At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diyablo at Satanas, at ginapos siya ng isang libong taon. Apocalipsis 20:2. PnL
Ang pagtatapon kay Satanas, at ang magulong kalagayan at kagibaang kauuwian ng lupa ay pawang ipinagpapauna ng tagapagpahayag at sinabi niyang ang kalagayang ito’y mamamalagi sa loob ng isang libong taon. Pagkatapos na maiharap ng hula ang mga panoorin ng ikalawang pagparito ng Panginoon at ang pagkapahamak ng mga makasalanan, ay nagpatuloy pa ng pagsasabing: “Nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kanyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang diyablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon, at siya’y ibinulid sa kalaliman, at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag nang mangdaya pa sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon; pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon.” (Apocalipsis 20:1-3.) PnL
Na ang pangungusap na “kalaliman” ay tumutukoy sa lupa sa kalagayang magulo at dumilim, ay ipinaliliwanag ng mga ibang Kasulatan. . . . PnL
Ito ang magiging tahanan ni Satanas na kasama ng kanyang mga anghel sa loob ng isang libong taon. Sapagkat makukulong siya sa lupa, hindi siya makaaakyat sa mga ibang sanlibutan, upang tuksuhin o gambalain iyong mga hindi nagkasala kailanman. Sa ganitong paraan siya natatalian: wala nang natitira pang mapaggagamitan niya ng kanyang kapangyarihan. Lubos na pinutol ang kanyang gawang pagdaraya at pagpapahamak na sa maraming kapanahunan ay siyang tangi niyang kinalulugdang gawin. . . . PnL
Sa loob ng anim na libong taon ay “pinapanginig ang lupa” ng gawang paghihimagsik ni Satanas. “Kanyang ginawang gaya ng ilang ang sanlibutan, at gumiba ng mga bayan nito.” At “hindi niya binuksan ang bahay ng kanyang mga bilanggo.” Sa loob ng anim na libong taon ay tumanggap ang kanyang bahay bilangguan ng mga tao ng Diyos, at pananatilihin sana niyang mga bihag sila magpakailanman, datapwat nilagot ni Cristo ang kanyang mga panali at pinalaya ang kanyang mga bihag. . . . PnL
Sa loob ng isang libong taon ay maglalagalag si Satanas sa mapanglaw na lupa, upang makita ang mga nagawa ng paghihimagsik niya sa kautusan ng Diyos. Sa buong panahong ito’y malaking hirap ang kanyang babathin. Sapul nang siya’y mahulog, ang kanyang kabuhayang walang tigil sa paggawa ay di na nagkaroon pa ng pagbubulay-bulay; datapwat siya ngayon ay inalisan na ng kapangyarihan, at iniwan upang nilay-nilayin ang kanyang ginawa mula noong siya’y maghimagsik sa pamahalaan ng langit, at upang hintaying may panginginig ang kanyang kakilakilabot na hinaharap, panahon ng pagdurusa niya dahil sa lahat ng kasamaang kanyang ginawa.— The Great Controversy , pp. 658-660. PnL