Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa Panginoon—naniniwalang mahal Niya tayo at nalalaman ang pinakamabuti para sa atin. Sa gayon, sa halip na ang ating sarili, nagtutulak itong piliin natin ang Kanyang daan. Sa kabila ng ating kamangmangan ay tinatanggap nito ang Kanyang karunungan; kapalit ng ating kahinaan ay ang Kanyang lakas, kapalit ng ating pagkamakasalanan ay ang Kanyang katuwiran. Ang ating mga buhay, tayo, ay Kanya na; kinikilala ng pananampalataya ang Kanyang pagiging may-ari at tinatanggap ang pagpapala nito. Ang katotohanan, pagkamakatuwiran, kalinisan, ay itinuturo bilang sikreto ng tagumpay sa buhay. Ang pananampalataya ang naglalagay sa atin para magmay-ari ng mga prinsipyong ito. TKK 199.1
Ang lahat ng mabubuting hangarin ay kaloob ng Diyos; tinatanggap ng pananampalataya mula sa Diyos ang buhay na nagbibigay ng totoong paglago at pagiging epektibo. TKK 199.2
Dapat maging napakaliwanag kung paano gamitin ang pananampalataya. Sa bawat pangako ng Diyos ay may mga kondisyon. Kung handa tayong gawin ang Kanyang kalooban, ang lahat Niyang kalakasan ay sa atin. Anumang kaloob ang ipangako Niya sa atin ay nasa mismong pangako. “Ang binhi ay ang salita ng Diyos” (Lucas 8:11). Kung paanong siguradong ang eneina ay bunga ng eneina, ay gayunding makasisiguro na ang kaloob ng Panginoon ay naroon sa pangako. Kung ating tinanggap ang pangako ay tinanggap rin natin ang kaloob. TKK 199.3
Ang pananampalatayang nagbibigay sa atin ng kakayahan para tanggapin ang kaloob ng Diyos, sa sarili mismo nito ay isang kaloob, kung saan ang ilang sukat ay ibinabahagi sa lahat ng mga tao. Lumalaki ito habang ginagamit sa pagsasagawa ng Salita ng Diyos. Para mapalakas ang pananampalataya, madalas dapat natin itong iniuugnay sa Salita. TKK 199.4
Sa pag-aaral ng Biblia ang estudyante ay dapat madala sa pagkakita ng kapangyarihan ng salita ng Diyos. Sa paglikha, “siya'y nagsalita at iyon ay naganap; siya'y nag-utos, at iyon ay tumayong matatag.” “Ang mga bagay na hindi buhay noon ay binubuhay niya ngayon” (Mga Awit 33:9; Roma 4:17); sapagkat Siya'y tumawag, at sila'y nandiyan.— EDUCATIQN, pp. 253,254. TKK 199.5