Sinabi ni Moises sa Diyos, “Sino ako upang pumaroon kay Faraon at upang ilabas sa Ehipto ang mga anak ni Israel?” Kanyang sinabi, “Ako'y makakasama mo; at ito'y magiging tanda sa iyo na ikaw ay aking sinugo: kapag iyong nailabas na sa Ehipto ang bayan, sasambahin ninyo ang Diyos sa bundok na ito,” Exodo 3:11,12. TKK 262.1
Ang debosyon at pagpapakumbaba ang palaging makikita sa mga taong pinagkatiwalaan ng Diyos ng responsibilidad sa Kanyang gawain. Ang banal na pagkatawag kay Moises sa disyerto ay natagpuan siyang hindi nagtitiwala sa sarili. Nakita niya ang pagiging hindi niya karapatdapat sa posisyon kung saan tinawagan siya ng Diyos; ngunit dahil tinanggap niya ang tungkulin, siya ay naging hinusay na instrumento sa kamay ng Diyos para gawin ang pinakadakilang gawaing naibigay sa mga tao. TKK 262.2
Kung si Moises ay nagtiwala sa sarili niyang kalakasan at karunungan, at sabik na tinanggap ang dakilang pagkatawag, kanyang maipamamalas ang kabuuan ng kanyang pagiging hindi karapatdapat sa gawaing itinalaga sa kanya. Nagbigay ito ng pagkakataon sa pag-asa na ang Diyos ang kanyang gagawing tagapayo at kalakasan. Ang taong iyon ay hindi kikilos ng malayo at mabilis kaysa nalalaman niyang inaakay siya ng Diyos. TKK 262.3
Magtatamo ang tao ng kapangyarihan at husay habang kanyang tinatanggap ang responsibilidad na inilalagay sa kanya ng Diyos, at ang buong kaluluwa niya ay magsisikap na maging karapatdapat na pasanin ang mga ito nang tama. Gaano man kababa ang kanyang posisyon o kalimitado ang abilidad niya, ang taong iyon ay magtatamo ng tunay na kadakilaan niyang masayang tumutugon sa tawag ng tungkulin, at, nagtitiwala sa kalakasan ng Panginoon, nagsisikap na gawin ang Kanyang tungkulin na may katapatan. Kanyang mararamdaman na siya'y may banal na utos para makidigma laban sa mali, para palakasin ang tama, para mag-angat, at para pagpalain ang kapwa tao. Ang katamaran, pagkamakasarili, at pagmamahal sa makasanlibutang pagtanggap ay dapat magpasakop sa banal na pagkatawag na ito. TKK 262.4
Makibahagi sa gayong gawain, ang mahihina ay magiging malakas; ang mga tahimik, matapang; ang salawahan, matatag at desidido. Ang bawat isa'y nakikita ang kahalagahan ng kanyang posisyon at kanyang tunguhin, kung paanong ang langit ay pinili siya para gawin ang isang espesyal na gawain para sa Hari ng mga hari. Ang gayong mga tao ay gagawing mas maayos ang mundo dahil sa kanilang pananahan dito. Ang impluwensiya nila ay nagsisikap na mag-angat, maglinis, at magpadakila ng lahat nilang nakakasalamuha, at sa gayon ay natutulungan ang kanilang kapwa tao para sa kalangitan.— SIGNS QF THE TIMES, August 11,1881 . TKK 262.5