Si Moises ay binalaan ng Diyos nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.” Hebreo 8:5. PnL
Ito lang ang santuwaryong umiral kailanman sa mundo na binigyang impormasyon ng Biblia. Ito’y idineklara ni Pablo bilang santuwaryo ng unang tipan. Ngunit nasaan ang santuwaryo ng bagong tipan? PnL
Sa pagbalik muli sa aklat ng Hebreo, napag-alaman ng mga nagsisiyasat ng katotohanan na ang santuwaryo ng ikalawa o bagong tipan ay ipinahiwatig na ni Pablo na nagsasabing: “Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Diyos, at ng kanyang santuwaryo, ang santuwaryo ng sanglibutang ito.” At ang paggamit ni Pablo ng salitang “din” ay nangangahulugang ang santuwaryong ito’y kanya ng nabanggit noon. Sa pagbasa ng simula ng sinundang kapitulo, mababasa: “Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: “Mayroon tayong gayong Pinakapunong Pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kamahalan sa kalangitan, isang Ministro sa santuwaryo at sa tunay na tabernakulo na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.” (Hebreo 8:1, 2.) PnL
Dito ay naisiwalat ang santuwaryo ng bagong tipan. Ang santuwaryo sa unang tipan ay itinayo ng tao, ni Moses; ngunit ito’y itinayo ng Panginoon, hindi ng tao. Sa santuwaryo sa lupa, ang saserdote ang siyang nagsasagawa ng paglilingkod; ngunit sa bagong santuwaryo na ito, si Cristo, ang ating Punong Saserdote, ang siyang naglilingkod na nasa kanang kamay ng Diyos. Ang isang santuwaryo ay sa lupa, at ang isa naman ay sa langit. PnL
Bukod dito, ang tabernakulong itinayo ni Moses ay naitatag ng may pinarisan. Siya’y inutusan ng Panginoon: “Ayon sa lahat ng Aking ipinakita sa iyo, sa anyong huwaran ng tabernakulo at sa anyong huwaran ng lahat ng kasangkapan niyon ay gayon ninyo gagawin.” At muli ang utos ay ibinigay, “At tiyakin mong gawin ang mga iyon ayon sa anyong huwaran ng mga iyon na ipinakita sa iyo sa bundok.” (Exodo 25:9, 40.) At si Pablo ay nagsasabing ang unang tabernakulo ay “isang talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain;” na ang mga banal na dako nito’y “mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan;” na ang hari na naghahain ng mga regalo ayon sa kautusan na naglingkod ” sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan,” at “Sapagka’t hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Diyos dahil sa atin.” (Hebreo 9:9, 23; 8:5; 9:24.)— The Great Controversy, pp. 412, 413. PnL