Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananahan sa Akin, at Ako’y sa kanya. Juan 6:56. LBD 297.1
Gagawin tayong marunong tungo sa kaligtasan ng pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos; titiyakin ng kaalaman sa Salitang ito ang ating kaligayahan, at ang ating tagumpay sa paglubos ng Cristianong karakter. LBD 297.2
Magiging tagatupad ng Salitang iyan ang lahat ng tumatanggap sa Salita ng Diyos sa pananampalataya. Palalawakin ang kanilang isipan ng tunay na kaalaman, na inilalarawan ni Cristo na pagkain sa laman at pag-inom sa dugo ng Anak ng Diyos. At habang isinasagawa nila ang katotohanan, inilalahad naman nila ang Salita ng buhay sa iba. Sa gayon nagiging impluwensya sila sa gitna ng mga impluwensya, bangong mula sa buhay tungo sa buhay. LBD 297.3
Ang sabi ni Cristo: “Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay, ang laman ay walang anumang pakinabang. Ang mga salitang sinabi Ko sa inyo ay espiritu at buhay” (Juan 6:63). “Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananahan sa Akin, at Ako’y sa kanya. Kung paanong ang buhay na Ama ay nagsugo sa Akin at Ako’y nabubuhay dahil sa Ama, gayundin ang kumakain sa Akin ay mabubuhay dahil sa Akin. Ito ang Tinapay na bumabang galing sa langit. . . .” (talatang 57, 58). LBD 297.4
Gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya niya upang busugin ang panlasa para sa pagkaing walang-kinalaman sa pagkakilala sa iisang tunay na Diyos, at kay Jesu-Cristo na Kanyang sinugo. Iyong mga mayroon pa ring mas mapapangit na katangian ng karakter, na patuloy na nagpapakita ng mga depekto ng tao sa kanilang mga salita at ugali, ay nagpapatotoo na hindi sila kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng Anak ng Diyos.— The Youth’s Instructor, December 8, 1898. LBD 297.5
Ang Salita ng Diyos na tumatahan sa puso ang bubuhay sa mga espirituwal na kakayahan. . . . LBD 297.6
Minahal ni Jesus ang mga tao, at ginawa ang bawat probisyon upang ang kaluluwang binili ng dugo ay magkaroon ng bagong kapanganakan, isang bagong buhay na kinuha sa sarili Niyang buhay. . . . “Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay” (1 Juan 5:12). Ang mga sumasampalataya kay Cristo ay kumukuha ng kapangyarihan ng kanilang motibo at ng kayarian ng kanilang mga likas sa Kanya na kanilang sinasampalatayanan.— The Youth’s Instructor, January 10, 1895. LBD 297.7