Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. Exodo 20:8. LBD 57.1
Sinabi ng Diyos, “Ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos.” Inilagay Niya ang Kanyang kabanalan sa araw na ito at binasbasan at pinabanal ito bilang araw ng kapahingahan. Ito ang tanging utos sa buong sampung utos na nagsasabi kung sino ang Diyos. Itinatangi nito ang Diyos sa bawat iba pang diyus-diyosan. Binaganggit nito ang Diyos na gumawa ng langit at ng lupa. Ang Diyos na gumawa ng mga puno at mga bulaklak at lumalang sa tao, ito ang Diyos na dapat ninyong iharap sa inyong mga anak, at kailangan mo lamang ay tumuro sa mga bulaklak at sabihin sa kanilang ginawa Niya ang mga ito at namahinga Siya noong ikapitong araw sa lahat ng Kanyang mga ginawa. . . . Isang paalalang ibinigay ng Diyos ang ikapitong araw.— Manuscript 20, 1894. LBD 57.2
Sa pagturo sa Diyos bilang manlilikha ng mga langit at lupa, itinatangi nito ang tunay na Diyos mula sa lahat ng huwad na diyus-diyosan. Lahat ng nagingilin ng ikapitong araw, na ipinahihiwatig ng pagkilos na ito na sila ay mga mananamba ni Jehovah. Kaya ang Sabbath ay tanda ng katapatan ng tao sa Diyos habang may mga tao sa lupa na maglilingkod sa Kanya. . . . LBD 57.3
Binigyan ng Diyos ang mga tao ng anim na araw para gumawa, at hinihingi Niyang gampanan sa anim na araw ang kanilang sariling mga gawain. Pinahihintulutan sa Sabbath ang mga kinakailangang gawain at mga gawain ng kahabagan. Kailangang pangalagaan sa bawat oras ang mga may karamdaman at naghihirap; ngunit mahigpit na iniiwasan ang paggawa na hindi kailangan. . . . At isinasama ng utos ang lahat ng nasa loob ng ating mga pintuan. Dapat magsantabi ng kanilang mga makamundong gawain sa mga banal na oras ang mga naninirahan sa loob ng tahanan. Dapat magkaisa ang lahat para parangalan ang Diyos sa pamamagitan ng handang paglilingkod sa Kanyang banal na araw.— Patriarchs and Prophets, pp. 307, 308. LBD 57.4
Hanggang nananatili ang kalangitan at ang lupa, magpapatuloy ang Sabbath bilang tanda ng kapangyarihan ng Maylalang. At kapag muling umusbong ang Eden sa lupain, pararangalan ng lahat na nasa ilalim ng araw ang banal na araw ng kapahingahan ng Diyos. “Mula sa isang Sabbath hanggang sa isa pang Sabbath” ang mga nananahan sa pinaluwalhating bagong lupa ay hahayo “upang sumamba sa Aking harapan, sabi ng Panginoon.”— The Desire of Ages, p. 283. LBD 57.5