Ang magtagumpay ay pagkakalooban Ko na umupong kasama Ko sa Aking trono, gaya Ko naman nagtagumpay at umupong kasama ng Aking Ama sa Kanyang trono. Apocalipsis 3:21. LBD 369.1
Inilalatag sa mga salitang ito ang pang-isahang gawain para sa bawat isa sa atin. Kailangan nating gumawa ng mga disididong pagsisikap na magtagumpay gaya rin naman ng pagtatagumpay ni Cristo. Walang hindi kasali sa labanang ito. Kung gusto nating magbukas sa atin ang pintuan ng banal na siyudad, kung gusto nating makita ang Hari sa Kanyang kagandahan, dapat tayong magtagumpay ngayon gaya ng pagtatagumpay ni Cristo. LBD 369.2
. . . Itinabi Niya ang mga makahari Niyang kasuotan, . . . ang Kanyang mga kayamanan, at naging dukha alang-alang sa atin, upang makamtan natin ang walang-hanggang pamana. Kinaharap Niya at ginapi para sa atin ang prinsipe ng kadiliman. . . . LBD 369.3
Dapat magsimula sa batang kalung-kalong pa lamang ng kanyang ina ang liksyon ng pagkontrol sa sarili. Kailangang maturuan ang bata na supilin ang kanyang kagustuhan. . . . Sino ba ang mga batang ito na ipinagkatiwala sa ating pangangalaga?—Sila ang mga mas nakababatang kaanib ng pamilya ng Panginoon. Ang sabi Niya, Kunin ninyo ang mga batang ito at sanayin ninyo sila. . . upang sila ay maging makinis para sa gusali ng isang palasyo (Awit 144:12), na handang magningning sa mga bulwagan ng Aking bahay. Anong laking halagang gawain nito! . . . Tandaan ninyong bibigyan kayo ng tulong ng Maylikha ng sansinukob sa inyong gawain. Sa Kanyang kalakasan, at sa pamamagitan ng Kanyang pangalan, puwede ninyong akayin ang inyong mga anak na maging mga mananagumpay. Turuan ninyo silang umasa sa Diyos para sa kalakasan. Sabihin ninyo sa kanilang naririnig Niya ang kanilang mga panalangin. Turuan ninyo silang daigin ng mabuti ang masama. Turuan ninyo silang gumamit ng impluwensyang nakapag-aangat at nakapagpaparangal. Akayin ninyo silang makiisa sa Diyos, at sa gayon ay magkakaroon sila ng kalakasan para mapaglabanan ang pinakamatinding tukso. Sa gayon ay matatanggap na nila ang gantimpala ng mananagumpay.— The Review and Herald, July 9, 1901. LBD 369.4
Anlaki ng nawawala sa inyo dahil sa hindi ninyo pinag-aaralan nang mas masikap at mas maigi ang buhay ni Cristo. Puwede ninyo doon . . LBD 369.5
. makita ang mga tagumpay na kailangan ninyong matamo . . . upang makuha ninyo ang mahalagang puting damit ng walang-bahid na karakter, at makatayo sa wakas nang walang kasiraan sa harapan ng trono ng Diyos.— The Youth’s Instructor, October 10, 1883. LBD 369.6