Biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno nito ang buong bahay kung saan sila'y nakaupo. Mga Gawa 2:2. TKK 325.1
Nang dumating ang Banal na Espiritu ng araw ng Penteeostes, gaya ito ng nagmamadali, at malakas na hangin. Ibinigay ang Espiritu sa hindi tinipid na sukat; sapagkat pinuno nito ang lahat ng lugar na kinauupuan ng mga alagad. Gayundin ito ipagkakaloob sa atin kapag ang ating puso ay handa itong tanggapin. TKK 325.2
Hayaan ang bawat miyembro ng iglesya na manikluhod sa harapan ng Diyos, at manalanging taimtim para sa pagbibigay ng Espiritu. Tumawag, “Panginoon, dagdagan mo ang aking pananampalataya. Ipaunawa mo sa akin ang Iyong Salita; sapagkat nagbibigay liwanag ang pagdating ng iyong salita. Panariwain mo ako ng Iyong pakikisama. Punuin mo ang aking puso ng Iyong Espiritu upang aking magawang ibigin ang aking mga kapatid kung paanong inibig ako ni Cristo.” TKK 325.3
Pagpapalain ng Diyos yaong mga inihanda ang kanilang sarili sa Kanyang paglilingkod. Mauunawaan nila ang kahulugan ng pagkakaroon ng kasiguruhan ng Espiritu, dahil tinanggap nila si Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Nangangahulugan ang relihiyon ni Cristo ng higit pa sa kapatawaran sa mga kasalanan, nangangahulugan itong inalis ang kasalanan, at sa gayon ang walang laman ay napuno ng Espiritu. Nangangahulugan itong ang isipan ay niliwanagan ng Diyos, na inalis ng puso ang sarili, at pinuno ng pakikisama ni Cristo. Kapag naisagawa ito para sa mga miyembro ng iglesya, ang iglesya ay magiging isang buhay at gumagawang iglesya. TKK 325.4
Dapat na pagsikapan natin na maging iisang isipan, iisang layunin. Ang bautismo ng Banal na Espiritu, at walang anuman, ang makapaghahatid sa atin ng kalagayang ito. Hayaan nating sa pamamagitan ng pagtanggi sasarili ay maihanda ang ating mga puso para tanggapin ang Banal na Espiritu upang magawa para sa atin ang dakilang gawain, upang ating masasabi, hindi “Tingnan mo ang aking ginagawa,” sa halip “Pagmasdan mo ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos!” . . . TKK 325.5
Maaari nating pag-usapan ang pagpapala ng Banal na Espiritu, ngunit malibang ihanda natin ang ating sarili sa pagtanggap nito, ano ang mapapakinabang natin sa ating mga gawa? Nagsisikap ba tayo ng lahat nating kapangyarihan na maabot ang katayuan ng mga lalaki at babae kay Cristo? Sinisikap ba natin ang pagkalubos sa Kanya, na patuloy na nagsisikap tungo sa sukat na inilagay sa harapan natin—ang kasakdalan ng karakter?— REVIEW AND HERALD, June 10,1902 . TKK 325.6