“Ngunit mayroon ka pang ilan sa Sardis na hindi dinungisan ang kanilang mga damit; at sila'y kasama kong lalakad na nakaputi, sapagkat sila'y karapat-dapat” Apocalipsis 3:4 TKK 371.1
Salamat sa Diyos, Kanyang maiingatan ang Kanyang bayan sa lugar na hindi marurumihan ang kanilang kasuotan. Kung magpapasakop tayo kay Cristo, tayo ay maiingatang walang dungis sa sanlibutan. “At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang PANGINOON; ang kanyang paglabas ay kasintiyak ng bukang-liwayway” (Hosea 6:3). Dapat tayong magpatuloy. Hindi tayo dapat manatiling kontento sa kakayahan at kaalaman ng kasalukuyan. Lahat ng nananahan sa kalawakan ay nanonood, kung paanong ang Diyos ay naghahanda ng bayang titindig sa paghatol. Ating hilingin sa Diyos na damitan tayo ng damit ng katuwiran ni Cristo upang maging handa tayo sa pagdating ng Anak ng Tao. TKK 371.2
Kabilang doon sa mga hindi nadumihan ang kanilang mga damit, sinasabi ni Cristo, “Sila'y kasama kong lalakad na nakaputi, sapagkat sila'y karapat- dapat.” Sa pamamagitan ng walang hanggang sakripisyong ginawa para sa atin, maaari tayong magkaroon ng saganang biyaya. Ang Diyos ay may langit na puno para sa atin. Ang tanging hinihingi Niya ay sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya ay tanggapin natin ang mga pangako Niya, na nagsasabing, “Naniniwala ako. Aking tinatanggap ang pagpapalang mayroon Ka para sa mga umiibig sa Iyo.” TKK 371.3
“Ang magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit; at hindi ko”—O, gaano kahalaga iyong “hindi”!—“at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harap ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel” (Apoealipsis 3:5). Kapag ang mga pasukan ng siyudad ng Diyos ay umindayog pabalik sa kumikinang na bisagra nito, at papasok ang mga bansang nag-ingat ng katotohanan, naroroon si Cristo para tanggapin tayo, para tawagin tayong pinagpala ng Ama, dahil nagtagumpay tayo. Tayo ay Kanyang tatanggapin sa harapan ng Ama, at sa harapan ng mga anghel. At habang pumapasok tayo sa kaharian ng Diyos, doon para gugulin ang walang hanggan, ang mga pagsubok at mga kahirapan at mga pagkalito na mayroon tayo dito ay lulubog sa kawalan. Magiging kasukat sa buhay ng Diyos ang ating buhay.— THE GENERAL CONFERENCE BULLETIN, April 6,1903. TKK 371.4