Ngunit sumagot si Jesus sa kanya, Hayaan mong mangyari ito ngayon, sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang matupad ang buong katuwiran. Mateo 3:15. KDB 256.1
Hindi tinanggap ni Jesus ang bautismo bilang isang pagtatapat ng pagkakasala sa Kanyang sariling tala. Kinilala ang Kanyang sarili na kasama ng mga makasalanan, ginagawa ang mga hakbang na dapat nating lakaran, at ginagawa ang gawaing dapat nating gawin. Ang Kanyang buhay ng pagdurusa at matiyagang pagtitiis matapos ang Kanyang bautismo ay isang halimbawa rin sa atin. KDB 256.2
Sa pag-ahon mula sa tubig, si Jesus ay yumuko sa pananalangin sa tabing ilog. Isang bago at mahalagang panahon ang nagbubukas sa harap Niya. Siya ngayon, sa isang mas malawak na yugto, ay pumapasok sa tunggalian ng Kanyang buhay. Kahit na Siya ay ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Kanyang pagparito ay dapat maging gaya ng di-nabunot na espada. . . . Walang tao sa mundo ang nakaunawa sa Kanya, at sa panahon ng Kanyang ministeryo ay dapat pa rin Siyang lumakad nang mag-isa. Sa buong buhay Niya, hindi naintindihan ng Kanyang ina at ng Kanyang mga kapatid ang Kanyang misyon. Hindi rin Siya naunawaan maging ng Kanyang mga disipulo. Siya ay nanahan sa walang-hanggang liwanag, bilang kaisa ng Diyos, ngunit ang Kanyang buhay sa mundo ay dapat na gugulin sa pagiisa. . . . Dapat Siyang mag-isang tumahak sa landas; mag-isa Niya dapat pasanin ang bigat. Sa Kanya na itinabi ang Kanyang kaluwalhatian, at tumanggap ng kahinaan ng sangkatauhan, ang katubusan ng mundo ay nakasalalay. Nakita at naramdaman Niya ang lahat, ngunit ang Kanyang hangarin ay nanatiling matatag. Sa Kanyang bisig ay nakasalalay ang pagliligtas ng nahulog na lahi, at iniabot Niya ang Kanyang kamay upang hawakan ang kamay ng Makapangyarihang Pag-ibig.— The Desire of Ages, p. 111. KDB 256.3
Maaaring manatili si Jesus sa tabi ng Ama. Maaaring Niyang panatilihin ang kaluwalhatian ng langit, at ang paggalang ng mga anghel. Ngunit pinili Niyang ibalik ang setro sa mga kamay ng Ama, at bumaba mula sa trono ng sansinukob, upang Siya ay makapagbigay ng liwanag sa makasalanan, at buhay sa napapahamak.— Ibid., pp. 22, 23. KDB 256.4