Pagkatapos magawa ang ganitong pagkahanda, ang mga pari ay patuloy na pumapasok sa unang tabernakulo upang gawin ang kanilang katungkulan sa paglilingkod. Hebreo 9:6. PnL
Ang mahahalagang katotohanan tungkol sa pagtubos ay itinuro sa sumasagisag na paglilingkod. Ang kahalili ay tinanggap na kapalit ng lugar ng makasalanan; ngunit ang kasalanan ay hindi naalis sa pamamagitan ng dugo ng biktima. Ang kaparaanan ay ibinigay na kung saan ito nailipat sa santuwaryo. Sa pamamagitan ng dugong inialay, kinilala ng mga makasalanan ang kapangyarihan ng kautusan, inamin ang kanilang mga pagkakasala at paglabag, at inihayag ang pagnanais na sila’y mapatawad sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Manunubos na darating; ngunit sila’y hindi pa lubusang nakalalaya sa hatol ng kautusan. Sa araw ng pagtubos, ang punong saserdote na kumuha ng alay mula sa kapulungan, ay pupunta sa kabanal-banalang dako kasama ang dugo ng alay na kinuha, at iwiwisik ito sa luklukan ng awa, sa mismong kautusan, upang mabigyang katuparan ang magiging hiling. Pagkatapos, sa katauhan ng tagapamagitan, kanyang pinasan ang mga kasalanan mula sa santuwaryo. At inilalagay ang kanyang kamay sa ulo ng kambing, kanyang ipinagtapat ang lahat ng kasalanan, sa gayo’y tila inililipat ang mga kasalanan mula sa kanya tungo sa kambing. Papasanin ng kambing ang kasalanan, ang mga kasalanan ay tuluyan ng mahihiwalay sa mga tao. PnL
Gayon ang ginawang paglilingkod “sa anyo at anino ng makalangit na santuwaryo.” At kung anong ginawa sa uri ng paglilingkod sa santuwaryo sa lupa ay siya ring ginagawang tunay sa paglilingkod sa makalangit na santuwaryo. Sa pag-akyat Niya sa langit ay siya ring pagsisimula ng ating Manunubos bilang Punong Saserdote. Ang sabi ni Pablo, “Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa santuwaryo na ginawa ng mga kamay ng tao na mga kahalintulad lamang ng mga tunay na bagay, kundi sa mismong langit, upang dumulog ngayon sa harapan ng Diyos para sa atin.” (Hebreo 9:24.) PnL
Ang paglilingkod ng pari sa unang silid ng santuwaryo sa buong taon, “sa loob ng tabing” na nagmistulang pinto at inihiwalay ang banal na dako mula sa bulwagan, ay kumakatawan sa gawain ng paglilingkod nang si Cristo ay umakyat. Tungkulin ng saserdote sa araw-araw na paglilingkod na ihayag sa Diyos ang dugong handog para sa kasalanan, pati ang insenso na pumapaitaas na may panalangin ng bayan ng Israel. Gayundin naman na si Cristo ay sinusumamo ang Kanyang dugo sa Ama para sa mga makasalanan, na inihahayag din sa Kanyang sarili, na may mabangong samyo na Kanyang sariling katuwiran, ang panalangin ng mga nagsisising mananampalataya. Oh ganito nga ang mga gawain ng paglilingkod sa unang silid sa makalangit na santuwaryo.— The Great Controversy , pp. 420, 421. PnL