Silang lahat ay nagtaka at naguluhang sinasabi sa isa't isa, “Ano ang kahulugan nito?” Mga Gawa 2:12, TKK 328.1
Manalangin tayo para sa pagbibigay ng Espiritu bilang remedyo sa mga kaluluwang may sakit ng kasalanan. Kailangang magbago ang iglesya, at bakit hindi natin iluhod ang ating mga sarili sa luklukan ng biyaya, bilang mga kinatawan ng iglesya, at mula sa bagbag na puso at nagpapakumbabang Espiritu ay taimtim na manalangin upang ibuhos sa atin ang Banal na Espiritu mula sa itaas? Manalangin tayo habang ito'y mapagbiyayang ipinagkakaloob, ang ating malamig na puso ay magbalik sigla, at magkaroon tayo ng pag-intindi para maunawaan na mula ito sa Diyos, at tanggapin itong may kaligayahan. TKK 328.2
Pinakitunguhan ng iba ang Espiritu na bisitang hindi tanggap, na tinatanggihan ang mayamang kaloob, na tinatanggihang kilalanin ito, na tumatalikod dito, at hinuhusgahang ito ay panatisismo. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng tao, hindi nito tinatanong sa atin kung paano ito gagawa. Madalas na kumikilos ito sa hindi inaasahang mga paraan. Hindi dumating si Cristo sa ayon sa inaasahan ng mga Judio. Hindi Siya dumating sa paraang magbibigay kaluwalhatian sa kanila bilang bansa. TKK 328.3
Dumating ang Kanyang tagapagbalita para maghanda ng daan para sa Kanya sa pamamagitan ng pagtawag sa mga tao upang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbago, at mangagbautismo. Ang mensahe ni Cristo ay “Malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo'y magsisi at manampalataya sa ebanghelyo” (Marcos 1:15). TKK 328.4
Ang mga Judio ay tumangging tanggapin si Cristo, sapagkat hindi Siya dumating ayon sa kanilang mga inaasahan. Ang mga ideya ng mga taong may hangganan ay pinanghawakan bilang hindi nagkakamali, dahil pinatanda ng panahon. Ito ang panganib kung saan ang iglesya ay lantad—na ang mga likha ng may hangganang mga tao ay magbibigay ng palatandaan ng eksaktong paraan para dumating ang Banal na Espiritu. Bagamat wala silang pakialam na kilalanin ito, may ilang gumawa na nito. At dahil darating ang Espiritu, hindi para pumuri sa tao o patatagin man ang kanilang mga maling teorya, sa halip ay sumbatan ang sanlibutan sa kasalanan, at ng katuwiran, at ng kahatulan, marami ang tumatalikod sa kanya. . . . Ang Banal na Espiritu ay hindi mambobola sa sinumang tao, o gagawa man ito ayon sa pagpapanukala ng sinumang tao. TKK 328.5
Hindi gagawa sa Banal na Espiritu ang mga may hangganan at makasalanang mga tao. Sa pagdating nito bilang tagasumbat, sa pamamagitan ng sinumang taong pipiliin ng Diyos, ang pakinggan at sundin ang tinig nito ay siyang lugar ng tao.— THE ELLEN G. WHITE 1888 MATERIALS, pp. 1540,1541 . TKK 328.6