Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel, at pagpapalain ko sila. Bilang 6:27. LBD 161.1
Naglalagay ang Salita ng Diyos ng matinding pansin sa impluwensya ng pagsasamahan, maging sa mga kalalakihan at kababaihan. Gaanong mas malakas ang kapangyarihan nito sa umuunlad na mga isip at karakter ng mga bata at kabataan. Ang kasamang kanilang pinakikitunguhan, ang mga prinsipyong kanilang isinasakabuhayan, ang mga gawing kanilang binubuo, ang magpapasya ng kanilang pagiging kapakipakinabang dito, at sa kanilang darating at walang-hanggang layunin. . . . LBD 161.2
Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga di-relihiyoso, nagmahal ng kasiyahan, at mga masasama, marami at marami pang kabataan ang nawawalan ng kasimplihan at kadalisayan, ng pananampalataya sa Diyos, at ng diwa ng pagsasakripisyo sa sarili na minahal at binantayan ng maingat na pagtuturo at taimtim na panalangin ng mga Cristianong ama at ina. . . . LBD 161.3
Bilang patakaran, ang mga kalalakihan at kababaihang may malalawak na ideya, hindi makasariling layunin, at marangal na hangarin, ang iyong nagkaroon ng ganitong mga katangiang binuo ng kanilang mga asosasyon noong mga unang taon. Sa lahat ng pakikitungo Niya sa Israel, hinimok ng Diyos sa kanila ang kahalagahan ng pagbantay ng mga nakasasalamuha ng kanilang mga anak. Ginawa ang lahat ng mga kaayusan ng sibil, relihiyoso, at panlipunang pamumuhay na may layuning mapangalagaan ang mga bata mula sa mapaminsalang kasamahan, at ginagawa ang mga ito upang maging, mula sa kanilang pinakamaagang mga taon, pamilyar sa mga tuntunin at mga prinsipyo ng batas ng Diyos. Ang liksyong-araling ibinigay sa kapanganakan ng bansa ay may likas na katangian upang mapabilib ang lahat ng mga puso. Bago dumating ang huling kahila-hilakbot na hatol sa mga taga-Ehipto sa pagkamatay ng panganay, iniutos ng Diyos sa Kanyang bayan na tipunin ang kanilang mga anak sa kanilang sariling tahanan. Minarkahan ng dugo ang poste ng pinto ng bawat bahay, at sa loob ng tiyak na proteksyon sa pamamagitan ng simbolong ito ang lahat ay dapat na manatili. Kaya ngayon, dapat panatilihin ng mga magulang na nagmamahal at natatakot sa Diyos ang kanilang mga anak sa ilalim ng “pakikipagkasundo sa tipan”—sa loob ng proteksyon ng mga sagradong impluwensyang naging posible sa pamamagitan ng pagtubos ng dugo ni Cristo.— The Ministry of Healing, pp. 402-404. LBD 161.4