Iniunat niya ang kanyang kamay at siya'y hinawakan at sinabi, “Nais ko, maging malinis ka,” At agad nawala ang kanyang ketong, Ipinagbilin niya sa kanya na huwag sabihin kaninuman, “Humayo ka, magpakita ka sa pari, at maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises dahil ikaw ay naging malinis, bilang patotoo sa kanila” Lueas 5:13,14, TKK 204.1
Iniunat niya ang kanyang kamay at siya'y hinawakan at sinabi, “Nais ko, maging malinis ka,” At agad nawala ang kanyang ketong, Ipinagbilin niya sa kanya na huwag sabihin kaninuman, “Humayo ka, magpakita ka sa pari, at maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises dahil ikaw ay naging malinis, bilang patotoo sa kanila” Lueas 5:13,14, TKK 204.2
Laging nababanggit ng bawat isa, “Bakit masyadong umaasa sa mga sanitaryum? Bakit hindi tayo manalangin para sa kagalingan ng mga maysakit, gaya ng karaniwang ginagawa ng bayan ng Diyos?” Sa unang bahagi ng kasaysayan ng ating gawain marami ang pinagaling ng panalangin. At ang ilan, matapos na sila'y gumaling, ay nagpatuloy sa dating gawain ng pagpapakasawa sa pagkain na datihang ginagawa. Hindi sila namuhay at gumawa sa paraan kung saan maiiwasan nila ang kasakitan. Hindi nila ipinakita na kanilang pinahalagahan ang kabutihan ng Diyos sa kanila. Muli't muling sila'y nagdusa dahil sa kanilang sariling kawalang ingat at hindi pinag-isapang pagkilos. Paano maluluwalhati ang Diyos sa pagbibigay sa kanila ng kaloob ng kalusugan? TKK 204.3
Nang dumating ang liwanag na dapat tayong magkaroon ng mga sanitaryum, maliwanag na ibinigay ang dahilan. Marami ang nangangailangang maturuan sa mga bagay na may kinalaman sa malusog na pamumuhay. Dapat magkaroon ng lugar kung saan ang mga maysakit ay maaaring dalhin, kung saan maaari silang turuan kung paano mamuhay na napapanatili ang kalusugan TKK 204.4
Dapat mapanatili ang mga lektura bilang isang paraan ng pagtuturo sa mga pasyente kung paano iiwasan ang karamdaman sa pamamagitan ng isang matalinong pamamaraan ng pagkilos. Sa pamamagitan ng mga lekturang ito ay maaaring maipakita sa mga pasyente ang kanilang responsibilidad para ingatan ang katawan sa pinakamalusog na kalagayan dahil ito ay pag-aaring binili ng Panginoon. Ang isip, kaluluwa, at katawan ay binili sa isang halaga . . . “luwalhatiin ninyo ng inyong katawan ang Diyos” (1 Corinto 6:20) TKK 204.5
Sa pagkalinga ng Diyos, ang tagubilin ay ibinigay upang magtatag ng mga sanitaryum, para ang mga may karamdaman ay maakay palapit dito, at matutuhang mamuhay na malusog. Niloob ng Diyos ang pagtatatag ng mga sanitaryum, kung saan ang mga tao mula sa mga iglesya ay dapat abutin, at gawing nakakakilala ng nagliligtas na katotohanan para sa panahong ito.— MANUSCRIPT RELEASES, vol. 7, pp. 378, 379 . TKK 204.6