahanan, ang kapabayaang sanayin ang iyong mga anak, ang pinakahindi kasiya-siya sa Diyos. Kung ang isa sa iyong mga anak ay nasa ilog, nakikipaglaban sa mga alon at sa nalalapit na panganib ng pagkalunod, ano ngang kaguluhan ang mangyayari! Ano ngang mga pagsisikap ang gagawin, ano ngang mga panalangin ang ihahandog, ano ngang sigasig ang maipakikita, para mailigtas ang buhay ng tao! Ngunit narito ang iyong mga anak na wala kay Cristo, hindi ligtas ang kanilang mga kaluluwa. Marahil sila pa ay magaspang at walang galang, isang kasiraan sa pangalan ng Adventista. Namamatay sila nang walang pag-asa at walang Diyos sa mundo, at ikaw ay pabaya at walang pakialam. . . . PnL
Mga ama at ina, tipunin ang inyong mga anak sa inyong paligid tuwing umaga at gabi, at sa mapagpakumbabang paghingi ay itataas ang puso sa Diyos para sa tulong. Nakalantad sa tukso ang inyong mga mahal sa buhay. Dumadagsa ang mga pang-arawaraw na pagkayamot sa landas ng bata at matanda. Silang nagnanais na mamuhay na mapagpasensya, mapagmahal, may masayang buhay ay dapat manalangin. Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap ng patuloy na tulong mula sa Diyos natin makakamit ang tagumpay sa sarili. . . . PnL
Sa pamamagitan ng taos-puso, taimtim na panalangin dapat gumawa ang mga magulang ng isang bakod sa kanilang mga anak. Dapat silang manalangin na may buong pananampalataya na manatili ang Diyos sa kanila at bantayan ng mga banal na anghel sila at ang kanilang mga anak mula sa malupit na kapangyarihan ni Satanas.— Counsels For The Church, pp. 151, 152. PnL