Kinaumagahan, sila'y maagang bumangon at lumabas sa ilang ng Tekoa. Habang sila'y lumalabas, si Jehoshafat ay tumayo at nagsabi, Pakinggan ninyo ako, O Juda at mga mamamayan ng Jerusalem! Manalig kayo sa PANGINOON ninyong Diyos, at kayo'y magiging matatag. Maniwala kayo sa kanyang mga propeta, at kayo'y magtatagumpay. 2 Cronica 20:20. KDB 23.1
Ang buong Biblia ay isang kapahayagan ng kaluwalhatian ng Diyos kay Cristo. Tinanggap, sinampalatayanan, at sinunod, ito ay isang dakilang kagamitan sa pagbabago ng karakter. Ito ang makapangyarihang pampasigla, isang pumipigil na puwersa, na bumubuhay sa pisikal, mental, at espirituwal na mga kapangyarihan, at itinuturo ang buhay sa tamang mga pamamaraan. KDB 23.2
Ang dahilan kung bakit ang mga kabataan, at kahit yaong mga may edad na, ay madaling nadadala sa tukso at kasalanan, ay dahil hindi nila pinag-aaralan ang Salita ng Diyos, at pagnilayan ang mga ito, gaya ng nararapat. Ang kakulangan ng matatag at kapangyarihan ng kalooban na walang pag-aalinlangan, na nakikita sa buhay at sa karakter, ay resulta ng pagpapabaya sa banal na tagubilin ng Salita ng Diyos. Hindi nila, sa pamamagitan ng lubos na pagsisikap, itinuon ang kaisipan doon sa mga lumilikha ng malinis, banal na kaisipan, at ilayo ito sa marumi at hindi totoo. Mayroon lamang iilan na pinili ang mas mabuting bahagi, na umupo sa paanan ni Jesus, gaya ng ginawa ni Maria, para matuto sa banal Guro. Iilan lamang ang nagpapahalaga ng Kanyang salita sa kanilang mga puso at isinasagawa ang mga ito sa buhay. KDB 23.3
Ang mga katotohanan sa Biblia, na tinanggap ay mag-aangat ng kaisipan at kaluluwa. Kung ang Salita ng Diyos ay pinahalagahan kung paano ito nararapat, parehong ang mga kabataan at mga matatanda ay magkakaroon ng pagkamatuwid ng kalooban, tatag ng prinsipyo, na tutulong sa kanilang tanggihan ang tukso.— The Ministry of Healing, pp. 458, 459. KDB 23.4
Dapat nating ituon ang ating mga puso na alamin kung ano ang katotohanan. Ang lahat ng mga aralin na pinanukala ng Diyos na maisulat sa Kanyang Salita ay para sa atin bilang babala at tagubilin. Ibinigay ang mga ito para mailigtas tayo sa pandaraya. Ang pagpapabaya rito ay magdudulot ng pagkawasak sa ating mga sarili. Anumang sumasalungat sa Salita ng Diyos ay makasisiguro tayong nagmula kay Satanas.— Patriarchs and Prophets, p. 55. KDB 23.5