Noon ay may mga naninirahan sa Jerusalem na mga relihiyosong Judio, buhat sa bawat bansa sa ilalim ng langit. Dahil sa ugong na ito ay nagkatipon ang maraming tao at nagkagulo sapagkat naririnig nila ang bawat isa na nagsasalita sa kani-kanilang sariling wika. Sila ay nagtaka, namangha at nagsabi, “Tingnan ninyo, hindi ba mga taga-Galilea ang lahat ng mga nagsasalitang ito? Paanong naririnig natin, ng bawat isa sa atin, ang ating sariling wikang kinagisnan?” Mga Gawa 2:5-8. TKK 207.1
Sa kanila'y may nagpakitang parang mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu” (Mga Gawa 2:3, 4). Naparoon sa mga nagkakatipon ang Banal na Espiritu, na naganyong dilang apoy. Palatandaan ito ng kaloob na noon ay ibinigay sa mga alagad, na nagbigay kakayahan sa kanila na magsalitang may katatasan ng mga wikang dati-rati ay hindi nila alam. Sinisimbolo ng anyong ang maalab na kasigasigan kung paanong gagawa ang mga apostol at ang kapangyarihan na makikita sa kanilang paggawa. TKK 207.2
“May mga naninirahan sa Jerusalem na mga relihiyosong Judio, buhat sa bawat bansa sa ilalim ng langit” (talatang 5). Sa panahon ng pagpapakalat ang mga Judio ay nakakalat sa halos lahat ng bahagi ng sanlibutang tinatahanan, at sa kanilang pagtapon ay natutong magsalita ng iba't ibang mga wika. Marami sa mga Judiong ito ay nasa Jerusalem sa pagkakataong ito, para dumalo sa mga pistang panrelihiyon na nagaganap noon. Lahat ng kilalang wika ay kinatawanan mga nagkakatipon. Ang pagkakaiba-iba ng mga wikang ito ay maaaring maging isang malaking hadlang sa pagpapahayag ng ebanghelyo; sa gayon tinustusan ng Diyos sa mahimalang paraan ang kakulangan ng mga apostol. Ginawa ng Banal na Espiritu para sa kanila ang sa kanilang sarili ay hindi nila kayang gawin sa kanilang buong buhay. Ngayon ay maipapahayag na nila ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa ibang bansa, na nagsasalitang may kawastuhan ng mga wika ng kanilang pinaglilingkuran. TKK 207.3
Ang mahimalang kaloob na ito ay matibay na patunay sa sanlibutan na nagtataglay ng selyo ng Langit ang kanilang pagkasugo. Mula sa panahong ito patuloy, ang wika ng mga alagad ay malinis, simple, at wasto, sila man ay magsalita sa wikang kinalakhan nila o sa wika ng dayuhan.— THE ACTS OF THE APOSTLES, pp. 39, 40. TKK 207.4