Gayundin naman kayo, kung sa isang wika ay nagsasalita kayo nang hindi nauunawaan, paanong malalaman ng sinuman kung ano ang sinabi? Sapagkat sa hangin kayo magsasalita. Walang alinlangan na napakaraming uri ng mga wika sa sanlibutan, at walang isa man na walang kahulugan. Subalit kung hindi ko nalalaman ang kahulugan ng wika, ako ay magiging isang banyaga sa nagsasalita, at ang nagsasalita ay magiging isang banyaga sa akin. 1 Corinto 14:9-11. TKK 208.1
Ang mga ministrong gumagawa sa salita at sa aral ay dapat maging masusing manggagawa, at dapat ipahayag ang katotohanan sa kadalisayan nito, gayunpaman ay may kasimplihan. Dapat nilang pakainin ang kawan ng malinis na pagkain, at masusing pinili. May mga naglilibot na mga bituin na nag-aangking mga ministro na sinugo ng Diyos na nangangaral ng Sabbath mula sa isang lugar hanggang sa panibago, ngunit taglay ang katotohanan na may halong kamalian at nagsasabog ng karamihan ng kanilang mga magkakasalungat na pananaw sa mga tao. Itinutulak sila ni Satanas para kainisan ng mga matalino at marunong na mga hindi mananampalataya. TKK 208.2
Maraming masasabi ang mga ito tungkol sa mga kaloob at sila'y kadalasang talagang nagsanay. Ibinibigay nila ang kanilang sarili sa ligaw, sabik na damdamin at gumagawa ng hindi maintindihang tunog na tinatawag nilang pagsasalita sa ibang mga wika, at ang ibang mga grupo ay parang naaakit sa pamamagitan ng mga kakaibang palatandaan. Isang kakaibang espiritu ang naghahari sa grupong ito, na magpapahirap at makakasagasa sa sinumang sasaway sa kanila. Wala ang Espiritu ng Diyos sa gawain at hindi sumasama sa mga ganoong manggagawa. Mayroon silang ibang espiritu. Gayunpaman, ang gayong mga mangangaral ay nagtatgumpay sa isang partikular na uri. Ngunit ito ay magpapalaki ng gawain ng mga lingkod na susuguin ng Diyos, na karapat-dapat na magpahayag sa mga tao ng Sabbath at mga kaloob sa tamang liwanag, na ang kanilang impluwensiya at halimbawa ay karapatdapat na tularan. TKK 208.3
Dapat ipahayag ang katotohanan sa paraan kung saan ito ay magiging kaakit- akit sa matalinong kaisipan. Hindi tayo nauunawaan bilang isang bayan, sa halip ay bilang isang mahirap, may mahinang isipan, mababa, at maralita. Kung gayon gaano kahalaga para sa lahat ng nagtuturo, at sa lahat ng nananampalataya sa katotohanan, na maging talagang naapektuhan ng nakapagpapabanal na impluwensiya nito upang ang hindi nagbabago at mataas na buhay ay magpapakita sa mga hindi nananampalataya na sila ay nadaya sa mga taong ito. Napakahalaga na sa kapakanan ng katotohanan ay baklasin ang lahat gaya ng mali at panatikong mga kaguluhan, upang ang katotohanan ay makatayo sa sarili nitong katangian, na naghahayag ng likas na kadalisayan at mataas na katangian.— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 1, pp. 414, 415. TKK 208.4