“Sa araw na iyon ay marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon, hindi ba nagpropesiya kami sa iyong pangalan, at nagpalayas ng mga demonyo sa iyong pangalan, at sa iyong pangalan ay gumawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?’ At kung magkagayon ay ipahahayag ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala kailanman; lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan!’” Mateo 7:22,23. TKK 205.1
Kailangan nating maging nakaugnay kay Cristo, nakaugat at nakatatag sa pananampalataya. Gumagawa si Satanas sa pamamagitan ng mga ahensya. Pinipili niya iyong mga hindi umiinom sa tubig ng buhay, mga kaluluwang uhaw sa anumang bago at kakaiba, at sinumang handang uminom kahit saang bukal na magpapahayag ng sarili nito. Ang mga tinig ay maririnig, na nagsasabing, “Masdan ninyo, narito ang Cristo!” o “Nariyan siya!” (Mateo 24:23). Mayroon tayong hindi mapag-aalinlanganang patunay ng tinig ng Tunay na Pastol, at Siya ay tumatawag sa atin na sumunod sa Kanya. Sinabi Niya, “ako'y nananatili sa kanyang pagibig” (Juan 15:10). Kanyang pinangungunahan ang Kanyang mga tupa sa daan ng mapagkumbabang pagsunod sa kautusan ng Diyos ngunit hindi Niya sila kailanman inaakay sa pagsuway sa kautusan. TKK 205.2
“Ang tinig ng isang hindi kilala” ay tinig ng isang hindi kumikilala o sumusunod sa banal, matuwid, at mabuting kautusan ng Diyos. Maraming gumagawa ng malaking pagkukunwari sa kabanalan, at nagmamayabang ng kanilang mga kahanga-hangang gawa sa pagpapagaling ng maysakit, na hindi nila kinikilala ang mga dakilang pamantayan ng katuwirang ito. Ngunit sa pamamagitan ng kaninong kapangyarihan nila ginagawa ang mga pagpapagaling na ito? TKK 205.3
Kung yaong sa pamamagitan nila'y isinagawa ang lunas ay nakahanda, ayon sa mga pagpapahayag na ito, na magdahilan sa kanilang kapabayaang sundin ang kautusan ng Diyos, at magpatuloy sa pagsalangsang, bagamat may kapangyarihan sila sa anumang kaparaanan at lawak nito, hindi maaari na mayroon silang kapangyarihan ng Diyos. Sa kabilang banda, ito ay ang kapangyarihan ng dakilang mandaraya na gumawa ng himala. Siya ay mananalangsang ng kautusang moral, at gumagamit ng lahat ng kagamitang maaari niyang maging kasanayan para bulagin ang mga tao sa totoo nitong karakter. Binigyan tayo ng babala na sa huling panahon ay gagawa siyang may mga tanda at kababalaghang may kasinungalingan. At magpapatuloy siya sa mga kababalaghang ito hanggang sa pagsasara ng probasyon, upang kanyang maipakita sa kanila bilang patunay na siya ay anghel ng liwanag at hindi sa kadiliman.— REVIEW AND HERALD, November 17,1885 . TKK 205.4