Huwag maging tamad sa pagsisikap, maging maalab sa espiritu, na naglilingkod sa Panginoon. Roma 12:11. LBD 112.1
May mga kabataang lalaki at mga kabataang babaeng labis na sumasalungat sa kaayusan at disiplina. . . . Wala silang pakialam sa mga panuntunan sa paggising at pagtulog sa mga regular na oras, kundi nagpupuyat sila at pagkatapos ay matutulog sa umaga. . . . Hindi ba magandang putulin ang ugaling gawing gabi ang mahalagang oras, at gawin ang mga oras ng gabi na araw sa pamamagitan ng paggamit ng artipisyal na liwanag? . . . LBD 112.2
Hangga’t maaari, mahusay na isaalang-alang kung ano ang gagawin sa buong araw. Gumawa ng isang listahan ng iba’t ibang mga tungkuling naghihintay ng inyong pansin, at magtakda ng tiyak na oras para sa paggawa ng bawat tungkulin. Hayaang magawa ang lahat ng bagay sa kahusayan, kalinisan, at kabilisan. . . . LBD 112.3
Bigyan ang inyong mga sarili ng ilang mga minuto upang gawin ang trabaho, at huwag huminto para magbasa ng mga papeles at mga librong kumukuha ng iyong pansin, ngunit sabihin sa iyong sarili, “Hindi, mayroon lamang akong iilang minuto para gawin ang trabaho ko, at dapat kong magawa ang gawain ko sa oras na mayroon ako.” . . . Hayaan ang mga natural na mabagal sa pagkilos, ay hangaring maging aktibo, mabilis, masigla, at alalahanin ang mga salita ng apostol, “Huwag maging tamad sa pagsisikap, maging maalab sa espiritu, na naglilingkod sa Panginoon.” . . . LBD 112.4
Kung kayo ay nasa ilalim ng kontrol ng mabagal, makupad na paggalaw, kung ang inyong mga gawi ay may katamaran, pahahabain ninyo ang isang trabahong dapat mabilis lang matapos; at isang katungkulan ng mga taong mabagal, na magbago, na maging mas mabilis. Kung gagawin nila, maaari nilang mapaglabanan ang kanilang mga maselan, at mahinahong gawi. . . . LBD 112.5
Ilalagay kayo ng masigasig at matiyagang pagsisikap sa mataas na posisyon ng tagumpay; sapagkat siyang nagsisikap na magtagumpay sa loob at sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo, ay magkakaroon ng banal na kaliwanagan, at mauunawaan kung paanong ang mga magagandang katotohanan ang maaaring madala sa mga maliit na bagay, at ang relihiyon ay maaaring madala sa kaunti at gayundin sa mga malalaking alalahanin ng buhay.— The Youth’s Instructor, September 7, 1893. LBD 112.6