Kaya't ang mga tumanggap ng kanyang salita ay binautismuhan at nadagdag nang araw na iyon ang may tatlong libong kaluluwa. Nanatili sila sa turo ng mga apostol at sa pagsasama-sama, sa pagpuputul-putol ng tinapay at sa mga pananalangin. Mga Gawa 2:41, 42. TKK 324.1
Totoo na sa panahon ng kawakasan, kung saan nagsasara ang gawain ng Diyos sa sanlibutan, ang masigasig na pagsisikap ng mga nagtalagang mga mananampalataya sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu ay sasamahan ng espesyal na patunay ng pagpanig ng Diyos. Sa larawan ng una at huling ulan, na pumapatak sa Silangang lupain sa panahon ng paghahasik at pag-aani, inihula ng mga propetang Hebreo ang pagkakaloob ng espiritwal na biyaya sa iglesya ng Diyos sa isang hindi karaniwang sukat. Ang pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa panahon ng mga apostol ay ang umpisa ng maaga, o unang ulan, at maluwalhati ang resulta nito. Hanggang sa wakas ng panahon ang pagdalo ng Espiritu ay makakasama ng tunay na iglesya. TKK 324.2
Ngunit malapit sa pagtatapos ng anihan ng sanlibutan, isang espesyal na pagkakaloob ng espiritwal na biyaya ang ipinangako para maghanda sa iglesya para sa pagdating ng Anak ng tao. Ang pagbubuhos na ito ng Espiritu ay inihalintulad sa pagpatak ng huling ulan: at ito ay para sa dagdag na kapangyarihang ito na ang mga Kristiyano ay maghahayag ng kailang kahilingan sa Panginoon ng aanihin “sa kapanahunan ng huling ulan.” Bilang tugon, ang “Panginoon na gumagawa ng ulap na may dalang unos, at kanyang bibigyan sila ng ulan” (Zacarias 10:1). “Kanyang ibinuhos . . . ang isang masaganang ulan, ang maaga at ang huling ulan” (Joel 2:23). TKK 324.3
Ngunit malibang ang mga miyembro ng iglesya ng Diyos ngayon ay may buhay na ugnayan sa Pinagmulan ng lahat ng espiritwal na paglago, hindi sila magiging handa sa oras ng pag-aani. Malibang panatilihin nilang pinantay at nag-aapoy ang kanilang mga ilawan, mabibigo silang tanggapin ang dagdag na biyaya sa panahon ng espesyal na pangangailangan.— THE Acrs of THE APOSTLES, pp. 54, 55. TKK 324.4