Ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng mapang-akit na mga salita ng karunungan, kundi sa pagpapamalas ng Espiritu at ng kapangyarihan. 1 Corinto 2:4. TKK 120.1
Nakita ko na may mga panganib sa bawat bagong hakbang ng karanasan sa iglesya, dahil tinatanggap ng ilan na may mga maling espiritu ang mga bagay. Samantalang malakas at mahusay sa pagtuturo ang ilang guro sa mga linya ng doktrina ng Biblia, hindi silang lahat ay magiging mga tao na may kaalaman sa praktikal na buhay at magagawang magpayo sa mga taong naguguluhan na may katiyakan at kaligtasan. Hindi nila nakikita ang nakakalitong kalagayan na kailangang dumating sa bawat sambahayan na gagawa ng pagbabago. Kaya't ituloy na maging maingat ang lahat sa kanilang sinasabi; kung hindi nila alam ang kaisipan ng Diyos sa isang bagay, hindi sila dapat magsalita mula sa isang hula o palagay. Kung wala silang alam na tiyak, dapat nilang sabihin, at pahintulutang magtiwala nang lubusan sa Diyos ang bawat isa. Itulot na magkaroon ng maraming panalangin, at may kasamang pag-aayuno, na walang kikilos sa kadiliman, kundi gumalaw sa liwanag dahil ang Diyos ay nasa liwanag. TKK 120.2
Maaari tayong umasa ngayon na may magsisilabas na mga aral sa labas at sa loob ng ating samahan; at may mga pag-iisip na hindi nadisiplina ng biyaya ng Banal na Espiritu, na hindi nagsanay sa mga salita ni Cristo, na susunod sa maling daan ng pagkilos dahil hindi sila lubos na sumusunod kay Jesus. Sumusunod sila sa bugso ng damdamin at sarili nilang imahinasyon. TKK 120.3
Itulot na walang magawa sa paraang hindi maayos, na magkaroon ng malaking pagkawala ng pag-aari dahil sa marubdob at pabigla-biglang salita na gumigising sa sigasig na hindi sang-ayon sa kaayusan ng Diyos na ang tagumpay na kailangang makamit, ay maging pagkatalo dahil sa kakulangan ng matinong kahinahunan at maayos na pagbubulaybulay. Hayaang magkaroon ng matalinong pangunguna sa bagay na ito, at kumilos ang lahat sa ilalim ng gabay ng isang matalino at hindi nakikitang Tagapayo, ang Diyos. Ang mga elemento na buhat sa tao ay makikipagpunyagi para sa pangunguna, at maaaring may magampanang gawain na hindi nagtataglay ng lagda ng Diyos.— SPECIAL TESTIMONIES RELATING TO VARIOUS MATTERS IN BATTLE CREEK, pp. 17, 18 . TKK 120.4