Kundi gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa ang kalooban ng Diyos mula sa puso. Efeso 6:6. LBD 113.1
Huwag sabihin ng sinuman, “Hindi ko kayang pagtagumpayan ang mga depekto sa aking karakter”; sapagkat kung ito ang iyong desisyon, hindi ka maaaring magkaroon ng buhay na walang-hanggan. Nasa kaloob mo lamang ang pagkaimposible. Kung hindi mo gagawin, ang kabuuan nito ay hindi mo magagawa. LBD 113.2
Ang tunay na kahirapan ay ang karumihan ng isang di-napabanal na puso, at pag-ayaw na magpasakop sa kalooban ng Diyos. Kapag may determinadong layuning ipinanganak sa inyong puso upang magtagumpay, magkakaroon kayo ng isang kagustuhang magtagumpay, at palalaguin ang mga kanaisnais na katangian ng karakter, at makikibahagi sa labanang may matatag at matiyagang pagsisikap. Magsasagawa kayo ng isang walang-tigil na pagbabantay sa mga depekto ng iyong karakter, at magpapalago ng mga tamang gawi sa maliliit na bagay. Mababawasan ang kahirapan sa pagtatagumpay habang ang puso ay pinababanal sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo.— The Youth’s Instructor, September 7, 1893. LBD 113.3
Anong gawain sana ang maaaring maisagawa sa atin bilang mga indibiduwal, kung ang ating mapagmataas at matigas na kalooban ay lubusang nakalubog sa kalooban ng Diyos, at ang ating mga kaluluwa ay itinaas mula sa kalupaan tungo sa mas mataas at mas malinis na kapaligiran!— The Youth’s Instructor, July 26, 1894. LBD 113.4
Ang kalooban ng sarili at pagmamataas ay mga kasamaang bumago sa mga anghel at naging mga demonyo sila at isinara ang mga pintuan ng langit laban sa kanila.— Pacific Health Journal, January, 1890. LBD 113.5
Hindi ninyo kayang kontrolin ang inyong mga silakbo, ang inyong damdamin, gaya ng gusto ninyo, ngunit maaari ninyong kontrolin ang kalooban, at maaari kayong gumawa ng lubos na pagbabago sa inyong buhay. Sa pagpapasakop ng inong kalooban kay Cristo, ang inyong buhay ay maitatago kay Cristo sa Diyos, at makikiisa sa kapangyarihang higit sa lahat ng mga pamunuan at kapangyarihan. Magkakaroon kayo ng lakas mula sa Diyos na manghahawak sa Kanyang lakas; at isang bagong liwanag, maging ang liwanag ng buhay na pananampalataya, ay magiging posible sa inyo. . LBD 113.6
. . Magkakaroon kayo ng isang kapangyarihan, isang kasiglahan, at isang kasimplihang gagawin kayong isang pinakinang na instrumento sa mga kamay ng Diyos.— Messages to Young People, pp. 152, 153. LBD 113.7