Iniibig ko silang sa akin ay umiibig, at ako'y natatagpuan ng humahanap sa aking masigasig. Kawikaan 8:17. KDB 22.1
Bagaman ang Diyos ay hindi tumatahan sa mga templong gawa ng mga kamay, gayunman ay pinararangalan ng Kanyang presensya ang mga pagtitipon ng Kanyang bayan. Ipinangako Niya na kung sila'y magtitipon upang hanapin Siya, para kilalanin ang kanilang mga kasalanan, at para manalangin para sa isa't isa, Siya ay makikipagtagpo sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Ngunit yaong nagtitipon para sambahin Siya ay dapat alisin ang lahat ng mga masasamang mga bagay. Malibang kanilang sambahin Siya sa espiritu at katotohanan at sa kagandahan ng kabanalan, ang kanilang paglapit ay walang halaga.— Prophets and Kings, p. 50. KDB 22.2
Dapat tayong lumayo sa libong mga usapin na kumukuha ng pansin. May mga bagay na umuubos ng oras at nagbabangon ng mga katanungan, ngunit nagtatapos sa wala. Ang pinakamataas na mga interes ay humihingi ng higit na pansin at lakas na madalas ay naibibigay sa mga bagay na hindi mahalaga. . . . KDB 22.3
“Ano ang palagay ninyo tungkol sa Cristo?”—Ito ang katanungang mahalaga sa lahat. Tinatanggap mo ba Siya bilang sariling Tagapagligtas. Sa lahat ng tumanggap sa Kanya ay binigyan Niya sila ng kapangyarihang maging mga Anak ng Diyos. Ang Diyos ay ipinakilala ni Cristo sa Kanyang mga alagad sa paraang may ginagawa sa kanilang puso na isang mahalagang gawain, yaong Kanyang nais na gawin sa ating mga puso. Napakarami ang, sa kanilang masyadong pagtutuon sa teorya, ay nawala ang tingin sa buhay na kapangyarihan ng halimbawa ng Tagapagligtas. Nakaligtaan nila Siya bilang mapagpakumbaba, at manggagawang may pagtanggi sa sarili. Ang kanilang kailangan ay ang pagmasdan si Jesus. Araw-araw ay kailangan natin ang panibagong paghahayag ng Kanyang presensya. Kailangang mas malapit nating tularan ang Kanyang halimbawa ng pagtanggi at pagsasakripisyo ng sarili. . . . KDB 22.4
Ang pagkakilala sa Diyos at kay Jesu-Cristo na naipahahayag sa karakter ay isang kadakilaang higit sa lahat ng mga bagay na itinuturing na kadakilaan dito sa lupa o sa langit.— The Ministry of Healing, pp. 456, 457. KDB 22.5