Ipinakilala Ko sa kanila ang pangalan Mo, at Aking ipapakilala, upang ang pag-ibig Mo sa Akin ay mapasakanila, at Ako’y sa kanila. Juan 17:26. LBD 296.1
Ang personal na patotoong ito ay magbibigay ng lakas ng loob sa marami.—E.G. White Trustees.] Nakapipinsala sa inyo ang pagkaawa ninyo sa sarili; nahahabag kayo sa inyong sarili, pakiramdam mo ay hindi ka itinuturing ayon sa nararapat, na lubhang napakahirap ng inyong gawain, at hindi pinasasalamatan ang mga pinakamabuti ninyong pagsisikap. Resulta ng espirituwal na sakit ang mga damdaming ito, na magagamot lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Sasakmalin kayo ng tukso kapag kayo ay pagod o natataranta; ngunit kapag lumitaw ang mga unang sintomas, at gumawa ang kaaway upang umaangal at magreklamo kayo, tumingin ka kay Jesus, magtiwala kayo sa inyong Tagapagligtas. Ito ang tanging lunas sa espirituwal na malaryang ito. . . . Kapag pinayagan ninyong mapuno ng ganitong mga bagay ang inyong isipan, sisiguraduhin ng kaaway na kayo ay palaging abala. Ilalagay niya ang kanyang largabista sa inyong mga mata, at ang mga punso ng problema ay magiging parang mga bundok. . . . Kailangan mong malaman kung paanong magpahinga sa Diyos. Pribilehiyo ninyong magkaroon ng matalinong puso, na hinuhubog ng Banal na Espiritu; at ito ang pundasyon ng lahat ng tunay na kaligayahan. . . . LBD 296.2
Gusto ng Diyos na magtiwala kayo sa Kanyang pag-ibig, at lagi ninyong bantayan ang inyong kaluluwa sa pamamagitan ng pagsasara sa pintuan ng inyong mga iniisip, upang hindi ito maging mahirap pangasiwaan; dahil kapag pinayagan ninyong magpalayaw ang isipan ninyo sa mga ganitong pag-iisip ng awa sa sarili, darating ang kaaway upang ibulong ang mga pinakapangit at pinakadi-makatuwirang bagay tungkol sa mga gagawa sa inyo ng kabutihan at kabutihan lamang. . . . LBD 296.3
Makinig kayo kay Jesus, sundin ninyo ang Kanyang payo at hindi kayo maliligaw mula sa matalino at makapangyarihang Tagapayo, ang tanging tunay na Gabay, ang Nag-iisang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan, kaligayahan, at buong kagalakan. . . . Anuman ang isipin o gawin ng iba sa atin, di kailangang maisturbo nito ang kaisahan natin kay Cristo, ang pakikisamang ito ng Espiritu. Alam mong hindi tayo makasusumpong ng kapahingahan saanmang lugar na malayo kay Cristo.— Letter 10, 1894. LBD 296.4