“Ang magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay, At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel” Apoealipsis 3:5 TKK 372.1
Ang pahayag na “Ang magtagumpay” ay nagpapakitang may bagay para sa bawat isa sa atin na kailangang pagtagumpayan. Ang nagtagumpay ay daramtan ng puting damit ng katuwiran ni Cristo, at isinulat tungkol sa kanya: “At hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel.” Isang malaking pribilehiyo na maging mapagtagumpay, at ipahayag ang ating mga pangalan sa Ama ng mismong Tagapagligtas! At kapag, bilang mga nagtagumpay, tayo ay “bibihisang gayon ng mapuputing damit,” kikilalanin ng Panginoon ang ating katapatan kagaya ng mga kaarawan ng mga unang Cristianong iglesya. Kanyang kinilala ang mga “ilan sa Sardis” na “hindi dinungisan ang kanilang mga damit” (Apocalipsis 3:4); at lalakad tayong kasama Niya na nakaputi, sapagkat maibibilang tayong karapatdapat sa pamamagitan ng kanyang tumutubos na sakripisyo. TKK 372.2
Mga minamahal na mga kaibigan, sa pagtanaw sa mga nagpapasiglang mga pangakong ito, gaano kasigasig dapat tayong magsikap na pasakdalin ang karakter na magbibigay kakayahan sa ating makatindig sa harapan ng Anak ng Diyos! Tanging yaong mga nadamtan ng damit ng Kanyang katuwiran ang makahaharap sa kaluwalhatian ng Kanyang presensiya kapag magpapakita Siyang taglay ang “kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.” TKK 372.3
Malaking halaga ang maging mapagtagumpay. Dapat matatag na labanan ang panggugulo ng kaaway at ang lahat ng masamang pamamaraan. Dapat nababantayan ang awat sandali . Hindi sa kahit isang pagkakataon maaaring mawala sa ating paningin si Cristo, at ang Kanyang kapangyarihang magligtas sa oras ng pagsubok. Dapat nakakapit sa Kanya ang ating mga kamay, upang maiangat tayo ng kapangyarihan ng Kanyang kalakasan . . . TKK 372.4
Nagsabing ang Totoong Saksi: “Tingnan mo, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintong bukas” (talatang 8). Ating pasalamatan ang Diyos sa puso at kaluluwa at tinig; at ating matutuhang lumapit sa Kanya sa pamamagitan ng bukas na pintuan, naniniwalang tayo ay malayang makalalapit dala ang ating mga kahilingan, at Siya ay didinig at tutugon. Sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya sa Kanyang kapangyarihang tumulong, tatanggap tayo ng kalakasan para harapin ang laban ng Panginoon na may nagtitiwalang kasiguruhan ng tagumpay.— REVIEW AND HERALD, July 9,1908 . TKK 372.5