Hindi siya natatakot sa niyebe para sa sambahayan niya, sapagkat ang buo niyang sambahayan ay nakadamit na pula, Gumagawa siya ng mga saplot para sa sarili, ang kanyang pananamit ay pinong lino at kulay-ube, Kawikaan 31:21,22, TKK 91.1
Magturo, magturo, magturo. Dapat iayon ng mga magulang na nakatanggap ng katotohanan ang kanilang mga nakasanayan at gawi sa mga tagubiling ibinigay ng Diyos. Gusto ng Diyos na tandaan ng lahat na ang paglilingkod sa Diyos ay dalisay at banal na paglilingkod, at yung mga tumatanggap sa katotohanan ay dapat madalisay sa pag-uugali, sa lagay ng kalooban, sa puso, sa pakikipag-usap, sa pananamit, at sa tahanan, para ang mga anghel ng Diyos, na hindi nila nakikita, ay darating upang maglingkod sa mga magmamana ng kaligtasan (Hebreo 1:4). TKK 91.2
Ang lahat ng umaanib sa iglesya ay kailangang maghayag ng pagbabago ng karakter na nagpapakita ng paggalang nila sa mga banal na bagay. Dapat mahulma ang buong buhay nila ayon sa kagandahang-asal ni Cristo Jesus. Ang mga umaanib sa iglesya ay kailangang maging mapagpakumbaba nang husto para tumanggap ng katuruan sa mga puntong sila'y nagkukulang, at kung saan sila'y puwedeng magbago at kailangan talagang magbago. Kailangan nilang magbigay ng impluwensyang Kristiyano. Silang hindi nagbabago sa salita o sa pagkilos, sa kanilang pananamit o sa kanilang mga tahanan, ay nabubuhay para sa kanilang sarili at hindi kay Cristo. Hindi sila muling nalikha kay Cristo Jesus, tungo sa paglilinis ng puso at ng panlabas na kapaligiran. TKK 91.3
Hahatulan ang mga Kristiyano sa pamamagitan ng mga bunga nila sa gawain ng pagreporma. Ipapakita ng bawat tunay na Kristiyano kung ano ang ginawa sa kanya ng katotohanan ng ebanghelyo. Siyang ginawang anak ng Diyos ay dapat magsanay ng mga ugali ng kaayusan at kalinisan. Ang bawat pagkilos, gaano man kaliit, ay may impluwensya. Gusto ng Panginoon na gawing ahensya ang bawat tao na sa pamamagitan niya'y maipapahayag Niya ang Kanyang Banal na Espiritu. Hindi dapat pabaya o walang-pakialam ang mga Kristiyano sa kanilang panlabas na hitsura. TKK 91.4
Kailangan silang maging maayos at maganda bagama't walang mga palamuti. Dapat silang maging malinis sa loob at sa labas.— TESTIMONIES TO SOUTHERN AFRICA, p. 87 . TKK 91.5