Subalit sa ikalawa ay nag-iisang pumapasok ang pinakapunong pari, minsan sa isang taon, na may dalang dugo bilang handog niya para sa kanyang sarili at sa mga kasalanang nagawa nang di sinasadya ng taong-bayan. Hebreo 9:7. PnL
Sa loob ng 18 siglo ang gawaing ito ng paglilingkod ay nagpatuloy sa unang silid ng santuwaryo. Ang dugo ni Jesus, nagsumamo para sa mga nagsisising mananampalataya, sinigurado ang kanilang kapatawaran at maging ang pagtanggap ng Ama, gayunpaman ay nananatili pa rin sa aklat ng talaan ang kanilang mga kasalanan. Tulad sa sumasagisag na paglilingkod, may gawain ng pagtubos sa pagtatapos ng taon, kaya bago matapos ang gawain ni Cristo na pagtutubos ay mayroon pang gawaing pagtubos para sa pagtatanggal ng kasalanan sa santuwaryo. Ito ang serbisyong nagsimula noong matapos ang 2,300 araw. Nang mga panahong iyon, gaya ng sinabi ng propeta na si Daniel, ang ating Punong Saserdote ay papasok sa kabanal-banalang dako, upang isagawa ang huling bahagi ng Kanyang banal na gawain—ang linisin ang santuwaryo. PnL
Noon, ang mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pananampalataya ay inilalagay sa mga handog at naililipat sa dugo nito, sa anino, sa santuwaryo sa lupa, kung kaya sa bagong tipan ang kasalanan ng mga nagsisisi sa pamamagitan ng pananampalataya ay inilalagay at inililipat kay Cristo, sa katunayan, sa makalangit na santuwaryo. At sa tipikal na paglilinis sa santuwaryo sa lupa ay magagawa sa pagtanggal ng kasalanan na siyang nakadumi rito, gayundin naman ang aktuwal na paglilinis sa makalangit na santuwaryo ay magagawa sa pamamagitan ng pag-aalis o pagbubura ng mga kasalanang naitala. Ngunit bago ito maisakatuparan, kailangan munang masuri ang aklat ng talaan, upang matukoy kung sino, sa pamamagitan ng pagsisisi ng kasalanan at pananampalataya kay Cristo, ang nararapat na makinabang sa Kanyang pagtubos. Gayon nga’y ang paglilinis ng santuwaryo ay gumagamit ng pagsisiyasat—gawain ng paghatol. Ang gawaing ito’y kailangang maisagawa bago ang pagdating ni Cristo upang tubusin ang Kanyang bayan; sapagkat sa Kanyang pagdating, dala Niya ang Kanyang gantimpala, upang gantihan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa. (Apocalipsis 22:12.) PnL
Sa gayon, ang mga sumunod sa liwanag ng mga hula ay kanilang nakita, sa halip na Siya ay bumalik sa lupa sa pagtatapos ng 2,300 na araw noong 1844, Si Cristo ay pumasok sa kabanal-banalang dako upang isagawa ang nagtatapos na gawain bilang paghahanda sa Kanyang ikalawang pagdating. PnL
Nakita rin, na habang ang handog sa kasalanan ay tumuturo kay Cristo na isang sakripisyo, at ang punong saserdote na kumakatawan kay Cristo ay Tagapamagitan, ang buntunan ng sisi ay inilalarawan si Satanas, ang may-akda ng kasalanan, na kung saan ang mga kasalanan ng mga tunay na nagsisisi ay sa kanya maibibigay.— The Great Controversy, pp. 421, 422 PnL